I'm back😈 libre niyo na ko😆
Halos manghina si Amara habang naglalakad papasok sa Ospital na pinagdalahan kay Marcus sa may Alabang. Hindi pa din siya makapaniwala sa sinabi ni Bullet kanina sa telepono, hinatid niya pa kanina si Marcus sa sasakyan nito bago umalis at wala siyang kaalam-alam na yun na pala ang huling beses na makikita niya na ito. May mga reporter sa labas ng Ospital, labing lima na sasakyan ang nabangga ng trailer truck kanina at siyam na ang kumpirmadong patay yun ang sabi sa kanya ni Elaine habang papunta sila dito sa Ospital.
"Amara.."napatayo si Bullet ng makita si Amara. "Nasa loob siya." Malungkot na turo niya sa kuwartong nasa harap niya.
Bumitaw si Amara mula sa pagkakahawak kay Elaine, all of the bodyguards of her husband is outside of the room infront of her. Dahan-dahan niyang tinulak ang pinto ng kuwarto at doon nga nakita niya na may nakahiga sa kama at nakatakip ng puting kumot. Bumuhos na ang iyak niya na kanina pa pinipigilan.
"No, your not dead. Marcus please wake up!" Sabi ni Amara habang tinitingnan ang walang buhay na asawa, inalis niya ang puting kumot sa harap nito at nakita niyang sariwa pa ang dugo nito sa mukha at may mga pasa din pa. She hug him tightly.
"Amara.." nilapitan ni Bullet ang asawa ng kanyang kaibigan. "Pangalan mo ang tinatawag niya kanina bago siya mamatay at ang sabi ng doktor kanina masyado daw malakas ang pagkakabangga ng sasakyan niya at internal organs ang natamaan ng husto sa kanya at heto nga hindi niya na kinaya." Seryosong sabi ni Bullet habang nakatingin din sa bangkay ni Marcus.
"Hindi siya puwedeng mamatay Bullet, H-hindi puwede." Umiiyak na sabi ni Amara na nakatingin kay Bullet. Paano na siya ngayong wala na si Marcus? Paano na ang magiging baby nila? Paano siya magsisimula kung wala na ang inaasahan niyang tao na makakasama habang buhay.
"He was so happy knowing your pregnant Amara, and I never saw Marcus smiled like that while saying to me about your baby. He's my best friends, parang kapatid na ang turing namin sa isa't-isa and I never thought he will die like this." sabi ni Bullet na nakatingin kay Amara.
Muling tiningnan ni Amara ang asawa, her hand went on his face. "You can't die like this Marcus, marami pa akong gustong sabihin sayo. Ngayon pa ba? Ngayon ka pa mawawala kung kailan magiging daddy ka na? Kung kailan magkaka-anak na tayo?" Sunod-sunod na sabi ni Amara sa pagitan ng mga iyak niya.
"That's the other thing Amara, Marcus keep telling me before that you don't like him. Na kahit sinabi na daw niyang mahal ka niya pero ikaw wala daw siyang nakuhang sagot mula sayo. And your late now." Napabuntong hininga pa si Bullet. "You don't love my friend."
"W-what? that's not true!" Mariing tanggi ni Amara. She look again on her husband and hold his hand this time. "I-I may not be vocal to you but I swear I love you Marcus. Kahit na, kahit na nakakainis ka ayos lang. Kahit na niloko mo ako tungkol sa company namin at sa akala kong kasal na tayo noon ayos lang din pinatawad na kita noon pa. Your ruthless but I know your a very caring person, lalo na ng maospital ako at maoperahan. But I guess Bullet is right, I'm too late. I'm too late to say how much I love you Marcus." Umiiyak na sabi ni Amara, maybe Bullet is right. Kahit pa sabihin niya ngayon sa asawa na mahal niya ito ay wala na iyong halaga. Her husband is already dead.
"Really you love me?"
Napaatras si Amara ng biglang dumilat at magsalita si Marcus.
"M-Marcus?" Hindi makapaniwalang tawag ni Amara sa pangalan ng asawa. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Marcus at Bullet.
"I'm alive wife, siyam ang buhay ko alam mo ba yun." Mahina pero nakangiting sabi ko.
"Sandali, so buhay ka pala talaga? Hindi ka p-patay?" Ulit na tanong ni Amara, she feel speechless! Naguluhan siya lalo.
"Yes and finally I heard you saying that you love me.."
Masayang sabi ni Marcus.Tiningnan maigi ni Amara si Marcus, hindi nga siya nagkakamali, her husband is still alive! Buhay talaga ito! So ano ito? Nagkunwaring patay ito para paaaminin lang ako na mahal ko siya? Pinahid ni Amara ang mga luha sa kanyang pisngi at nilapitan si Marcus.
"Siraulo ka!" Pinaghahampas ni Amara si Marcus ng kanyang bag. "Kanina pa ako iyak ng iyak mula sa bahay yun pala buhay ka naman!""Hey hey stop it Amara, totoong may sugat talaga ko." Pilit akong bumangon para makaupo. Nang tingnan ko naman si Bullet ay tumatawa lang siya sa isang tabi. Mamaya ka sa akin! Over acting kang gago ka!
"Ang sama-sama mo talaga Marcus! Alam mo ng buntis ako tapos bibiruin mo ako ng ganito!" Muling hinampas ni Amara ng bag ang asawa.
Alalang-alala siya mula pa kanina tapos may paiyak-iyak pa siya tapos heto buhay naman pala talaga ito at pinapaamin lang siya!"I know kaya nga dumilat na ako eh, pero wala ng bawian yun ah? You love me." Nakangiti kong sabi kay Amara, namumula ang mata nito dahil sa pag-iyak kaya naman kahit masakit pa din ang katawan ko ay hinila ko pa din siya at niyakap. Sinuwerte lang ako at nakaligtas ako sa aksidente kanina, even my driver is safe pero pareho kaming puro sugat at pasa. This is why I invest on a good car, magandang klase ng sasakyan ang resvani car ko at kahit bumangga pa o mabangga ko pa ito habang nagmamaneho ay nakakatiyak ako na minor injury lang ang matatamo ko kapag naaksidente ako. It cost millions pero tingnan mo ngayon, nasubukan ko ito ng husto. I'm alive infront of my wife.
"Ang sama mo pa din." Asik na sabi ni Amara kay Marcus na yakap-yakap niya ng mahigpit hindi pa sin siya makapaniwala at parang ayaw niya ng kumalas sa pagkakayakap dito. Tumingin siya kay Bullet na tumatawa pa din sa isang sulok. They are not close pero nagawa siya nitong lokohin kaya dito siya mas napipikon. "Hindi ka na puwedeng pumunta sa bahay namin Bullet kahit kailan you made me worried so much! At kapag nalaman ito ni Elaine siguradong lalo ka niyang hindi sasagutin!"
"Uy Amara wala namang ganyanan." Parang maamong tupa na sabi ni Bullet. "This is not even my idea, yang asawa no nakaisip niyan sinunod ko lang din."
"Kahit na! Ikaw ang tumawag sa akin kanina diba, alam mo din na buntis ako tapos nakuha mo pang makisakay sa kalokohan ni Marcus." Galit pa din na sabi ni Amara.
"Sige na pare iwan mo muna kami." Pagpapaalis ko kay Bullet, baka lalong ma-stress ang asawa ko, buntis pa naman ito.
"Galit ako sayo Marcus alam mo ba yun." Kinurot pa ni Amara ang asawa sa tagiliran paglabas ni Bullet at sila na lang ang nakitang dalawa sa loob ng kuwarto. Tutal siyam naman daw buhay nito eh puwede niya na itong gantihan.
"Sorry na, I just want to hear from you what's your really feeling towards to me. Atleast alam ko ngayon na mahal mo pala ako." Pinunasan ko ang luha sa kanyang mata, parang nasobrahan nga yata ang ginawa ko kanina this will be the last time I will make her cry.
"Puwede mo naman ako tanungin tungkol doon hindi yung sa ganito."
"You will not answer me for sure, now I want to say this to you. I love you Amara, always remember na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang nabubuhay ako." I touched her face and hold it tightly, now I'm sure my Amara love me the same my feelings to her.
"At mahal din kitang lintek ka!" Yun na lang ang nasabi ni Amara bago niyakap muli ang asawa.
Buhay si Marcus ah, oh libre niyo na ko.
#maribelatentastories
BINABASA MO ANG
M.a Series #1: Marcus Delgado
RomanceMarcus Delgado and Amara Salazar story🖤 ⚠️ R18 story Available on self pub book, already completed but I deleted some chapter to avoid the soft copying of my story. Start: December 31, 2021 Finished: January 22, 2022