Another month.
It has been four months.
Four months since the accident.
My world is still slowly falling apart.About Damon... I don't even know where to start. Wala, wala pa ring pagbabago. Wala pa rin siyang maalala. Wala talaga. Gustong gusto ko ng sumuko kung tutuusin. Pero ayoko. Hindi ako pwedeng sumuko dahil mahal ko siya. Mahal ko ang mga anak namin. Ayokong sukuan ang lahat kasi alam kong babalik pa rin yung alaala niya eh. Babalik pa yun.
After the scene we had at the hospital, things turned out better than before. I mean, mas na-develop na namin ni Damon yung friendship naming dalawa. Hindi naman kami, o ako, pwedeng magpadalos dalos lang dahil sa mga sinabi niya nung araw na yon. He might be feeling something, but that does not necessarily mean na may nagbabago na.
When it comes to business, surprisingly, Damon still has his genius side. I wasn't expecting him to learn fast, but well, he did. Wala pang isang linggo simula nung bumalik siya sa kumpanya at sa posisyon niya, natuto siya agad na parang hindi man lang siya nagka-amnesia. Ewan ko ba, siguro ganun talaga kapag may amnesia noh. Kahit nawala man yung mga alaala mo, talagang may paraan pa rin yung isip na ipaalala sa'yo lahat.
Para naman sa Tristan&Isolde, dahil na rin sa hindi ko ito matutukan kasi wala pa ako sa wisyo para magmanage nun, I appointed an officer-in-charge, which is yung Director for Marketing ng buong Henry Enterprises, si Nick Castillan. He accepted the job, luckily. I'm on indefinite leave that's why I needed someone who can do my job well.
As of now, Damon and I decided to have lunch. Kahit man hindi na ako nagtatrabaho pansamantala, minsan ay pumupunta rin ako sa kumpanya para malaman ang progress. Today, dapat hindi talaga ako pupunta because I wanted to take care of the twins, next week na kasi yung first birthday nila. Eh kaso inaya ako ni Damon, at sino ba ako para tumanggi? Asawa niya kaya ako.
"Ready?" Tanong niya. I nodded at him and smiled. Sabay kaming tumungo sa elevator na saktong bumukas, at wala pa itong laman.
There was an awkward silence inside the elevator. Naalala ko tuloy dati, nung bago pa lang niya akong empleyado at sumakay kami sa elevator, sobrang tensyon nung feeling. Natawa tuloy ako ng mahina.
"What's funny?" Tanong ni Damon.
"May naalala lang ako," tipid kong sagot.
"Anong naalala mo?" Tanong pa niya. I nervously smiled. Paano ko ba ikukwento?!
"Uhm, it's... Awkward?" Sabi ko. Magsasalita na sana siya kaso nagbukas na ang elevator. Nasa lobby na kami. Thank God. Lumabas na kami, sakto at naghihintay doon si Alex. Remember him? Damon's chaperone and driver.
Hinatid na niya kami sa isang semi formal restaurant sa Taguig. Damon already reserved a table for the two of us, pati na rin yung pagkain namin eh sinabi na rin namin agad pagdating ng waiter sa table namin.
"So, ano yung naalala mo kanina habang nasa elevator tayo?" Bigla niyang sabi.
I looked at him intensely. Gusto talaga niya malaman noh? And knowing Damon, he doesn't back down.
"Uhm ano kasi... Dati, new secretary mo pa lang ako, sumakay tayo sa elevator tapos damang dama yung tensyon sa ating dalawa. Akala ko nga, mag-MOMOL tayo nun," kwento ko sabay hagikgik. Damon smiled at me but had this weird expression.
"Ano yung Momol?" Tanong niya. I grinned. Di pala niya yun alam. Kay Jenny ko lang yun nalaman nung nakaraan.
"Make-out make-out lang, Damon," sagot ko. Tumango tango siya.
"Okay, MOMOL," sabi niya ulit. Natawa ako ng mahina. Hay, Damon. Kung wala ka lang talagang amnesia, iisipin ko na ikaw pa rin itong kasama ko.
BINABASA MO ANG
Until Love Fades
RomanceUntil Love Fades is the second book of His Naughty Proposal. Copyright g_imnida 2013 Every story has its own happy ending. I can say that we achieved it together, with our kids. I regret nothing about everything we've done together. But what if... s...