Kabanata 12

3.6K 102 57
                                    

Kabanata 12



SOBRANG BILIS NG PANAHON. Kasing bilis noong biglang pag-iwan niya sa 'yo.

Nag-moving up ako nang nasa dulong upuan. Ibig sabihin, isa ako sa mga mabababa ang grades sa buong Grade 10. Pero, ayos lang. Hindi naman ako nalungkot. Sabi ni mama, grades does sent deaf fine you as a person. Isa pa, kasama ko naman si Precious at Clarisse doon. Si Jessa lang ang medyo nasa unahan.

Siyempre, nasa pinakaunang upuan si Zach. Siya ang may pinakamataas na average sa lahat! Hindi na ako nagulat. Noon pa man ay alam kong siya na talaga ang uupo sa upuang iyon. Grade 8 pa lang kami, alam ko na agad 'yon! Sobra-sobra pa nga rin ang lamang niya sa kaibigan niyang kasunod niya sa upuan. Sunod ang president ng Disciplinary Committee. Pang-apat 'yong vice president nilang sobrang ganda na, matalino pa.

Pagkatapos no'ng event, gustong-gusto ko sana talagang lapitan si Zach at yakapin. Kasi siyempre, huling pagkikita na namin 'yon!

Kaya lang, umalis din siya agad.

Grr. Kasalanan ito ni Gold!

Kung pumayag lang sana siyang i-tutor pa rin siya ni Zach kahit summer, edi sana, nakakasama ko ngayon ang baby ko at hindi nababagot!

"Ate..."

Speking of the Divel.

"Bakit?" busangot na tanong ko.

"Nakahanda na raw ba gamit mo? Aalis na tayo."

"Oo na. Kanina pa. Hinihintay ko na nga lang kayo, e. Bakit ba ang tagal n'yo?"

Nagdesisyon si mama at papa na i-enjoy namin ang summer na ito nang hindi umaalis ng bansa. At ngayon nga, papunta kami sa isang beach resort. Makakasama namin 'yong pamilya ni Tito Justin, isang kaibigan ni papa.

"Wow! Ang ganda, mama!" namamanghang asik ko nang makarating kami.

"Mama, sina Tito Justin?" rinig kong tanong ng kapatid ko.

Isang sulyap pa lang mula sa malayo sa asul na asul at mahinahong dagat, nawala agad ang kawalan ng gana na nararamdaman ko bago kami pumunta rito. Para akong hinehele at hinihila na agad palapit. Hehe. Gagawa ako sand castle.

"Mama, puwede na maligo?" Baling ko sa kanila.

"Hindi pa puwede, anak. Hanapin muna natin ang Tito Justin mo," si papa ang sumagot.

Napanguso ako.

Mabuti na lang at hindi nagtagal, isang batang lalaki ang sumulpot sa harapan namin para dalhin kami sa malaking canope kung nasaan ang pamilya ng kaibigan ni papa. Mabilis kaming dalawa ni Gold na nagmano kay Tito Justin nang makita namin siya. Hindi katulad noong huli naming kita sa kanya noong mga bata pa kami, medyo mas tumanda na itong tingnan ngayon. Iyong batang lalaking Nathan ang pangalan ay anak niya pala.

"Ang laki-laki mo na, Jewel! Ikaw rin, Gold! Hindi ka na bulinggit." Humalakhak si Tito.

Ngumiti ako. "Kayo rin po, Tito Justin. Ang tanda n'yo na."

Siniko ako ni Gold.

Mas lalong humalakhak si Tito Justin. "Hanggang ngayon ay napakapilya pa rin nitong anak mo," baling nito kay papa.

"Kanino pa ba magmamana?" Sulyap ni papa kay mama.

Ngumuso si mama.

Nasa likod ni Tito Justin ang buo niyang pamilya at nang makita silang marami ay bigla akong tinubuan ng hiya. Kaya lang, nawala ang lahat ng iyon na parang bula nang namilog ang mga mata ko sa pagkakita kay Zach na naglalakad palapit. Suot-suot ang isang puting-puting T-shirt at pang-beach na shorts.

TVD #5: The Day She ConfessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon