Kabanata 2

5.3K 154 45
                                    

Kabanata 2



Alam kong palaging nakadikit sa akin ang malas. Sigurado ako doon. Simula pa pagkabata. Kaya nga hindi rin ako binigyan ng kahit kakarampot na katalinuhan e. Kung bakit tila pumabor sa akin ngayon ang swerte ay hindi ko alam.

Tahimik akong nakatayo sa tabi ng isang halaman, pinagmamasdan ang pagpapaypay ni Zach sa usok palayo sa kanya. Nakasuot siya ng formal na damit; white button up and a black pants. Hindi ito ang unang beses kong makita siya sa ganoong ayos pero parang tinutunaw ang puso ko habang tinitingnan siya ngayon. Bagay na bagay sa kanya. Nagmistula siyang masungit na prinsipeng ginagawa ang mga bagay na hindi akma sa kanya.

Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa iniihaw niya. Ilang minuto na ang lumipas. Baka puwede nang kumuha ngayon?

"Ano… p-puwede na kumuha?" kabadong tanong ko.

Hindi siya sumagot. Kinagat ko tuloy ang labi ko.

Bigla siyang tumayo at nilagay ang iniihaw niya sa isang plato. Napangiti ako agad at lumapit para kumuha na ngunit iniwas niya iyon. Tiningnan niya ako ng masama.

"B-Bakit…"

"Mag-ihaw ka rin."

"Ano?"

Tinalikuran niya ako at pumasok na sa loob ng kubo. Hindi makapaniwalang pinagmasdan ko ang likod niya hanggang sa hindi ko na siya nakita.

Mag-ihaw din ako? Bumaba ang tingin ko sa ihawan, mangiyakngiyak. Hindi ako marunong! Paano ako mag-iihaw?

Nakangusong umupo ako at sinimulan na lang kahit 'di talaga ako marunong. Dahil may nakikita pa naman akong apoy, hinipan ko na lang at saka ko nilagay ang isaw sa barbeque grill. Hindi ko alam kung ilang minuto ba akong nag-iihaw doon. Iyong mga una kong nilagay, pagbaliktad ko, halos sunog na. Inisip kong sa akin na lang iyon at ang mga sunod na ang kina Papa.

"Anong ginagawa mo? Balak mo bang sayangin 'yan lahat?"

Napaigtad ako sa gulat nang bigla kong narinig ang boses ni Zachiro sa likod ko. Uubo-ubo dahil sa usok, nilingon ko siya at kahit sa dilim ay nakita ko ang pagkakasalubong ng kanyang mga kilay.

"Zach…"

Nilapag niya ang platong kanina ay pinaglagyan niya ng mga barbeque at isaw sa kawayang lamesa sa tabi lang ihawan, pagkatapos ay lumapit sa akin.

"Tabi." utos niya.

Mabilis akong sumunod kahit nagugulat at nalilito. Tahimik siyang nag-squat sa tabi ko at inayos ang apoy.

Umawang ang aking labi nang matanto kung gaano kami kalapit sa isa’t isa. Seryosong-seryoso siya sa ginagawa kaya siguro hindi niya napansin ang distansya namin. Nagmistulang kabayo na may karera tuloy ang aking puso habang titig na titig sa napakaguwapo niyang mukha.

Grabe. Ang tangos-tangos pala ng ilong niya kapag naka-side view! At ang pilik-mata niya, napakahaba!

Lord, maraming salamat po sa grasiya!

Sa panaginip ko lang nalalapitan ng ganito si Zach. Hindi ko akalaing posible palang mangyari iyon... Ngayon pa!

Napangiti ako. Sana hindi na matapos ito.

Biglang lumingon sa akin si Zachiro. Nanlalaki ang mga mata ko nang kamuntik nang magtama ang mga labi namin kung hindi lang siya umatras agad dahilan para mapaupo siya sa damuhan.

“Shit!” mura niya.

“Hala! Sorry!” bulalas ko at maagap siyang tinulungan.

Hinawakan ko siya sa braso para tulungan sa pagbangon. Pero hindi ko akalaing sobrang bigat niya kaya imbes na mahila ko siya ay ako ang nahila niya!

TVD #5: The Day She ConfessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon