Kabanata 13

3.5K 106 104
                                    

Kabanata 13



“Zach… sorry…”

Kasalukuyan na naming pinagpapatuloy ngayon ang sand castle namin. Ngunit kabadong-kabado ako dahil sa pagiging tahimik niya. Kung ano-ano na rin ang naiisip ko. Paano kung bigla na lang siyang umayaw na ipagpatuloy namin itong sand castle dahil sa mga sinabi ko? Parang nasira bigla ’yong saya ko kanina sa naisip.

“Zach, sorry talaga. Alam mo kasi, parang may sumapi sa aking engkanto e. Siya talaga ’yong nagsalita ng mga 'yon at hindi ako,” pagdadahilan ko, umaasang maniniwala siya.

Nabuhayan ako bigla nang sa wakas ay nilingon niya ako bagaman kunot ang kanyang noo.

“Puwede ba? Huwag mo ’kong niloloko. Hindi totoo ang mga engkanto.”

“H-Ha? Hindi ba?”

“Tss…”

“P-Pero, Zach. Sorry na nga. Pati pala sa pagyakap ko sa ’yo kanina. Hindi ko sinasadya. Masiyado lang kitang na-miss kaya ko nagawa ’yon. Hindi ko nakontrol ’yong sarili ko…” Napanguso ako.

Nakita ko ang pag-irap niya sa hangin. Hindi na naman siya nagsalita.

“Zach… alam mo ba?”

“Hindi ko alam.”

“Nitong isang linggong hindi kita nakikita, sobrang lungkot ko. Dapat nga sana nasa labas ako lagi at naglalakwatsa kasi Summer na. Pero… hindi ko magawa.” Napanguso ako. “Parang mas gusto kitang kasama kaysa gawin mga nakasanayan ko. Tapos, alam mo ba? Parang hindi na ’ko sanay na wala ’yong presensiya mo sa bahay. Parang may nawala nga, e. Kaya siguro ang lungkot.”

Natigilan siya sa paghuhukay ng buhangin, pero hindi siya lumingon sa akin.

“Feeling ko talaga Zach, nababaliw na ’ko,” mangiyak-ngiyak kong dagdag.

“Buti alam mo.”

Napasimangot ako.

Ang sungit talaga! Kunwari pa, concern din naman talaga sa akin.

"Pero huwag kang mag-alala! Nakaisip na ako ng ideya para hindi natin ma-miss ang isa’t isa.” Humagikhik ako.

“Anong katangahan na naman naisip mo?” may pagkaburyo ang kanyang boses.

“Mag-STEM din ako.”

"What?!"

Nabitiwan niya ang maliit na pala na hawak at namimilog ang mga matang napatingin sa akin. Napangiti ako sa gulat niya. Bakit ba ang guwapo niya kahit anong gawin niya?

"Hehe. Sabi ko na nga ba magugulat ka rin sa tuwa, e."

"Hindi puwede! Jewel…” aniya na tila ba na-s-stress masiyado sa sinabi ko dahil sa pagkamot niya pa sa kanyang noo.

"Ha? B-Bakit?"

“You’re scared of blood. At isa pa, I don’t think you have the heart to heal people. Gusto mo lang naman ang track na ’yon dahil sa akin, hindi ba? Hindi ka puwede do’n.” Umiling-iling siya.

“Pero…”

Matagal ko rin iyon pinag-isipan. Bago pa man ’yong moving up ceremony namin ay iniisip ko na ang balak kong ’yon. Hindi ’yon naging madali dahil tama naman silang takot nga ako sa dugo. Nahihilo at nasusuka ako sa tuwing nakakakita ako ng taong sobrang daming dugo sa katawan. Pero tingin ko naman, e, kaya ko ’yon malagpasan. Naniniwala akong kapag gusto mo ang isang bagay ay magagawa mo basta’t desidido ka at may kumpiyansa sa sarili.

Ngunit sa paraan ng tingin sa akin ni Zach ngayon, parang lahat ng mga inisip ko sa loob ng isang linggo ay naglaho na parang bula. Talagang ipinapakita ng mata niya sa akin na hindi ako puwede ro’n.

TVD #5: The Day She ConfessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon