CHAPTER 12

104K 2.4K 105
                                    

This chapter is dedicated to
Val-AnjeLLa maraming salamat kanina🤗🤗

Marcus took a deep breath after his car is parked on D.M mall. Wala talaga siya balak pumunta dito lalo pa at hindi naman importante ang dahilan. But this is the first time he will go outside with a woman, oooh wait. His wife perse..

"Parang kinakahiya mo ako kasama ah!" Sabi ni Amara kay Marcus na ikinatawa naman ng mahina ni Elaine na nasa kanyang likuran. Kabababa lang nila ng sasakyan at mula sa opisina nito ay walang nagawa si Marcus ng ayain niyang samahan siya nito mag mall.

"I'm not, alam mong busy ako sa office pero ako pa ang inaya mo. You can go with Elaine instead of me." Seryosong sagot ni Marcus, wala akong nagawa kanina ng mag-litanya si Amara sa office ko. Kaya kahit busy ako ay heto pinag-bigyan ko na lang siya at sinamahan sa mall ko.

"Sussss.. Bakit si Elaine ba ang asawa ko? Di ba ikaw?"

See? Ginaganyan-ganyan niya na lang ako, dapat hindi ako pumapayag na dinadaan niya ako sa mga pa sarkatisko niyang salita sa akin. I'm the man here! At ako dapat ang masunod. "Come on bilhin natin ang gusto mo Amara.." at nauna ng naglakad si Marcus pero wala pa siya halos sa entrance ng mall ng mapansin na wala siyang kasunod maliban sa mga bodyguard niya. At pagtingin nga niya sa kanyang likuran ay nakita niya doon si Amara na nakatayo. "What? Halika na."

Inabot ni Amara ang kanyang kanang kamay pero tiningan lang ito ni Marcus. "Ay slow! Hawakan mo kamay ko, holding hands?" At nginitian pa ni Amara si Marcus ng ubod ng tamis.

Marcus smiled and feel fantastic on what Amara said to him, seryoso ba siya? "Are you serious?" Im not into public display!

"I am, so hold my hand and let's go inside." Sabi pa ulit ni Amara.

Pailing-iling na hinawakan ni Marcus ang kamay ni Amara, your doom now Marcus, your doom. Siguradong kakalat ang balitang ito mamaya na siya si Marcus Delgado ay may kaholding hands sa mall!

"No way not that one Amara!" Inis ng sabi ni Marcus habang pinapakita ni Amara sa kanya ang mga nagustuhan nitong damit. Nasa department store sila ngayon sa kagustuhan na din ni Amara imbes sa isang boutique na binibilhan niya ng mga branded na damit niya.

"Anong gusto mong bilhin ko? Pajama?" Hindi papatalo na sagot ni Amara, puro casual dress ang kinuha niya at mga pambahay na short at mga sando.

"Yes, you look beautiful on Pajama diba Elaine?" Pang-dadamay pa ni Marcus sa kanyang sekretarya.

"Y-yes Sir Marcus." Hindi siguradong sagot ni Elaine.

"Wag mo ng idamay si Elaine Marcus, you can't convince me, ito talaga ang gusto ko." Hinila pa ni Amara si Marcus papunta sa hilera ng mga undergarments at natawa pa siya ng makitang namumula ang mukha ni Marcus ng marealize nito kung ano ang sunod niyang bibilhin.

"Your doing this on purpose.." mahinang sabi ni Marcus sa asawa.

"What color is best for me?" Itinaas pa ni Amara ang kulay blue at yellow na brassiere, ilang pares lang kase ng undergarments ang nadala niya ng lumipat siya sa bahay ni Marcus.

Napahawak na lang ako sa aking sentido, hindi ko alam kung mapipikon na ako kay Amara o hindi eh. And i saw some of my bodyguards trying to hold their laugh lalo na si Elaine na todo ang pag pigil ng tawa simula pa kanina. "All colors suite on you Amara, but color red and black is much better." Sagot ko para matapos na lang ito, parang bata si Amara na first time lang mag mall dahil tuwang-tuwa ito mula pa kanina.

"Hmmnn.. sige, ito ang kukunin ko." At kumuha ng tig apat na piraso si Amara ng kulay itim at pulang bra.

"This one is good for you too.." nakangising sabi ni Marcus habang hawak-hawak ang itim na t-back.

"Marcus!!" Namumula ang mga pisngi na saway ni Amara.

"What?" Kunwari pang tanong ni Marcus. Kumuha siya ng anim na t-back at nilagay sa tulak-tulak na push cart ni Amara. "This is the best match on your brassiere.." Paliwanag niya pa.

"Tse! Ewan ko sayo!" At nauna ng naglakad si Amara samantalang si Marcus naman ay napatawa na ng malakas. Inisan pala ha? Game..

Matapos magpunta sa department store ay nag-ikot ikot pa sila sa loob ng mall. Maging ang mall manager ay kasama na nila ngayon mag-ikot, maliban sa mga bosyguards ni Marcus ay may anim pa na security personnel ng mall silang kasama. Hindi kase madalas pumunta si Marcus sa mga mall niya at kung pumunta man ay kung may emergency lang. Hangga't maaari kase ayaw niyang magpakita sa kanyang mga empleyado lalo na pagkalabas niya mula ng kulungan. At isa pa mas tutok siya sa airlines business niya ngayon.

"Wow ang ganda!" Napahinto si Amara ng makita ang naka display na korean silk pajama sa isang boutique na nadaanan nila. "Bili tayo nun!" Agad niyang hinawakan ang kamay ni Marcus at hinila ito papasok sa loob ng shop at wala na itong nagawa kung hindi sumunod sa kanya.

 
"Good afternoon Ma'am!" Bati ng sales lady sa kanila.

"Hi. Mayroon kayong pang lalaki at pang babae na silk sleepwear? Yung kagaya sa naka-display niyo?" Tanong agad ni Amara, ganon kase ang nakikita niya sa shoppee at lazada pero nag-aalangan siyang umorder kase baka mali ang size na maorder niya.

"Yes Ma'am meron po, ano pong gusto niyong kulay?" Tanong ng sales lady.

"Dark blue if meron, pang akin and pang kanya." Turo ni Amara kay Marcus.

"Anong pang akin? No way! No miss yung kanya lang ang ibigay mo." Mariing tanggi ni Marcus, he will not wear like that, never!

Ang nakangiting si Amara ang naglalakad habang hawak ang kamay niya ni Marcus. "Galit ka pa? Smile, nakakapanget ang nakasimangot." Pang-iinis niya pa dito.

"Nakakadami ka na sa akin Amara baka akala mo." Pikon na sagot ni Marcus. Wala akong nagawa kanina ng hindi ako tantanan ni Amara na isukat ko ang letseng pang-tulog na yun! At talagang tig tatlong pares pa ang kinuha nito para sa amin!

"Bagay naman sayo yun eh, ang cute mo nga daw sabi ng sales lady diba."

Isa pa yun, mukhang bago lang ang sales lady kanina at hindi ako kilala. Talagang inalok pa ng inalok si Amara ng iba pang kulay na lintek na pang tulog na yun. "Im not gonna wear that Amara, i swear."

"Really? Let see.." nakangiting sabi ni Amara sa harap ng naka-busangot na si Marcus.

Last update, matutulog na ako. Goodnight
#maribelatentastories

M.a Series #1: Marcus Delgado Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon