Kabanata 17

3.3K 115 25
                                    

Kabanata 17




Hindi na nasuka pa si Zach noong bumiyahe na ulit ang bus patungo sa aming destinasyon. Hindi ko alam pero inisip kong dahil iyon sa nalibang siya sa mga kuwento ko sa kanya tungkol sa pagkabata ko. Maging ang mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw na hindi ko siya pinapansin.

Siyempre, hindi ko sinabing hindi ko siya pinapansin. Sinabi ko lang na busy ako. Muntik pa nga akong madulas, e. Mabuti na lang at napigilan ko.

“Jewel! Mabuti naman at buhay kang nakarating!” bungad ni Clarisse pagkababa ko ng bus.

Agad akong tinulungan ni Randyll sa mga dala-dala kong gamit habang tinatanong ako kung kumusta ba ang biyahe ko mag-isa. Doon ko napansin na nagkalat ang lahat ng estudyante sa paligid. Ang iba’y kumukuha na ng pictures sa tapat ng Camping site. Ang iba naman ay katulad ng mga kaibigan kong nag-aabang sa pagdating pa ng ibang estudyante.

“Bakit nandito pa rin kayo?” nagtatakang tanong ko.

“Sabi ni Ma’am Castro, hintayin daw lahat ng estudyante bago pumasok. Para daw sabay-sabay at walang mawala,” sagot ni Precious.

Tumango-tango ako.

“Sabi kong tawagan mo ako, hindi mo ginawa. Tapos ’di mo pa sinagot tawag namin,” ani Jessa na nakasimangot ngayon sa aking harapan kaya nanlalaki ang mga mata ko.

“Hala? Hindi ko alam. Nakalimutan ko…” sabi ko sabay tingin sa cellphone kong naka-silent mode pala.

Napangiwi ako nang makitang lahat sila’y nag-missed call nga sa akin. Wala akong nasagot kahit isa. Pinakaraming tawag ay kay Randyll kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti agad siya sa akin habang ibinababa sa tabi Clarisse ang mga gamit ko.

“Pasensiya na…” nahihiyang sabi ko.

“Ayos lang ’yon, Jewel! At least maayos kang nakarating!” sabi ni Randyll sabay halakhak.

“Oo nga.” Tumango-tango si Precious. “Next time, huwag mo na lang i-silent mode ang phone mo. Kamuntik na naming tawagan sina tita dahil sa ’yo.”

“Sige!”

“Pero bakit amoy suka ka, ’te?” nakangiwing tanong ni Clarisse habang lumalayo sa akin.

“Huh? Amoy suka?” sabay amoy ko sa sarili ko pero natigilan din agad nang may maalala.

“Sumuka ka?” gulantang na tanong ni Jessa.

Napalunok ako bago pekeng tumawa. “O-Oo. Sumuka nga ako. Ako nga ’yon!”

Kumunot ang noo nilang apat sa akin. Tumatawang nagkamot ako sa aking ulo, pinapakitang kunwari ay nahihiya ako dahil doon.

“Pero hindi ka naman sumusuka sa biyahe?” ani Randyll na nanliliit ang mga mata sa akin.

“H-Ha? E-E, k-kasi… matagal na noong huling biyahe ko! Nanibago ako kaya eto… hehe…” palusot ko sabay cross finger para maniwala sila.

Doon lang nila ako pinakawalan. Si Randyll lang talaga ang nanatiling may pagdududang tingin sa akin ngunit hindi ko na siya pinansin.

Nakahinga ako nang maluwag. Bawas points ka na naman sa langit, Jewel! Pero ayos na ito. Kaysa naman malaman nilang si Zach pala talaga ’yong sumuka. Siguradong mapapahiya nang sobra si Zach kapag nangyari iyon. Isa pa, kapag talaga may tinatago kang isang bagay, hindi naman talaga naiiwasan ang pagsisinungaling, hindi ba?

Luminga-linga ako sa paligid para hanapin ang baby ko. Nauna siyang lumabas sa akin kanina. Ang sama nga, e. Hindi man lang ako tinulungan sa mga gamit ko. Nagsusungit na naman.

TVD #5: The Day She ConfessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon