Kabanata 1"Nakakaloka ka, Jewel! Pinagpipyestahan ka na ngayon sa buong campus! Bakit mo ba kasi ginawa 'yon?"
Nakaupo sa isang sulok sa loob ng library habang tahimik na umiiyak, napapikit ako sa sinabing iyon ni Clarisse. Nasa likod niya sina Jessa at Precious na pawang nag-aalala ang tingin sa akin.
Humigpit ang pagkakayakap ko sa aking mga binti. Ang baba ko ay nakapatong sa aking mga tuhod. Mas lalo akong napaluha nang muling mag-flash sa isipan ko ang nakakahiyang pangyayari kanina na alam kong hindi ko na mababago pa. Napahiya ako sa maraming tao. Pinahiya ako ni Zach... hindi ako makapaniwala.
"Sabi ko naman kasi sa 'yong huwag na si Zach, Jewel... ang kulit mo. Ayaw n'on sa mga mabababang section. Mayabang 'yon!" ani Clarisse.
"True," sang-ayon ni Precious.
"Porque guwapo at matalino, mande-degrade na ng tao. Ano naman kung galing ka sa lower section? Wala ka na bang karapatan magkagusto? Saka, kasalanan mo bang nahulog ka sa kaguwapuhan at katalinuhan niya? kasalanan niya nga 'yon e! Masiyado siyang perpekto sa paningin mo!" dagdag pa ni Clarisse.
Tumango-tango si Precious habang pinapatahan ako. Nakangiwing napailing-iling si Jessa.
"Tumigil ka na sa pag-iyak, Jewel. Wala ka naman mapapala riyan," wika ni Jessa.
Humikbi ako.
"H-Hindi ko naman alam na gano'n ang mangyayari, e. A-Akala ko hindi totoo 'yong mga sinasabi ng iba sa kanya..."
"Well... at least ngayon, alam mo na."
Tumayo silang tatlo at tumalikod na sa akin nang magring na ang bell hudyat na uwian na. Nilukob agad ako ng takot. Siguradong paglabas ko, pauulanan ulit nila ako ng tukso. Kaso wala naman akong magagawa. Kung hindi ako lalabas, hindi ako makakauwi.
Ganoon nga ang nangyari. Paglabas ko pa lang ay dinuro na ako noong estudyanteng nakakita sa akin. Napuno ng kantiyawan ang buong hallway habang naglalakad kaming apat.
"Ang lakas ng loob, bobo naman!"
"Hoy, Jewel! Maganda at mayaman ka lang pero imposibleng maging type ka ni Zach! Hindi 'yon bumabase sa ganda! Huwag kang assuming!"
"Kaya nga!"
Hindi ko na halos maalala kung paano ako nakalabas ng school. Ang alam ko lang, pag-uwi ko ng bahay, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak sa katotohanang totoo ang lahat ng sinabi nila. May itsura nga akong angat sa iba at may pera ang pamilya ko pero iyon lang yata ang ambag ko sa mundo. Hindi ako matalino. Ako pa nga ang last rank sa classroom namin.
Hindi ko na rin alam kung bakit ko nga ba naisipang umamin kay Zach. Baka nga sa bobo talaga ako? Nagpadalos-dalos ako at hindi man lang nag-isip muna.
Akala ko kasi... hindi ko naman alam na ipapahiya ako ni Zach!
Mas lalo akong naiyak habang nakasubsob ang mukha ko sa mga unan. Gustuhin ko mang bawiin ang ginawa, alam kong hindi ko na iyon magagawa.
"Hindi na kita crush, Zach! Ang salbahe mo! Wala kang puso!" bulong-bulong ko habang umiiyak.
Tumayo ako at hinalungkat sa bag ko ang love letter. Tinitigan ko muna iyon ng ilang sandali bago humugot ng malalim na hininga para punitin. Ngunit bago ko pa iyon magawa ay ilang katok mula sa pinto ng aking kuwarto ang nakapagpaudlot sa balak kong gawin.
"Ate Jewel, kakain na raw sabi ni mama," wika ng kapatid kong si Gold.
Bumuntong-hininga ako't binaba muli ang love letter.
"Jewel, anong oras ang uwi mo bukas? Umuwi ka nang maaga," sabi ni Papa sa kalagitnaan ng pagkain namin.
"Bakit po?"
BINABASA MO ANG
TVD #5: The Day She Confessed
Novela JuvenilJewel Aeon Tabusares, a young high school student from the lowest section, decides to confess her feelings to Zachiro Montague on the heart's day. Unfortunately, she got dumped. -- The most intelligent student in their school, Zachiro Montague, has...