Kabanata 11

3.7K 105 79
                                    

Kabanata 11




"Bilisan n'yo!" sigaw ni Clarisse.

Noong Valentines. Oo. Noong Valentines ang naaalala kong huli kong takbo nang ganito.

Ang totoo, abot-tahip na talaga ang kaba ko. Lahat ng mga kaklase ko ay kasama kong tumatakbo ngayon papunta sa faculty. Releasing na ng scores sa exams namin at dahil lahat kami'y atat nang makita ang results, sama-sama na kami papunta roon.

Ninenerbiyos ako nang sobra bagaman na-e-excite rin na makita ang resulta ng isang linggo kong pagpapakahirap.

"Zach, anong kukunin mong strand sa senior high?"

Naaalala ko pang isa iyon sa mga itinanong ko kay Zach habang pinapanood niya ang pagsagot ng kapatid ko sa ibinigay niyang test. Kasama ang gabing iyon sa isang linggong pag-aaral ko nang mabuti pero siyempre dahil nagpapahinga ako ay kinukulit ko muna siya. Hanga nga akong hindi siya napipikon sa akin. Ah, napipikon pero hindi siya nagagalit nang sobra.

"STEM," tipid niyang sagot.

Ngumuso ako. "Mabuti ka pa, alam mo na kung anong strand ang kukunin mo."

"Alamin mo muna kung anong gusto mong course bago ka mag-isip ng strand."

"Alam ko 'yon!"

Nilingon ko siya. Umihip ang malakas na hangin kaya kitang-kita ko kung paano sumayaw ang bagsak niyang buhok. Ngumiti ako.

"Anong course ang kukunin mo?"

"Psychiatry."

"Doctor!"

Umawang ang aking labi, namamangha nang sobra. Wow! Mag-do-doctor siya! Kung iisipin, parang bagay nga sa kanya iyon. Naiisip ko pa lang na nakasuot siya ng doctor's gown ay nagwawala na ang mga bulate sa aking tiyan.

Pero teka...

"P-Psychiatry? Hindi ba... s-sa mga baliw 'yon?"

Umigting ang kanyang bagang. "Don't. Call. Them. That. Way. They have behavioral problems but they still deserve to be respected."

Napakurap-kurap ako sa biglang galit niya. Nag-panic ako kahit nalilito.

"S-Sorry..."

"Tss..."

Napatingin sa aming dalawa si Gold. Nang makita niyang napatingin din ako sa kanya ay bigla siyang tahimik na umiwas ng tingin. Nahiya ako bigla, hindi ko alam kung bakit. Naging nakakailang din 'yong paligid.

"B-Bakit gusto mong mag-Psych, Zach? T-Tanong lang..."

"Wala lang." Halos matumba ako sa sobrang natural ng pagsagot niya n'on.

"W-Wala lang?"

Saglit siyang hindi sumagot. Tumitig lang siya sa mga librong nasa lamesa. Doon ko napansin na maging ang kapatid ko ay nakaabang na rin sa isasagot niya.

"I just want to understand them. I want to heal them and prevent them from getting more severe..."

Natigilan ako.

Sobrang natural na naman ng pagkakasabi niya n'on. Para bang napaka-simple lang pero ang hindi niya alam ay sobrang laking points n'on para sa akin. Sobra akong namangha, dahil kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko ang mga bagay na katulad niyon. At hindi ko rin lubos naisip na ganito siya mag-isip. Sobrang... wala sa itsura at ugali niya.

Siguro nga ay hindi ko pa siya lubusan talagang kilala. At sa bawat detalyeng nalalaman ko tungkol sa kanya, mas lalo akong nahuhulog. Makakaahon pa kaya ako?

TVD #5: The Day She ConfessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon