Kabanata 37

4.1K 93 31
                                    

This is the last chapter of TDSC (may Wakas pa). Thank you so much for making it up here! I hope you enjoyed reading the story the way I enjoy writing it. You matter so much to me, naisins. I love you! ♡

--

#TDSCHulingKabanata

Yours, Forever







Tinanong ko si Clarisse kung hindi ba nila kasama si Randyll pauwi bago ako tuluyang nagpaalam sa kanila. Ang sabi niya'y may importanteng lakad daw iyon tulad ni Jessa. Hindi ko lang alam kung maniniwala ba ako dahil biglang nag-iba ang mood ni Clarisse nang sagutin niya ako.

Pero hindi ko na iyon masiyadong inisip pa dahil lumukso muli ang puso ko nang maisip na magkasama na naman kami ni Zach mamaya.

Sa may gate ng school ako naghintay. Buong akala ko ay aabutin pa ng pagdilim bago ko matatanaw si Zach ngunit hindi nagtagal ang paghintay ko.

Ngumiti ako at kinawayan si Zach na humahakbang na ngayon patungo sa direksiyon ko. Mag-isa siya at sikbit ang itim niyang bag sa kanyang balikat. Muntik na akong magulat nang makita ang kasungitan sa mukha niya pero medyo sanay na ako kaya nginitian ko pa rin siya.

"How long did you wait?" tanong niya nang tumigil sa harap ko.

"Ahm. Kaunti lang," sagot ko.

"What's that?"

"Alin?"

"Iyan," sabay turo niya sa dala kong paper bag.

"Ah! Hello Kitty! Bigay ni Tientze kanina," sabi ko at nakangiting inilabas ang stuff toy para ipakita sa kanya. "Sinabi ko na 'to sa 'yo kanina. Hindi mo tanda?"

Hindi siya sumagot.

"Ang cute cute, 'di ba?"

Nakangiwing lumayo siya nang sinubukan kong ilapit ang toy sa kanya. Umismid siya.

"It's not."

"Oo kaya..."

"Itapon mo na 'yan. Ibibili kita ng mas malaki."

Nanlalaki ang mga mata ko. "Ano? B-Bakit? Hindi puwede!"

Sinubukan niyang kunin sa kamay ko ang stuff toy pero mabilis ko iyong naiwas sa kanya. Humakbang din ako paatras para hindi niya makuha pa iyon. Tumigil siya sa balak na gawin ngunit sumama naman ang timpla ng kanyang mukha.

"Whatever. Tara na."

"Sa'n?"

"Sa bahay namin. I need to tell you some important stuff."

"Ano 'yon?"

"Sa bahay na, Jewel. May ibibigay rin ako. Mas mahal diyan sa Hello Kitty na 'yan," sabay ismid ulit niya.

Hindi ko alam kung bakit yamot na yamot siya kung tumingin sa stuff toy na ibinigay sa akin ni Tientze. Takot ba siya rito? O masiyadong pambabae kaya ayaw niya?

"Mas mahal?" sambit ko.

"Yeah."

Bumilis ang tibok ng puso ko. "E-Engagement ring?"

"What the fuck?" bigla siyang gulat na napatingin sa akin.

Sa gulat pa lang niyang reaksiyon ay alam ko nang mali ang inisip ko. Itinawa ko ang kahihiyang mabilis na lumukob sa aking sarili. Nag-isip ulit ako ng ibang topic para mawala kaagad doon ang atensiyon niya ngunit naunahan niya ako.

"Your imaginations are really way too advance, Jewel."

Ngumuso ako. "Sorry na."

"I still need to graduate college before I give that thing to you. Ikaw din. Magtapos ka muna."

TVD #5: The Day She ConfessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon