Kabanata 16
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman habang nakatitig sa mga kamay kong kanina ko pa nilalaro-laro. Pinapakiramdaman ko si Zach sa tabi ko. Sobrang lakas at bilis ng kalabog ng puso ko dahil sa presensiya niya pero hindi ako umiimik at hindi ko rin siya nililingon. Ni hindi ko siya magawang sulyapan.
Dream come true ko ito. Ang sumakay sa bus at katabi ko siya. Tapos magde-date kami. Kaso, hindi naman ganoon ang sitwasiyon namin ngayon. Iniiwasan ko kaya siya! Bakit siya nandito ngayon? Nakita kong marami pang upuan ang bakante. Talagang dito pa siya naupo sa tabi ko. Para tuloy nalulusaw 'yong lungkot at panlulumo ko.
"May problema ka ba?"
Halos mapaigtad ako sa gulat nang bigla siyang nagsalita. Napalingon tuloy ako sa kanya.
"W-Wala," tarantang sabi ko dahil nagtama ang paningin naming dalawa.
"Really?"
"O-Oo."
"I don't see you that often much now. Ngayon lang kita ulit nakita. Are you busy?" mahinahon at tila maingat na tanong niya.
"O-Oo."
"Saan naman?"
"S-Sa p-pag-aaral," sagot ko.
"Is that so?"
Tiningnan niya ako gamit ang malalim at tila may hinahalungkay sa pagkatao kong mata niya. Napalunok ako at agad na umiwas ng tingin. Para akong kakapusin sa paghinga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili.
Hindi na siya ulit nagsalita pagkatapos n'on. Tahimik na ulit kaming dalawa. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam ng pagkailang.
Lumipat kaya ako ng upuan? Dahan-dahan akong kumilos para lumingon sa likod. May ilan pa akong nakitang bakanteng upuan gaya na lang nitong nasa likuran namin. Nagpasya na akong doon lilipat ngunit nang makita kong nakatingin sa akin si Zach habang nakakunot ang noo, bigla akong nahiya. Naisip ko ring baka magtanong siya kung ba’t ako lilipat kaya dali-dali na akong umayos ng upo.
Bumuntong-hininga ako. Mukhang wala na akong ibang pagpipilian kundi ang magtiis na lang dito.
Wow, Jewel. Magtiis? Kunwari ka pa. Gustong-gusto mo naman talaga na katabi mo siya ngayon! Sadiyang pinagpipilitan mo lang talagang huwag siyang pansinin muna!
“Hey… sumusuka ka ba?”
Napalingon ako kay Zach. Tumikhim siya at umayos ng upo. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.
“Hindi. Bakit?”
Hindi siya sumagot.
Nanatiling nakakunot ang aking noo. Nang umandar na ang bus ay saka lamang nawala ang atensiyon ko sa kanya. Napatingin ako sa unahan. Aalis na ba? Nilingon ko ang likod at nakitang hindi pa naman iyon gaanong puno. Excited ’yong driver, ah?
Yumuko ako para buksan ang maliit na bag na suot ko. Napangiti ako at kumuha ng isang paborito kong BengBeng. Marami pa sa loob pero tingin ko’y mauubos ko agad iyon kung kakainin ko ito para ma-enjoy ko itong biyahe. Titigil kaya itong bus kung magC-CR ang mga pasahero gaya ng normal na biyahe? Sumulyap akong muli sa unahan nang nagsimula na itong umabante. Palabas na kami ng school. Binundol agad ng saya at excitement ang puso ko.
“Zach, umaandar na!” masayang sabi ko at nilingon siya.
Nakita ko ang tila hirap na paglunok niya habang nakatingin sa unahan. Tapos may ilang butil din ng pawis na namumuo sa kanyang noo at sentido. Hindi siya mapakali at paulit-ulit na umaayos sa pag-upo. Naalerto agad ako sa pag-aalala.
BINABASA MO ANG
TVD #5: The Day She Confessed
Teen FictionJewel Aeon Tabusares, a young high school student from the lowest section, decides to confess her feelings to Zachiro Montague on the heart's day. Unfortunately, she got dumped. -- The most intelligent student in their school, Zachiro Montague, has...