9 - Rest House.

6K 107 2
                                    

"Welcome back, Serena!" bati ni Jenny, ang aking secretary, sakin. I hugged her tightly. Na-miss ko siya kaya.



"Thank you! I missed you." Sabi ko. "Wait, come with me to my office. May pasalubong ako!" Sabay kaming pumasok sa office ko at tumungo sa desk. Nilapag ko doon ang bag ko saka kinuha ang pasalubong ko kay Jenny.



"Ta-da!" sabi ko at biglang labas nung pasalubong. Halatang nagulat si Jenny sa pasalubong ko sa kanya. Kung ang iba kasi, ipinapasalubong ay mga damit, ako naman, pinasalubungan ko si Jenny ng iba.



"Oh my god, Serena... masyadong mahal ito!" sabi ni Jenny. "Okay naman ako kahit sa keychain lang, bakit kailangang ganito pa? Nakakahiya."



I patted her arms and squeezed it lightly. "Jenny, kahit tumanggi ka, di ko na tatanggapin ulit yan. Those shoes are yours." Oo, binilhan ko siya ng pink peep-toe shoes from Prada. Yes, it's expensive, but I really want to give her the shoes. As a reward na din, for being a good friend and a good secretary.



"P-pero paano mo nalaman na ito ung gusto ko...?" nagtatakang tanong ni Jenny. I smiled at her. "Oh, I saw you browsing this magazine last time, and you were ogling at these shoes."



Niyakap naman ako bigla ni Jenny, that's why I hugged her back. When she pulled back, she was grinning widely. "OMG! May pang-gimik na akong shoes. My, my, baka magka-boyfriend na ako dahil dito!"



Nagtawanan kaming dalawa. I sighed happily. "So, how's France?" tanong niya. "Wholesome ba?"



I grinned. "Very, very wholesome. France is epic. I love that country." Sagot ko.



"Saan kayo pumunta?" sunod na tanong ni Jenny. "Madami e. We even went to Damon's rest house in France." Sagot ko. Halatang nagulat si Jenny sa sagot ko. Well, di niya kasi alam na may bahay si Damon sa France.



"Oh? Wow naman! Ano itsura ng rest house? Anyare sa inyo?" nangingiting tanong nito ni Jenny. Hindi ko naman mapigilang ngumiti at alalahanin ang trip namin sa rest house ni Damon nun...



** Flashback **

"Damon, malayo pa ba?" naiinip kong tanong. Kasi ang tagal na naming nagba-byahe pero wala pa din kami sa rest house niya. Ang aga naming umalis ng hotel, mga 7AM. 9AM na, wala pa rin kami dun.

"Malapit na po." Nakangiting sagot ni Damon."My wife is so grumpy." I lightly punched him on the arm. Siya yung nagda-drive. Nagrent siya ng kotse para mas okay daw kaming makapagbyahe. May driver's license naman kasi siya dito sa France kaya ganun.

"Eh ang tagal kasi. Puro kabundukan na itong napuntahan natin. Teka, parang Spain na ito! O Italy? Ayy ano ba yan kasi!" sabi ko. Tumawa si Damon sa reaksyon ko. Ano bang malay ko dito sa lugar na 'to. Pero seryoso, mukhang Spain or Italy na ung lugar. Haha.

"We're still in France. Unravel your knickers." Sabi ni Damon. "Twenty minutes more, and we're there."

"Pag ako nagbilang ng twenty minutes pero di pa rin tayo naandun... hindi ka makaka-score sakin!" banta ko. Tumawa na naman si Damon. "Paano kapag tama ako? Dapat makaka-score ako. Gusto ko maka-home run."

Until Love FadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon