After 2 months..
Nginitian ni Amara ang dalawang costumer na pumasok sa kanyang coffee shop, isa ito sa lihim niya na hindi alam ng kanyang daddy. Lingid dito at sa mga taong nakakakilala as kanya ay mayroon siyang maliit na negosyo. Ang kinikita niya noon sa Salazar company ay inipon niya sa bangko at ipinundar ng coffee shop. At dito sa Baler, Aurora siya nakahanap ng masasabi niyang lugar na kanya kahit maliit lang. Kung saan malayo sa syudad, malayo sa magulong kabihasnan at walang mag-didikta kung ano ba ang dapat niyang gawin. At higit sa lahat malapit sa dagat, kahit hanggang tanaw lang ang ginagawa niya sa mga lumalangoy ay ayos na din. Bawal kase sa kanya ang maarawan ng husto dahil nakaka-trigger ito ng sakit niyang Lupus.
"Uuwi na ako Martina, kayo na bahala ni Joshua ang magsara ng shop ah?" Paalam ni Amara sa dalawang empleyado niya. Halos magdadalawang taon na din ang coffee ang shop niya at sa mga taon na yun ay lumalaban ang shop niya sa mga bagong establishment sa lugar na ito. Si Hannah madalas niyang kasama noon umuwi dito noong hindi magulo ang buhay niya.
"Sige po Ma'am Amara, no problem po kayang-kaya na po namin ito ni Joshua." Masayang sagot ng disi otso anyos na si Martina, natigil ito sa pag-aaral at nagtrabaho kay Amara para makaipon ng pang bayad sa matrikula sa susunod na pasukan.
Lumabas na si Amara ng kanyang coffee shop, ang malamig na simoy ng hangin ang yumakap sa kanyang katawan. Mula sa coffee shop niya ay makikita naman sa bandang likod nito ang kuwarto kung saan siya tumutuloy. Maliit lang ito at pang isahang tao lang, pagpasok sa loob ay kita na ang lahat. May maliit na sala, single bed at kusina na madalang niyang gamitin. Pasado alas otso na ng gabi pero madami pa din ang tao sa tabing dagat at may mga party pa kanina. Karamihan din ng mga turista na pumupunta dito ay mga taga Maynila kilala kase ang Baler sa surfing lalo na at malalaki ang mga alon sa dagat dito.
Naupo si Amara sa kanyang sofa at nilabas mula sa bag ang kanyang telepono. Tatawagan niya nga pala si Elaine ngayon. Tatlong ring lang at sinagot na agad ang tawag niya.
"Hi Ma'am Amara! Good evening po." Masayang bungad ni Elaine.
"Good evening din Elaine, kamusta? Ano tuloy ka na ba sa sabado dito?" There's an excitement on Amara's voice.
"Yes Ma'am tuloy na tuloy, pinayagan po ako ni Sir Marcus na makapag day off ng tatlong araw."
"Ganon ba? Basta alam mo na ang sasakyan mo papunta dito ah? Magba-bus ka diyan sa may cubao."
Bilin pa ni Amara."Yes Ma'am noted po! Naeexcite na nga din po ako eh."
"Ako din, Oh sige na magpahinga ka na sa sabado na tayo ulit mag-kuwentuhan. Basta wag mo na sana sabihin ang tungkol dito kahit kanino lalo na sa boss mo." Sabi pa ni Amara, nagpalit na din kase siya ng numero ng cellphone paglabas niya ng Ospital kaya hindi na siya makokontak pa ni Marcus.
"Sige po Ma'am Amara, makakaasa po kayo sa sikreto natin, goodnight po!" Paalam din ni Elaine tsaka pinatay ang tawag. Pero parang tatakasan siya ng lakas ng makita kung sino ang taong nasa likuran niya! Nasa labas lang kase siya ng maid quarter ngayon ng tumawag si Amara sa kanya. "S-sir Marcus!"
Araw ng sabado patingin-tingin si Amara sa tapat ng kanyang coffee shop, ilang sandali na lang at darating na si Elaine galing sa Maynila. Nagtext ito sa kanya kanina at sinabing malapit na daw ito. Pero hindi niya inaasahan kung sino ang pumasok sa shop niya. What he's doing here?
"Amara/Marcus!"
Lalapitan na sana ni Marcus si Amara pero umatras ito palayo sa kanya.
"W-what are you doing here? Paano mo nalaman ang lugar na ito? N-nasaan si Elaine?" Tanong ni Amara kay Marcus. She trust Elaine alam niyang hindi ito magkukuwento kay Marcus, puwera na lang kung..
"She's in Manila, I heard your last conversation with her finally nakita na din kita." Nakangiting sabi ni Marcus, parang gusto niyang yakapin ng mahigpit ang babaeng nasa harapan niya. Bumyahe siya ng mahigit limang oras para makapunta dito sa Baler, Aurora. Kung siya lang ay maaari siyang mag-helicopter pero dahil si Elaine ang inaasahan ni Amara na darating ay napilitan siyang kotse ang gamitin niya. Siguradong tatakasan lang siya ni Amara kapag sinabi niyang siya ang pupunta at hindi ang kanyang sekretarya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Amara, she is looking Marcus from head to foot. Bakit parang pumayat ang manloloko na ito?
"I want to talk with you, mababaliw na ako kapag hindi pa kita nakausap. I even hired a private investigator just to find you pero laging negative ang resulta. Akala ko nga umalis ka na ng Pilipinas but even the immigration said you still here in the Philippines. At oo nga nandito ka lang pala talaga." Paliwanag ni Marcus, maski nga ang daddy ni Amara na si Mr. Salazar ay pinapasundan niya din sa mga tauhan niya dahil noong una hindi siya naniniwalang wala itong alam pero wala nga talaga dahil si Elaine lang pala ang magiging susi para malaman niya kung nasaan si Amara. And two months of finding her is over.
"Eh di mabaliw ka, mas okay yun." Sinenyasan ni Amara ang dalawang tauhan na uuwi muna siya. May mga costumer sa loob ng coffee shop kahit tanghaling tapat at ayaw niyang gumawa ng eskandalo dito. Lumabas na siya pero sinundan pa din siya ni Marcus.
"Please Amara let's talk." Hinawakan ni Marcus ang braso ni Amara, hindi niya na ito pakakawalan pa ngayon.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, niloko mo ko pinaikot at lahat ng pinakita mo sa akin at hindi totoo so makakalis ka na Marcus. Malinaw sa akin ang ginawa mo hanggang ngayon." Sumbat ni Amara, hindi madadaan sa simpleng sorry ang lahat lalo pa at nakunan siya.
"P-please Amara, let's talk." Ulit ni Marcus.
"Ayoko! Kausapin mo mag-isa ang sarili mo!" At pumasok na si Amara sa kanyang munting bahay. Hindi talaga siya lalabas hangga't narito pa si Marcus. Alam niyang hindi ito makakatiis sa paghihintay as kanya kaya aalis na lang ito panigurado.
#maribelatentastories
BINABASA MO ANG
M.a Series #1: Marcus Delgado
RomanceMarcus Delgado and Amara Salazar story🖤 ⚠️ R18 story Available on self pub book, already completed but I deleted some chapter to avoid the soft copying of my story. Start: December 31, 2021 Finished: January 22, 2022