Nami pov:
Back to school na naman at tulad ng dati nauna na naman sakin si Nine habang yung bag nya bitbit ko. Habang naglalakad ako mag-isa dito sa hallway, nakita ko naman yung mga babaeng humahabol sakin. Nakaharang na naman sila sa daraanan ko at may hawak na silang gunting.
Shocks! Tototohanin talaga nila?
May buhok naman sila. ba't yung sakin ang pinag-iinitan nila?"Woii Nami!!"
Napatigil ako sa paglalakad. Oh-oh! Should I run now?
"Hoyy Nami Perez!!!!"
"Not now! I love my hair pa!!!!"
Tumakbo ako habang dala-dala ang bag ko at bag ni Nine. Kahit kailan talaga pahirap sa buhay ko bang isang yun.
And then, someone grab my hand papunta sa isang sulok and corner me.
😲
"Bilisan nyo! Baka matakasan na namn tayo ng bruhang yun."
Dinig ko ang mga yabag nila papalayo, pero hindi parin maalis ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko ngayon. Wala pa kasing gumawa nito sakin, I mean yung mangcocorner. Ni manligaw nga wala man lang nagtangka kahit crush man lang para sakin. Minsan iniisip ko nga na siguro napakaperpekto ko para sa kanila kaya ni isa walang gumawa. Tsaka yung mga ganitong scene napapanood ko lang sa mga k-drama at binabasa ko lang din sa mga libro. Yung feeling na kinikilig pa yung character pag ganun but in real life....nakakailang pala."U-Uhmm....P-Pwede bang alisin mo nayung k-kamay mo sa g-gilid ko?"
"Sorry!" Sabi ni Bryan.
Yup! Si Bryan nga, akala nyo si Nine no? tsk...imposibleng gawin nya yun. Baka nga tulungan nya pa ang mga babaeng yun na kalbuhin ako. Tsk!....kumukulo talaga ang dugo ko sa tuwing nakikita ko ang balahurang yun.
"Ayos ka lang?"
"Hindi! Nakakapagod takasan ang mga yun eh."
Pupulutin ko sana ang bag ni Nine na nahulog kanina pero inunahan na nya akong kunin yun.
"Ako na ang magdadala nito."
"Huh? I mean bakit?"
"Kasi mabigat ito, baka mahirapan ka."
"Hindi. Ayos lang. Ibigay mo na sakin yan."
"Wag na. Ako na ang magdadala nito."
"Pero------"
"Wag ng makulit, ok?"
Ginulo nya ang buhok ko saka naunang maglakad.Aish!! kailangan pa talagang guluhin ang buhok ko?
"Uyy ano magpapalaboy ka dyan? Sige ka. Baka makita na naman ng mga babaeng Yun-----"
"Eto na nga oh! sumusunod na, hintayin mo naman ako."
"Bilisan mo kasi."
"Oo na nga."
Nine pov:
"Babae! Wag mo na akong hintayin mamaya, may pupuntahan pa ako. Babae? And where the hell she go? pasaway talaga kahit kailan."
Papasok na sana ako sa classroom, nang mapansin kong hindi pala nakasunod sakin ang dakdakerang yun, kaya bumalik ako....pero hindi ko sya nakita, baka nagkasalisi kami. Dalawa kasi ang hallway papunta classroom.
Babalik na sana ako nag makita ko sya sa kabilang hallway na tumatakbo habang hinahabol ng mga pesteng malalanding babae dito sa classroom.
Pupuntahan ko sana sya pero may humila at kumorner sa kanya. Kaya hindi na sya nakita nung mga babae. Habang nakatingin ako dun sa dalawa parang may kung ano sakin na kinaiinis ko.
BINABASA MO ANG
Being Maid of a Lazy Vampire Prince (Completed)
VampireInside the book her unexpected fairytale begin.