Nami Pov:
"Nami! Nami!" sigaw ni Mira habang ngiting ngiting papalapit sakin.
"Oh bakit?" tanong ko.
"Tawag ka ni sir Nine, mukhang may pupuntahan yata kayo." yung ngiti nya parang aabot na sa tenga sa sobrang lapad.
Ano bang nangyayari sa isang to?
"Pupuntahan?"
"Oo, kaya go na girl! Hinihintay ka na nya."
"Sige! Ikaw na ang bahala dito ah?" bilin ko sa kanya, nagpupunas kasi ako ng antique na vase.
"Ok, ok! Ako ng bahala dito, magbihis ka na, magpaganda ka ah?"
"Ano? Bakit naman?"
"Malay mo magdedate pala kayo, kaya kailangan pretty ka girl!"
"Date ka dyan! Aalis lang date na?"
"Oh-eh malay mo nga no, ayieeet!"
"Psh! Tigilan mo nga ako."
Tsh! saan naman kaya kami pupunta? Wala naman syang nabanggit sakin na may lakad kami ngayon?
***
"Saan ba talaga tayo pupunta? Tsaka bakit hindi natin kasama si butler Jang?" i asked.
"Lakad nating dalawa ito,kaya hindi sya kailangang sumama."
Just the two of us? Oh my god! Ibig nya bang sabihin eh date?opss...nadidinig nya pala. Baka sabihin nya assuming ako. Saan ba kasi kami pupunta?
"Manahimik ka lang dyan ok?Malalaman mo din, kapag nandoon na tayo."
"Ok."
Humalumbaba ako habang nakatingin sa kanya na nagdadrive. Ang gwapo nya. Wala na akong pakialam kung naririnig nya yung iniisip ko. Basta ang gwapo nya talaga, napakaperfect.
"Staring is rude, woman."
Napapout ako, kunwari pa. I know naman na natutuwa sya kapag napupuri.
"Tsk!"
"Oh bakit? Totoo naman diba?"
"Tigilan mo ako babae."
Napanguso na lamang ako ang bipolar talaga nya, ang sungit bigla, tch! Ibinaling ko na lang ang aking tingin sa labas. Malayo na kami sa bayan dahil puro mga nagtataasang mga puno na lang ang aking nakikita.
"Oyy Nine! Tingnan mo yun oh! Ang ganda!" sabi ko habang hila hila ang sleeves ng damit na suot nya.
"Aish! Ano ba kasi yun?"
"Pwede bang tumigil muna tayo dito?"
"Nah! Malayo pa ang pupuntahan natin."
"Ahh...sige na. Please! Sandali lang naman eh."
"No.'
"Sige na Nine..please! please! woii!"
"Tsk! Fine!"
"Yes!"
Tumigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Bumaba ako ng sasakyan ganun din si Nine hinawakan ko sya sa kamay saka hinila papunta sa isang puno sa ilalim nito ay may isang benck at puno ng sari saring kulay ng bulaklak ang paligid, sa harap naman namin ay natatanaw ang malawak na asul na karagatan.
"Halika dito Nine, upo tayo."
Nakapamulsa syang umupo sa tabi ko.
"Ang ganda ng place na ito, diba?" baling ko sa kanya, tipid syang ngumiti.
BINABASA MO ANG
Being Maid of a Lazy Vampire Prince (Completed)
VampireInside the book her unexpected fairytale begin.