CHAPTER 10 (spg)

147K 2.7K 412
                                    

Last update muna to, may lagnat ako simula kagabi at hindi siya nakakatuwa😑 sobrang sakit ng katawan ko. But good thing is wala ako sipon or ubo so plain na trangkaso lang ito. Now 39.1 ang temp ko😶



Naiinis na tumingin si Amara kay Marcus habang pasakay sila ng private plane nito sa airport. Tanghaling-tanghaling tapat pero heto siya at nakasuot ng pajama! Talagang pinasakay siya ni Marcus sa helicopter na pajama at malaking damit lang ang suot niya! Ang galing diba!

"Smile, nakaka-panget  yung nakasimangot." Nakangiting sabi ni Marcus ng maupo sa tabi niya si Amara, alam ko kung ano ang kinakainis nito. Bigla ko na lang kase ito hinila kanina at pinasakay sa helicopter ko papuntang airport, ayaw talaga niya sumama pero gusto ko siyang isama!

"Ewan ko sayo Delgado, tingnan mo nga ang suot ko? Para akong napulot mo lang sa daan." Inis na sagot ni Amara, ngayon lang siya umalis ng ganito ang itsura at walang ni isang dalang gamit ultimo cellphone niya.

"You can change your clothes there later, naka-tsinelas lang din naman ako." Tinaas pa ni Marcus ang kanyang paa.

Napairap naman si Amara at hinampas ang braso ni Marcus, yes he's only wearing a slipper but that plain black interlocking slipper is from gucci! And that one cost thousand of pesos! "Ang yabang mo talaga! Ang mahal ng tsinelas mo na yan eh tapos ako heto tig 150 pesos lang sa shoppee!" Reklamo ni Amara, pero atleast naka-pedicure ang paa niya.

"S-shoppee? What's that?" Marcus asked, he's not familiar on the shop she said.

"Online shop yun Marcus, doon ako bumibili ng gamit ko or sa Lazada." Sagot ni Amara, she want to be comfortable with him. Ayaw niyang maalala nito ang namagitan sa kanila kanina.

"I will look on that, as long as that shop is not fake i can buy it."

Napatingin si Amara kay Marcus, ano daw? Bibilhin niya ang shoppee? Ganito ba ito kayaman? Nakatingin siya dito ng may isang lalaking dumating.

"Pare.." sabi ni Bullet at naupo sa bakanteng upuan sa harap ng kaibigan. Hindi pa kase nagte-take off ang eroplano.

"Amara, he's Bullet. My friend." Pakilala ni Marcus.

"Hi Amara! No need to introduce yourself bacause i know you very well. Im Bullet, Marcus business partner and a lawyer." Inabot pa ni Bullet ang kamay kay Amara para makipag-kamay dito pero tinapik lang ito ni Marcus.

"Kilala mo na nga diba? Bakit kailangan pang makipag-kamay?" Inis na sabi ni Marcus, si Amara naman ay tahimik lang at nginitian na lang si Bullet.

"I'll go on my seat, mag take off na din kase ang eroplano. Anyway if you need a lawyer Amara for your annulment with Marcus i can give you a free service fee."

"Bullet!" Asik ni Marcus, anong annulment sinasabi nito? Walang annulment sa kasal nila ni Amara.

Itinaas na lang ni Bullet ang kamay at tsaka tumayo.

"Don't listen on him Amara, siraulo yon." Sabi na lang ni Marcus.

"But atleast free service fee sa kanya Marcus, mahal magpa-annul hindi ba?" Nacurious ng tanong ni Amara.

"Not that much, hundred thousand i guess pero walang magpapa-annul sa kasal natin naiintindihan mo? Wala!" At pinag-salikop ni Marcus ang kamay nila ni Amara, hindi niya talaga pasasakayin si Bullet ng eroplano niya pabalik ng Pilipinas.

After almost three hours travel plane ay nakarating na din sila Thailand. But Amara choose to stay on Marcus house at hindi na lang sumama dito papunta sa Mall. At ang dami pala talagang bahay ng loko! Kaya ang pumunta na lang sa D.M mall ay sina Marcus at Bullet. Buti na lang kumain na din sila ng tanghalian kanina pagbaba ng eroplano kaya ngayon ay gusto niya munang matulog. Marcus house here in the city of Bangkok is so extravagance too, mayroon doong dalawang kasambahay na kapwa pilipino din. At tama nga ang sinabi ni Elaine kay Amara dahil ang kuwarto ni Marcus dito ay puro puti din ang dingding. Mabilis siyang kumuha ng kulay puting polo ni Marcus sa walk-in closet nito at boxer short. Maliligo muna siya bago umidlip, she's really sleepy.

M.a Series #1: Marcus Delgado Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon