Kabanata 34

3.9K 99 121
                                    

Kabanata 34





Wala akong karapatan pero hindi ko matanggap ang eksplinasyon ni Zach tungkol doon. Kung para sa kanya, ayos lang na humalik siya ng ibang babae, sa akin hindi. Hindi ko kaya iyon.

Pero... may magagawa ba ako? Mapipigilan ko ba siya? Hindi.

Hindi naman kasi kami.

"Babalik na ako kay Tientze," mahinahon kong sabi matapos mamayani ang napakahabang katahimikan sa pagitan namin.

Umayos siya ng tayo.

"Let's continue this talk tomorrow, then."

"Busy ako."

"Sa Monday, kung ganoon."

Nagkatinginan kaming dalawa. Uminit ang pisngi ko nang naalala ko ang sinabi niya kanina. Gusto niya ako. Totoo ba iyon?

Hindi ko sinagot kung payag ba ako sa gusto niya o hindi. Naglakad na ako pero agad niya akong hinila at niyakap. Naamoy ko agad ang mabango niyang perfume na paboritong-paborito ko na dahil sa lagi niya itong gamit.

"I'm really sorry," bulong niya.

Niyakap niya pa ako nang mas mahigpit, para bang takot na makawala ako. Kinagat ko ang aking labi.

"Galit pa rin ako sa 'yo," sabi ko.

"I know."

Kumalas siya at sinapo niya ang mukha ko. Doon na natibag lahat ng sama ng loob ko sa kanya.

"Please don't let him kiss you. Uuwi na ako. I'm really sorry for what I did. Hindi na ako uulit..." halatang-halata ang pagsisisi at pangamba sa boses niya.

Hindi pa rin ako sumagot.

Bahala siya riyan. Mag-obertink siya magdamag.

Pinakalawan niya na ako at sinundan na lang ng tingin hanggang sa makabalik ako sa lamesa namin ni Tientze. Iniisip ko kung totoo ba na aalis na siya at totoo nga dahil nang nagpapaliwanag na ako kay Tientze kung bakit ako natagalan ay nakita ko siyang lumabas na ng restaurant.

Nagusot ang mukha ko. 'Yon na 'yon? Hindi niya na kami susundan para makasiguro?

Buong maghapon, sa date namin ni Tientze, hindi ko na talaga napigilan pa ang sarili kong huwag isipin si Zach at ang napag-usapan namin.

Parang lumulutang lang ako dahil imbes na ang paglalaro namin sa arcade ang iniisip ko, ang sinabi ni Zach na gusto niya ako ang tanging naiisip ko. Hindi ko alam kung napansin ba iyon ni Tientze. Gusto ko tuloy mag-sorry noong hinatid niya na ako sa amin kinagabihan pero dahil wala naman siyang sinabi, hindi ko na rin sinabi. Baka kasi hindi niya naman pala napansin. Magtaka pa siya.

"So, totoo nga ang tsismis? Nakikipag-date ka na sa lalaking 'yon?" bungad ni Randyll sa akin pagpasok ko ng classroom pagdating ng Lunes.

"Hayaan mo nga siya, Dyll," agap ni Clarisse.

Bumakas ang irita sa mukha ng kaibigan ko. "Hayaan? Hindi mo ba alam na pinag-uusapan na siya ng lahat ngayon dahil doon? Everyone's calling her a flirt for simping over Zach but now she's dating someone else! Tapos gusto mong hayaan ko?"

Natahimik sina Clarisse. Napayuko ako.

Iyon din ang nabungaran ko kanina sa may gate pa lang. Pinagtitinginan ako ng ibang mga estudyante tapos magbubulungan. May nakakita pala sa amin ni Tientze noong Sabado.

"Ano bang pakialam nila? Buhay naman 'yan ni Jewel," nakangusong sabi ni Precious.

"Ganiyan talaga ang mga tao. Hindi nakukuntento't gustong nakikialam sa buhay ng iba," ani Jessa.

TVD #5: The Day She ConfessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon