Kabanata 28
“Ano kayang ginagawa ni Chasin dito?” bulong ko sa sarili habang binabaybay ang mahabang pasilyo ng ikalawang palapag.
Namamangha pa rin ako sa mga furniture. Minsan ay napapatigil ako sa paglalakad kapag hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga naglalakihang picture frame ng pamilya ni Zach na nakasabit sa wall.
“Magkaibigan talaga sila, ha?” tukoy ko kay Chasin at Zach.
May ilang litrato kasing nakikita kong magkasama si Zach at si Chasin. Kapwa sila hindi ngumingiti. Seryoso lang ngunit malalakas ang dating.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nang makita na ang mga pinto, agad kong sinilip ang pinakauna. Kailangan ko nang magmadali. Siguradong tapos na makipag-usap iyon si Mrs. Montague sa telepono. Oras na makita niyang wala ako sa living room at malaman na hindi pa ako umaalis, hahanapin ako n’on. Hindi ako puwedeng mahuli.
Sinara ko ang pinto nang makitang guestroom iyon. Nataranta ako sa kaisipang marami pa akong pinto na dapat buksan para malaman kung alin ang kay Zach. Paano ko ba malalaman?
Ay bahala na!
Nilapitan ko ang isang pinto sa gitna at binuksan para silipin ang black themed na kuwarto. Sa kasuwertehan ko’y nasulyapan ko ang bag ni Zach na nakapatong sa study table. Yes! Ito na ’yon!
Dali-dali akong pumasok. Pagpasok ko’y siniguro kong ni-lock ko ang pinto bago nagsimulang luminga-linga sa paligid para harapin si Zach. Kinakabahan pa ako nang maisip na baka magalit siya dahil pumasok ako sa kuwarto niya. Kaya lang, wala siya sa kama at wala rin sa kahit saan. Pero nang lapitan ko ang isang pinto na bathroom yata at narinig ko ang lagaslas ng tubig, naisip kong baka nasa loob siya at nags-shower. Ngumisi ako at kinilig.
Ano kayang inuuna niya kapag naliligo? Buhok o katawan? Humagikhik ako.
Nagtingin-tingin ako ng mga gamit niya habang hinihintay siyang matapos. Ngiting-ngiti ako at minsan pa ay humahagikgik sa labis na kilig.
“Nasa loob ako ng kuwarto ni Zach…” bulong ko kapagkuwan ay malanding tumawa.
Naalala ko ang sinabi ni Mrs. Montague kanina. Sabi niya, hindi siya sigurado kung kaya bang humarap ni Zach sa mga kaibigan niya… bakit? Anong ibig sabihin n’on?
Napansin ko ang isang maliit na picture frame na nakapatong sa kanyang study. Kinuha ko iyon. Mas bata si Zach sa picture at may kasamang isang hindi pamilyar na magandang babae. Parang kasing edad lang ito ngayon ni mama pero dahil sa siguro’y ilang taon na simula nang kunan ang litratong ito ay mukha pa itong dalaga rito. Hmm… tita niya kaya ito? May pagkahawig sila nang kaunti e. Pero bakit wala akong nakitang ibang litrato nito sa hallway kanina? Teacher niya noon?
Siguradong importante para sa kanya ang babaeng ’to kasi ito lang ang nakita kong picture frame sa loob ng kuwarto. Tapos nandito pa sa study table.
“Jewel? What are you doing here?”
Napaigtad ako sa gulat at mabilis na lumingon nang marinig ko ang boses ni Zach sa aking likuran. Nagtataka siyang nakatingin sa akin. Nakasuot siya ng white na tshirt at black na sweatpants. Mamasa-masa pa ang kanyang buhok at may nakapatong na face towel sa kanyang balikat. Ang linis niyang tingnan.
“Ah, Zach… ”
Ano nga ba ’yong mga dapat kong sabihin?
Bumaba ang tingin niya sa hawak kong picture frame. Kumunot ang kanyang noo at wala pang ilang segundo ay nasa harapan ko na siya. Napaatras ako nang marahas niyang inagaw iyon sa akin.
“Bakit mo pinakikialaman ang gamit ko?” hindi tulad kanina ay tumaas na ang kanyang boses.
Napaatras ako sa gulat at napalunok. “S-Sorry. Na-curious kasi ako—”
BINABASA MO ANG
TVD #5: The Day She Confessed
Teen FictionJewel Aeon Tabusares, a young high school student from the lowest section, decides to confess her feelings to Zachiro Montague on the heart's day. Unfortunately, she got dumped. -- The most intelligent student in their school, Zachiro Montague, has...