Thank you in advance sa magpapa-kape! pangpagana lang magsulat.
Walang nagawa si Marcus kung hindi tingnan na lang si Amara na umakyat ulit papunta sa kanilang kuwarto. They had their breakfast together at simula kanina ng magising ito ay hindi na siya nito pinapansin. And that's makes him pissed! Umuwi naman ako kagabi ah!
"A-alis po ba kayo Sir?" Nag-aalangan na tanong ni Elaine sa kanyang boss.
"No, I'll stay here until weekends. Kamusta si Amara kahapon? Tinulungan niyo ba siya sa pag-didikit nung binili niya para sa kuwarto namin?" I saw what Amara put on our bedroon wall, and i was amazed because there's no more plain and boring wall for me. She really picked a good color, mas naging maaliwalas ang kuwarto namin dahil doon.
"Si Ma'am Amara lang po ang gumawa, ayaw po magpatulong eh."
"I see, sige aakyat muna ako sa taas." Sabi ni Marcus, hindi din naman siya nakakain ng maayos dahil sino bang gaganahan kumain kung puro pag-irap ng mata ang inabot niya kanina kay Amara.
Pagpasok ko sa loob ng kuwarto ay naabutan kong nag-vavaccum ito, "ehem, ehem." Kunwaring ubo ko pa pero inirapan lang ako ulit ni Amara. What's wrong with her?
Balewala namang pinagpatuloy ni Amara ang ginagawa, pagkatapos niya mag-vaccum ay maliligo na siya at matutulog muna. Inabot na din kase siya ng alas dose kagabi sa pagkakabit ng adhesive wallpaper, ang laki naman kase talaga ng kuwarto ni Marcus kumpara sa kuwarto niya sa bahay nila kaya inabot talaga siya ng siyam-siyam.
"H-hey are you mad at me? Umuwi naman ako kagabi ah." Hindi na nakapag-pigil na sabi ni Marcus. Pero tiningnan lang siya nito. "Amara."
"Wala lang ako sa mood magsalita." Iniligpit na ni Amara ang hawak na vaccum. Akala yata ni Marcus ay nakalimutan niya na ang narinig niya kagabi noong tinawagan niya ito! Babaero!
Hindi na nakapag-pigil at hinawakan ni Marcus ang kamay ni Amara at pinaharap sa kanya. "If this about last night when you called me wala lang yun okay?" Paliwanag ni Marcus.
Okay." Amara answered.
"Sandali nga bakit ka ba kase ganyan? Don't you believe me? Wala nga lang yung narinig mo kagabi. Nasa bar ko ako last night with my friend then a unknown woman approached me there." Paliwanag ni Marcus kay Amara, pero sa itsura nito parang hindi naniniwala sa sinasabi niya.
"Okay! Gawin mo ang gusto mo Marcus, and i will do whatever i want too." Pilit nagpupumiglas si Amara sa hawak ni Marcus, akala yata nito papadaig siya!
Tangina.. napabuntong hininga na lang ako ng pumasok si Amara sa loob ng banyo, bakit ba kase ito nagagalit? Dahil may narinig na may kasama akong babae kagabi? Tanong pa ni Marcus sa sarili. Kaya ayaw niya pumasok sa relasyon eh, sakit lang ng ulo. Or maybe because their age gap?
Amara finished her shower after 30 minutes, paglabas niya ng banyo ay naabutan niyang nanonood ng tv si Marcus at prenteng nakaupo ito doon. Friday ngayon ah? Wala itong pasok? Kinuha ni Amara ang hair blower at pinatuyo ang buhok matapos noon ay wala siyang imik na humiga sa kama. Kunwari na lang invisible si Marcus! Ano to habang kasal kami mang-bababae siya? No way!
Naiinis na tiningnan ni Marcus si Amara, ayaw pa naman niya sa lahat ay yung ganito. Ano bang kasalanan niya at hindi siya nito pinapansin? No one can do like this to him!
"Marcus!" Nagulat na lang si Amara ng yakapin siya bigla ni Marcus mula sa kanyang likuran.
"Talk to me Amara, hindi ako manghuhula. Bakit hindi mo ako kinakausap? Okay naman tayo kahapon ah."
BINABASA MO ANG
M.a Series #1: Marcus Delgado
RomanceMarcus Delgado and Amara Salazar story🖤 ⚠️ R18 story Available on self pub book, already completed but I deleted some chapter to avoid the soft copying of my story. Start: December 31, 2021 Finished: January 22, 2022