Kabanata 15
"Psst. Sasama ba kayo sa Sabado?" rinig kong tanong ni Precious.
Tumigil ako sa pagsusulat at nag-angat ng tingin sa kanya. Nakita kong ganoon din sina Clarisse at Jessa. Tahimik ang buong classroom dahil abala ang lahat sa pagkopya ng notes na isinulat ng MAPEH teacher namin sa board bago ito umalis.
Ang tinutukoy niya ay ang sinabi ng class adviser namin kaninang umaga na magkakaroon ng Camping ang buong Grade 11 limang araw mula ngayon. Sabi ni Ma'am Alison, ngayon lang ulit pumayag ang principal sa ganitong klaseng activity makalipas ang ilang taon kaya naman ma-swerte raw ang batch namin. Iyon ang dahilan kung bakit sinabihan na agad kami na magpaalam na sa mga magulang habang maaga pa. Pero magbibigay pa rin naman daw ng waver para maayos.
Ngumisi ako. “Sasama ako, siyempre.”
Kahit hindi ko alam kung papayagan ba ako nina mama, pipilitin kong sumama. Gagawa ako ng paraan kung sakaling hindi ako payagan. Hindi puwedeng masayang ang tiyansa na ito na makasama ko ang baby ko sa isang camping site! Iniisip ko pa lang na magkakasama na naman kami nang matagal ay nagwawala na ang mga bulate sa tiyan ko. Para akong kinikiliti.
“Jewel… ang tagal kong inasam ito,” bulong ni Zach habang niyayakap ako.
Humagikhik ako at niyakap siya pabalik. Nakaupo kami pareho sa isang malaking punong kahoy na nakatumba habang pinagmamasdan ang kumikinang na mga bituin sa malawak na kalangitan. Ang malakas at malamig na simoy ng hangin ay hindi ko na halos maramdaman dahil sa mainit niyang yakap. Nasa harap din namin ang siga o bonfire.
“Ahh, Zach. Ako rin. Matagal ko nang dini-daydream ito sa gabi. Hindi ko akalaing mangyayari pala ito, mahal ko…” naiiyak kong saad sa sobrang tuwa.
Isang malakas na batok ang nakapagpa-gising ng aking lumilipad na diwa.
“Hoy, Jewel. Kinakausap ka ni Jessa!”
Napakurap-kurap ako at nilingon silang tatlo. “Huh?”
“Malamang sasama ’yan. Imposibleng hindi,” si Jessa.
“Pero what if hindi pala sumama si Zach, ’no?” Humalakhak si Clarisse kaya nanlalaki ang mga mata ko.
Oo nga, ano? Paano kung hindi pala sasama si Zach? Nanlumo ako. Itatanong ko sa kanya mamaya. Kailangan ko siyang kausapin pagdating ng recess.
Inayos ko agad ang aking mga gamit nang mag-ring na ang bell hudyat na tapos na ang aming klase. Alam kong alam naman na ng mga kaibigan ko ang plano kong gawin kaya hindi na sila nagtanong nang ako ang maunang lumabas ng classroom. Ngunit natigil ako nang bumungad sa akin si Randyll na malawak ang ngiti.
“Jewel! Sasama ka ba sa Camping?” ngiting-ngiting tanong niya.
“Oo. Ikaw?” sagot ko habang sinusubukang maglakad pa pero humaharang siya sa dadaanan ko.
“Oo naman! Lalo na ngayon kasi sasama ka rin pala! Tabi tayo sa bus, ha?”
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Napangiwi agad ako at napatigil sa paglalakad. Alam ko namang masama ang mainis sa isang tao, pero hindi ko maiwasan kay Randyll. Lalo na kapag bigla na lang siyang sumusulpot sa harapan ko para lang mangulit tuwing papunta ako kay Zach. Katulad na lang ngayon.
“Randyll, mamaya na lang tayo mag-usap. May pupuntahan pa ako, e.”
“Saan? Sa canteen?”
“Hindi.”
BINABASA MO ANG
TVD #5: The Day She Confessed
Teen FictionJewel Aeon Tabusares, a young high school student from the lowest section, decides to confess her feelings to Zachiro Montague on the heart's day. Unfortunately, she got dumped. -- The most intelligent student in their school, Zachiro Montague, has...