Kabanata 7

3.3K 118 32
                                    

Kabanata 7


Binagabag ako nang husto ng sagot na iyon ni Zach. Palagi naman sinasabi sa akin ni mama at papa na maganda ako at hindi ako dapat mainggit sa iba. Ngunit noong sinabi ni Zach na nagagandahan siya kay Ate Hannah ay nanlumo ako. Pakiramdam ko'y lamang na lamang sa akin si Ate Hannah nang sobra sobra. Alam kong masama ang mangumpara. Pero hindi ko mapigilan.

Tulala akong naghuhugas ngayon ng mga pinaglutuan ko nang napaigtad ako sa gulat dahil sa biglang paglapag ng kung sino ng isang plato sa hugasan.

Mabilis na nag-init ang ulo. Patapos na akong maghugas e! Bakit may pahabol?!

Suminghap ako at hinarap ang walang hiyang talipandas na gumawa niyon. Akala ko ay si Gold ang haharapin ko ngunit natigilan ako nang ang matangkad na si Zach ang tumambad sa akin. Malamig ang tingin niya sa akin pero natutunaw ang puso ko.

"Z-Zach..." gulantang na sambit ko.

Gumilid ang tingin niya sa gripo na patuloy ang pagbuhos kahit hindi ko ginagamit. Sinara niya iyon.

"Kapag hindi mo ginagamit, isara mo. Nagsasayang ka ng tubig," aniya.

Napalunok ako.

Sobrang lapit namin sa isa't isa. Kaya siguro napakabilis na naman ng tibok ng puso ko. Parang sasabog.

"Pinahabol nga pala iyang plato ng kapatid mo. Nakalimutan mo raw..."

"O-Okay lang," wala sa sariling sagot ko.

Nagtaas siya ng kilay at ngumisi. "Really? You looked like you were about to kill me when you turned around."

Umiling ako. "Okay lang talaga!"

Tumikom ang kanyang bibig. Umatras siya at nagpamulsa. Hindi ko naman maalis-alis sa kanya ang mga mata ko, hindi ko alam kung bakit. Mukha na yata akong tanga, nakalimutan na masama nga pala ang loob ko.

Napakurap-kurap ako.

Oo nga pala! Bakit ko siya kinakausap? Dapat hindi ko siya kinakausap! Nagagandahan siya kay Ate Hannah. Nagtatampo ako!

"S-Sige na. Balik ka na ro'n. Tatapusin ko na ito," sabi ko sabay talikod sa kanya.

Hindi siya nagsalita pero narinig ko ang walang pag-alinlangan niyang lakad palabas ng kusina. Ilang segundo bago ako lumingon. Wala na nga siya. Nangiwi ako at napasabunot sa buhok.

"Ano ka ba naman, Jewel?" nanghihinayang na bulong ko sa sarili.

Bumuntong-hininga ako at nakangusong tinuloy na ang paghuhugas ng punggan.

Matapos kong maghugas ay bumalik lang ako sa library para punasan ang iyong lamesa nila. Pagkatapos n'on ay hindi na ako bumalik. Nagkulong na lang ako sa kuwarto ko at nag-soundtrip hanggang sa gumabi. Lumabas lang ako noong sinabi ng kapatid kong umalis na si Zach at pauwi na sina mama.

"Bakit hindi ka na lumabas, ate?" nagtatakang tanong ng kapatid ko.

"Bakit? Hinanap ba ako ni Zach?" mabilis kong tanong.

"Ha! Tinanong ko lang kasi himala na hindi mo siya kinulit habang tinuturuan niya ako."

Nawala ang ngiti ko at sumimangot.

"Asa ka namang hahanapin ka n'on?" Umiling-iling siya at umakyat na ng hagdan.

"Ikaw!" gigil na turo ko sa kanya at akmang babatuhin ng throw pillow na kinuha ko mula sa sofa pero dali-dali na siyang tumakbo paakyat.

Marahas akong napabuga ng hangin. Kinalma ko ang sarili.

Doon ko naramdaman ang pag-vibrate ng phone ko. Agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag at sinagot iyon nang makitang kaibigan ko iyon.

TVD #5: The Day She ConfessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon