Kabanata 31
Sabay nga kami ni Zach na umuwi noong hapon na iyon. Pero siyempre, hindi ko pinalampas ang pagkakataon na makasama siyang kumain ng meryenda doon sa mga mga sari-sari store na nasa tapat ng school. Umangal pa siya pero napilit ko naman.
“Ito, Zach! Masarap ’to!” turo ko roon sa fishball. “Kumakain ka nito?”
Umiling siya. “Is that healthy?”
Napakamot ako ng ulo at dahil hindi ko alam ang sagot, bumaling kay manong na nagtitinda.
“Kuya, masustansya raw po ba ito?”
Humalakhak lang si manong na nakikinig pala sa usapan namin ni Zach. Pagtingin ko kay Zach ay nakayuko na siya at nagkakamot ng noo gamit ang kanyang hintuturo, para bang nahihiya sa ginawa kong pagtatanong. Sumama ang tingin niya sa akin.
Napakurap-kurap ako. Bakit siya nagagalit? Tinatanong ko na nga para sa kanya, e?
“Kuya, we will buy po. How much po isa?” ani Zach.
Napangisi ako habang nakatingin sa kanya dahil sa conyo na tono niya. Ang cute, cute niya pa tingnan habang bahagyang nakayuko. Naaabot na kasi ng ulo niya ’yong malaking payong.
“Bente sinco centavo isa, boy.”
Mabilis kong nilabas ang wallet ko. Ako kasi ang nang-aya kay Zach kaya siyempre ako dapat magbabayad. Ibibigay ko na sana ang pera ko kay manong, hinawi ni Zach ang kamay ko. Siya ang nag-abot ng sarili niyang pera para bayaran ang fishball na pinabili ko.
Gulat ko siyang nilingon.
“Bakit mo ginawa ’yon?” kuwestiyon ko.
Kumunot ang noo niya. “Why? Is there something wrong?”
“Ako dapat magbabayad!”
“Says who?” Nagtaas siya ng kilay. “I’m the man here so I will be the one who should pay.”
Umiling-iling ako. “Nasaan ang gender equality doon?”
Natigilan siya at napatitig muna sa akin, para bang nagulat pero may halong lito ang tingin niya. Pagkatapos, mahina siyang humalakhak.
“Damn, girl. Kung umasta ka, parang ikaw ang pinabayad ko…”
Ngumuso ako. “Kasi naman… hindi porque ikaw ang lalaki, ikaw na dapat magbayad. Hindi ako sang-ayon doon!”
“I understand what you want to convey, but…” Kinagat niya ang ibabang parte ng kanyang labi habang nakatingin sa akin.
Napakunot ako ng noo.
“Ano?”
“Well, this isn’t about gender equality. I want to treat you, okay?”
“Pero bakit? May pera naman ako, Zach—”
“Damn it. Ewan ko sa ’yo,” biglang galit na sabi niya at umalis sa harap ko.
Napakurap-kurap ako. Anong nangyari do’n?
Nagtusok-tusok na ako ng fishball bago sumunod kay Zach. Halos magkandarapa na ako sa paghabol sa kanya habang nag-iingat din na hindi ako matuluan ng sauce sa kulay puting uniform ko.
Tumigil si Zach sa may bus stop. Bahagya akong hinihingal nang tumigil ako sa kanyang harapan.
“Zach? Bakit? Anong nangyari sa ’yo? Ba’t galit ka na naman? Anong nagawa ko?”
Tumalim muli ang tingin niya sa akin.
“Zach,” sabi ko at sinubukang hawakan ang manggas ng kanyang uniporme ngunit marahas niyang hinawi ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
TVD #5: The Day She Confessed
Teen FictionJewel Aeon Tabusares, a young high school student from the lowest section, decides to confess her feelings to Zachiro Montague on the heart's day. Unfortunately, she got dumped. -- The most intelligent student in their school, Zachiro Montague, has...