10 - Forgotten.

5.8K 121 7
                                    

I entered the office with Jenny right behind me. Dumerecho na rin kami sa pwesto naming dalawa. I smiled at everyone inside the meeting hall. Si Damon na lang pala ang hinihintay. I checked my watch, 15 minutes late na siya. Naku. It has been a month since our wedding and our honeymoon. Isa na naman itong monthly meeting ng board, at wala pa ang president ng kumpanya. I took my phone and started texting him.



Hon, where art thou?! 15 minutes ka na pong late, FYI. We're waiting.

Maya-maya, nagreply naman siya kaagad.



On my way. Sorry, I was on the phone with a client.

Hindi na ako nagreply. Instead, tumayo ako at pumalakpak ng tatlong beses para kunin ang atensyon ng mga nasa meeting hall. Pagti-tripan ko lang 'tong asawa ko, sandali. Haha.



"Damon's on the way. Uh, can you do me a favor?" sabi ko. Tumango naman sila kaya napangiti ako ng malaki. "Pag dating ni Damon, pumalakpak po tayong lahat. Don't worry, akong bahala sa asawa ko. I just want to give him a little prank. Okay?" Nagtawanan naman ang mga nasa meeting at tumango. Hehehehe.



Naupo na ulit ako habang pilyong nakangiti. "Baliw ka talaga, Madam!" sabi ni Jenny sakin na katabi ko. Tumawa na lang ako. "Alam ko."



Maya-maya, pumasok na si Harold, ang secretary ni Damon. "Sir Damon's here." Inform niya. Tumango naman ako at tiningnan lahat ng mga nasa board. Lahat sila nag-aabang din habang nakangiti ng malaki. Ooooh, tingin ko mag-eenjoy ako dito. Hahaha.



"Good afternoon." Bati kaagad ni Damon pagpasok ng meeting hall. Tumayo na kaming lahat at saka nagpalakpakan ng sabay-sabay. Halatang nagulat at nagtataka si Damon sa nangyayari. Naghiyawan pa ung iba. Haha.



Tinigil din namin ung pagpapalakpak after, at halatang gulung-gulo si Damon. "What's the commotion all about?" tanong niya. Nagkibit balikat naman ang lahat tapos tumingin sakin. Damon looked at me intently, halatang naghihintay ng sagot.



I started grinning slowly and then giggled. Naghagikgikan naman ung mga nasa meeting. Hindi naman siya umiimik, hindi rin nagreact. Poker face lang siya, kaya kinabahan ako. Bumuntong hininga na lang siya saka sumenyas na maupo na kami.



"Madam, mukhang na-bad trip si Sir..." bulong ni Jenny sakin. I looked at her and I can't help not to scrunch my face. "Sa tingin mo na-bad trip siya?" tanong ko. Dahan-dahang tumango si Jenny. Eeek!



Nagsimula na rin ang meeting. Hindi pa rin ako pinapansin ni Damon na nakaupo sa kabilang harapan ko. Sinubukan ko pa nga na kunin ung atensyon niya by kicking him under the table, pero tiningnan lang niya ako at bumalik na sa pakikinig sa reports. Hindi ko naman na kasi kailangang makinig kasi tungkol sa Tristan & Isolde ung report, eh alam ko naman na successful ung clothing line ko. Syempre dumadaan lahat ng reports na ito sakin.



After one hour, natapos na rin ang meeting. Everyone congratulated me for the success of my clothing line. May iba pa ngang nagkantyaw na magpakain daw ako. Haha. If pansin niyo, comfortable na nakikipag-usap sakin ang board, eh kasi naka-close ko na rin sila nung secretary pa lang ako ni Damon.



"Madam, paano na ung asawa mo? May lunch date kaya kayo." Sabi ni Jenny sakin. Pasakay na kami ng elevator. Sakto naman at maluwag pa yun kaya sumakay na rin kami.



"Akong bahala." Sabi ko. Nagulat ako nang biglang magring ung phone ko. I checked it and saw Damon calling. Baka i-cancel niya ung lunch date namin. Waaaaag!



"Hi." Bati ko. "Where are you?" tanong niya kaagad. Mukhang bad trip nga. Pasaway ka talaga, Serena!



"Elevator. Why?" tanong ko. "We have a lunch date. Meet me in the lobby, andito na ako."



"O-okay. Bye." Sabi ko. Binaba kaagad ni Damon ung tawag pagkaba-bye ko. Huhuhu. Galit ang asawa ko.



"Oh ano sabi?" sabi ni Jenny. Nagbukas naman ang elevator door para magbaba ng ilang tao. Malayo pa kami, siguro mga 8 floors pa bago makarating sa lobby.



"Mukhang galit eh." malungkot kong sabi. My plan got backfired. Huhu.



"Paano mo nasabi?" tanong ni Jenny. I sighed. "He's cold... and very straightforward. Binabaan pa ako kaagad."



Jenny smiled sympathetically and patted my shoulder. "Don't worry, Madam. Pag nakita ka niya dahil ang ganda ganda mo, mawawala galit nun. For sure, hindi niya nakita ang ganda mo kanina kasi na-badtrip siya..."



I just shrugged and smiled. Bumaba na muna kami sa floor ng office ko at nag-ayos ako ng dadalhin ko para sa lunch date namin ni Damon. Nagretouch na din ako ng sarili ko. Baka sakaling pag nakita ako ng asawa kong matampuhin, mawawala ang bad trip niya. Hehe.



Sinamahan ako ni Jenny na bumaba sa ground floor. Nasa 5th floor na kami nang magring ang phone ko. It was Damon's ringtone. I answered it immediately. "Where are you?" naiinip niyang tanong.



"Elevator. Dumaan lang ako ng office ko. Malapit na." sabi ko. I heard him sigh. "Make it quick. I'm hungry." Saka binaba niya uli ang tawag. Hindi na ako nagsalita kay Jenny. Basta naramdaman ko na lang ang pagtapik niya sa balikat ko.



At sa wakas, pagdating namin ng lobby, nakita kong nakatingin ang lahat sakin at nakangiti. I smiled back at them. Laging ganito ang nadadatnan ko sa office. Naglakad na ako kasabay si Jenny pero hindi ko mahanap si Damon. Naku talaga. Wag niyang sabihing sa sobrang inip niya, nabadtrip siya at iniwan ako? Ayoko sa lahat ung mga tokis.



"Madam, anyare?" rinig kong bulong ni Jenny sakin. I looked at her and shrugged. "Aba ewan ko sa asawa kong yan. Asan kaya yon?"



I heard Jenny tsk-ed. "Naku, Madam. Isang buwan pa lang kayong kasal, nag-aaway kaagad kayo. Haha." Sabi niya. I just rolled my eyes. Well, di naman na kase napipigilang mag-away kami. Ilang beses na rin kaming nagkakatampuhan after ng honeymoon namin dahil bahagyang nagkukulang ang oras namin para sa isa't isa at sa kambal. Hindi na namin sila nakaka-bonding araw-araw. Kung makakasama ko man sila Tristan at Isolde, ako lang mag-isa. Pag si Damon naman, siya lang din mag-isa. Hindi kasi nagtutugma ang schedule namin dahil magkaiba kami ng mga gawain sa negosyo.



"That lady wearing a red peplum dress in the lobby, with a pair of white stilettos... please turn around." Isang malakas na announcement ang narinig ko, at paniguradong naririnig rin sa buong lobby. Everyone looked for that girl... pero lahat lang sila ay napatingin sa akin pagkatapos. I got alarmed and looked down at my outfit—red peplum dress, white stilettos... WHAT THE HELL IS HAPPENING?



"Madam! Turn around daw sabi sa intercom!" basag ni Jenny sa katahimikang nababalot sa akin. I looked at her nervously, hindi rin niya kasi alam kung ano ung nasa likuran kasi pareho kaming nakaharap sa labas ng building.



"Pag bilang ko ng 1 to 3, sabayan mo akong umikot!" sabi ko sa kanya. Nagmadali namang tumango si Jenny.



"Ms. Jenny, please do not turn around... even if she tells you to. Again, lady wearing a red peplum dress and white stilettos, please turn around." Sabi ng nasa intercom. Narinig kong napamura ng mahina si Jenny. Pati rin ata siya ay nafu-frustrate!



"Osige na, iikot na ako..." bulong ko. Dahan dahan akong umikot habang nakapikit. Kinakabahan ako sa makikita ko pag dinilat ko ang mga mata ko. Malay ko ba kung si Damon ang may pakana nito o isang prank na naman ng kumpanya. Every week kasi may prank na ginagawa sa isang particular na empleyado. Depende kung anong trip na prank. At feeling ko, biktima ata ako nito ngayong linggo.



"Open your eyes." Utos ng nasa intercom. I slowly opened my eyes, letting the brightness in. Pagmulat ko, isang hindi inaasahang pangyayari ang nakita ko. Oh. My. God. How could I be so stupid? Bakit ko ba nalimutan?! Ugh.



**

Until Love FadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon