1 - Start of Something New.

23.7K 258 9
                                    

CONFETTI!!!!!! First chapter for ULF! :)



Regarding sa book 1, ang birthdate ng twins ay August 12, sinakto ko na sa araw na in-upload ko yung chapter 47. But if you'll notice, hindi naman sakto talaga ung mga months/dates/days doon sa ibang chapter, tulad nung nag-Palawan sila kasi summer yon, kaya supposed to be dapat mga "next year" pa si Serena manganganak, or something na magce-celebrate sila ng Christmas or New Year or whatsoever. I-absorb niyo na lang ung mga pangyayari, wag niyo na intindihin kung sakto ba o hindi ung mga dates. XDD



--------------------------------------------------------



5 months later...



"Wag na nga lang tayong magpakasal!" inis kong sagot kay Damon. Ayaw kasi ako tigilan! 'Ba naman kasi e, ang kulit kulit, paulit-ulit ng tinatanong. Eh halata namang alam na niya ung sagot, pinagti-trip-an pa ko. Tuwang tuwa pa ang loko! Bwisit.



"Eh saan mo ba kasi gusto maghoneymoon?" tanong na naman niya ulit. Eh sinagot ko na nga kanina pa na sa Paris nga! Nagkukunwari pang hindi narinig.



"Naku, Damon Henry. Hindi na ko natutuwa. Kung ngayon pa nga lang na hindi pa tayo kasal, di mo na ko pinapakinggan, what more kung kasal na tayo? Sinagot ko na 'yan kanina pa. Hindi ka naman nakikinig sa akin. Hmmp! Bahala ka dyan." Galit kong sabi sabay bangon mula sa kama. After hours of lovemaking, mag-aaway lang kami after dahil sa mga kalokohan niya. Nako! Inabot ko ang robe ko na nasa sahig at sinuot yon saka tumungo sa labas ng kwarto at sinara yon ng dahan dahan. Ayokong magising ang kambal ko na nasa kabilang kwarto lang. Naglakad na ako papunta sa hagdan para pumunta ng kitchen. Narinig ko namang sumunod sa akin si Damon. Tss, bahala siya!



Pagdating ko ng kitchen, kumuha kaagad ako ng malamig na tubig mula sa ref at nagsalin sa baso saka uminom. Maybe this will cool me down. Pag-ikot ko, nasa kabilang side ng dining table si Damon, nakatingin sakin at halatang nagmamakaawang patawarin ko siya. Sus, ang kulit kulit kasi ng fiancé ko na 'to.



"I'm sorry." Sabi niya. Tinitingnan ko lang siya habang hawak ko ung baso. Go on, Damon Henry. Beg. Nakakainis ka.



"Hey, Serena mine..." Serena mine mo mukha mo! Pinagtitripan na naman ako kasi e.



"Look, I'm really sorry... niloloko lang naman kita. Yes, I heard that you wanna go to Paris. I was just joking." Explain ni Damon. Oh diba, aamin ka rin pala e. Pero wala akong balak magsalita. Tititigan ko lang siya hanggang sa matunaw siya dyan. Infairness, pogi naman siya ngayon. He's half naked and has his bed hair—my ultimate favorite.



Nagulat naman ako ng bigla siyang naglakad papalapit sakin—tapos nasa harapan ko na siya. Tinititigan ko lang talaga siya. Kinuha ni Damon ung baso mula sa kamay ko at binaba yon sa dining table kaya nagpameywang na lang ung dalawa kong kamay, at nakatingin lang ako sa kanya na para bang nagsasabi ako na "Now what are you going to do to get me back?". And his next move startled me—bigla niyang nilusot ang dalawang kamay niya sa butas na nagawa ng mga nakapameywang kong kamay at niyakap ako bigla! Aba't... nagpapasweet, ganun?



"I'm sorry, Serena mine..." He whispered on my neck. Nakasiksik kasi ung mukha niya sa leeg ko. Naku, kung tutuusin inaakit na naman ako nito e! Syempre, alam niyang 'yan ang weakness ko pagdating sa kanya. Tsk.



"Ikaw kasi." I finally said. Hindi naman siya gumagalaw o kung ano—nakasteady lang siya. "Alam mo namang pikon ako, at pagod na din sa trabaho, lolokohin mo pa ako." dagdag ko. "Eh kung ayaw mo naman kasi na pumunta tayo ng Paris, okay lang sa'kin. Di naman kita pinipilit, tutal pera mo naman ang gagastusin. Okay lang din naman kung gusto mo na sa Pilipinas lang tayo, di naman ako magrereklamo. Okay lang din naman kung di na tayo magha-honeymoon, tutal may kambal naman na tayo, siguro okay na 'yan. Hindi naman ako humihiling ng malaki, Damon. Gusto ko lang naman na magkasama tayo. Kahit ano namang gusto mo, okay lang sa akin. Pera mo naman ang gagastusin. Kung gusto mo ako na lang gagastos para win-win situation. Tutal, all this time, ikaw ang gumagastos para sakin, eh di ngayon ako naman para wala kang masabi." Dugtong ko. Hindi nagsasalita si Damon—at maganda naman yon dahil gusto kong makinig muna siya. I also appreciate that—listening—essential kasi siya sa magkarelasyon e.



Until Love FadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon