15 - Unknown.

5.9K 149 32
                                    

Nagmamadali akong tumakbo patungo sa hospital room ni Damon. Hinihingal ako at halatang gulat pa ako sa balitang natanggap ko. Gising na si Damon. Gising na ang asawa ko.

Pagkabukas ko ng pinto, tumambad sakin ang doctor na tumitingin sa kanya, isang nurse at si Mitchie. Tinignan ko si Mitchie at umiiyak lang siya. Nakatingin lang sakin ang doctor at ang nurse. Hindi ko pa magawang tignan si Damon. Hindi ko pa siya magawang lapitan. Natatakot akong malaman na... hindi niya ako natatandaan.

"D-Doc..." Bulong ko. Unti-unti akong lumakad, pero hindi ko pa rin tinitignan si Damon. Ayoko pa.

"Can we talk outside?" Sabi ng doctor. Tumango ako at nagmadaling lumabas. Ipinunas ko sa pantalon ko ang nagpapawis kong mga palad dahil sa kaba.

"Mrs. Henry..." Panimula ng doctor. "I'm really sorry, but..."

Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. "D-doc, may a-amnesia ang asawa k-ko?"

Marahang tumango ang doctor na nag-aasikaso kay Damon. Ano nga bang pangalan niya? Hindi ko na matandaan, hindi ko na rin nabigyang pansin.

"P-paano niyo nalaman? Sigurado ba kayo? Baka post-traumatic thing lang yan." Sinusubukan kong humanap ng ibang paraan para mawala yung takot ko na may amnesia nga talaga si Damon.

"We're very sure, Mrs. Henry. Tinanong namin siya ng mga information tulad ng birthday, full name, parents, address... Even you." Sagot niya. "Pero wala siyang maalala. Wala rin siyang idea kung bakit siya nasa hospital. His memory is in a total black out. Buti nga hindi siya naghysterical, some patients with amnesia become hysterical because they have no idea of anything."

Tahimik akong napahikbi sa mga sinabi ng doctor. Totoo nga, may amnesia ang asawa ko. Ano na ang mangyayari sa buhay namin?

"May chance ba na bumalik yung mga alaala niya?" Tanong ko. Umaasa ako na sana bumalik. Kahit hindi agad agad.

"Yes, Mrs. Henry, but it will take a long time. Most likely, yung mga nasa long term memory muna ang maalala niya: his name, old address, parents, birthday, college life, o basta yung mga bagay na matagal na niyang alam. Pero yung mga recent memories tulad ng pag-aasawa, matagal pa." Sagot ng doctor.

"Kailan namin siya pwedeng iuwi? Can we slowly indulge him with the present happenings of his life?" Huli kong tanong.

"Pwede na siyang iuwi bukas kung hindi magkakaroon ng komplikasyon ang lagay niya. And yes, you may, pero slowly, dahil baka mabigla siya." Sagot ng doctor.

Nagpasalamat na ako sa kanya at umalis na rin ang doctor pagtapos, kasama yung nurse. Pinunasan ko ang luha ko saka pumasok na ulit sa hospital room, at sinalubong ako ni Mitchie na umiiyak.

"Serena... He's..." Panimula ni Mitchie. I stopped myself from crying, then I nodded.

"Hindi ko pa siya kinakausap, I was waiting for you to do that. Hindi ako naalala ni Kuya." Sabi niya. I hugged her tightly and finally glanced at Damon, who's calmly watching the two of us.

"I don't know if I should say this but everything's gonna be okay. We're all gonna get over this." Sabi ko sa kanya, at tumango naman si Mitchie. Nagpaalam na muna ito na uuwi para kumain, maligo at magpahinga kaya pumayag na rin ako tutal matagal na siyang nagbabantay kay Damon.

Kahit ayoko pa, dahan dahan akong naglakad papunta kay Damon, at naupo sa upuan sa tabi ng kama niya. I slowly observed him. He's still the handsome man I married. The only difference is, he doesn't have any idea about me.

"Uhm... Hi." Bati ko saka pilit na ngumiti.

"Who are you? Who's that girl you were hugging?" Tanong nito, halatang nagtataka.

"Okay, we're gonna do this slowly." Sabi ko saka ngumiti ulit. "I am Serena Yvonne Aguilar-Henry, your wife. The girl I was hugging, is Mitchie, your sister."

"I'm married? When? How?" Sunud sunod niyang tanong. Halatang nagtataka siya sa mga nangyayari kaya dadahan dahanin ko muna siya sa information.

"Hindi ko muna sasabihin sa'yo ang lahat, kasi makakasama yon sa'yo. For now, kung hindi ka na magkakakomplikasyon, pwede ka na naming iuwi sa bahay. Hinihintay ka na ng mga anak natin." I explained.

"I have kids?!" Gulat na gulat niyang tanong. I nodded, slowly.

"Twins, actually. You'll meet them when you get home. Sa ngayon magpahinga ka muna. O baka nagugutom ka? Gusto mo kumain?" Sabi ko. Umiling naman si Damon at sandaling pinikit ang mga mata.

"The doctor said I have an amnesia." Sabi ni Damon, saka tumingin ng mariin sakin. Tumango ako. "Yes, from a car accident."

Hindi na siya muling nagtanong. Instead, nagpatulong na lang siya na ihiga yung hospital bed dahil gusto raw niya matulog after niyang malaman yung mga pinagsasasabi ko.

I just looked at him while he's sleeping. He had grown some stubble and his hair is longer. Pero gwapo pa rin siya. I smiled sadly. Ito na ata ang pinakamatindeng pagsubok na nangyari sa buhay ko. Pero hindi ko ito susukuan. Gagawin ko ang lahat maibalik lang ang mga alaala niya. Even if it will take me a lifetime to do that.

**

Until Love FadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon