"So how's your plan pare? Wala pala dito sa bansa si Salazar eh. Nasa Greece daw." Bullet said, nasa office sila ni Marcus sa Alabang.
"Anong what's plan? Wala pang plano." Balewalang sagot ko habang pinapaikot-ikot ang hawak na ballpen sa aking kamay. Katatapos lang naming dalawa sa tanghalian at heto nga nag-kwekwentuhan muna kami. Pero ang isip ko ay na kay Amara, ano na naman kaya inaayos nito sa bahay? Amara like to re-decorate his house pero pinapabayaan ko lang dahil alam kong naiinip din ito sa bahay.
"Tangina don't tell me nahuhulog ka na kay Amara? Remember daddy niya ang nagpakulong sayo Marcus."
Wala na, hindi ko na din alam yung pinlano ko, nakalimutan ko na. Parang gusto ko ng sabihin yun kay Bullet, but i stay silence. Mas nakikilala ko pa si Amara sa pagdaan ng araw at kahit hindi ko aminin nakapasok na siya sa sistema ko and that's pretty bad. Kaya naiisip ko din palagi ang mga plano ko paglabas ko pa lang ng kulungan para kay Salazar.
Samantala tarantang-taranta naman si Elaine sa nangyari kanina sa kanila. Mabilis niyang inabot kay Amara ang ice pack. "Naku Ma'am punta na po kaya tayo sa Ospital? Malalagot talaga kami kay Sir Marcus mamaya."
"No need Elaine, bukol lang naman ito tsaka pasalamat na lang tayo at walang malalang nangyari sa atin."
Sagot ni Amara."Kahit na Ma'am magagalit po talaga si Sir Marcus mamaya lalo pa at ayaw niyong ipaalam sa kanya ang nangyari." Hindi mapakali na sabi ni Elaine.
"Okay lang talaga ako Elaine, si Mang Albert ayos lang ba?" Tukoy ni Amara sa driver ni Marcus. Lumabas kase sila kanina at nagpasama siya sa grocery para bumili ng ilang personal na gamit niya at ng pauwi na sila at papasok sa subdivision kung nasaan ang bahay ni Marcus ay may bumangga naman na sasakyan sa likod nila. At dahil hindi siya naka-seatbelt at kampante naman dahil sa gitna siya ng sasakyan nakaupo ay tumama ang kanyang noo sa unahang upuan. Ang masama lang ang nakabangga pa sa kanila ang galit, pinag-sisigawan nito ang driver na kasama nila at kahit pumagitna siya ay ganon pa din. Tatlo lang din kase sila kanina nila Elaine umalis at hindi siya nagpasama pa sa bodyguards.
"Nag-aalala si Mang Albert kase mahal daw magpagawa ng kotse ni Sir tsaka siguradong siya ang masisisi mamaya."
"Puntahan mo si Mang Albert ako na kamo magpapaliwanag kay Marcus mamaya at wag niya ng intindihin ang sira ng sasakyan ako ng bahala kamo."
"Sige po Ma'am." Paalam ni Elaine.
Nakakunot ang noo ni Marcus pagbaba ng kanyang sasakyan, nakita niyang busy ang dalawang driver sa kanyang fortuner. "What happened here? Bakit may bangga ang kotse Albert?"
"Naku Sir k-kayo po pala." Kinakabahang sabi ni Albert.
"Umalis ba kayo? Bakit may bangga ang kotse?"
"Eh kase Sir kanina ho ng pauwi na kami nila Ma'am Amara ay may bumangga sa likod namin, parang hindi ho natantsa nung driver. Diyan ho sir sa may main gate ng subdivision noong pauwi na kami." Paliwanag ni Albert, hindi pa naman bababa sa bente mil ang magpagawa ng ganito at tiyak na siya ang pagbabayarin ng boss niya.
"Kasama niyo si Amara? Anong nangyari sa kanya?"
"Ano ho S-sir may bukol po sa noo." Nag-aalangan na sagot ni Albert.
"Tangina! At hindi man lang kayo tumawag sa akin? Ikaw Bobby ano?" Sita ni Marcus sa bodyguard na naka-assign kay Amara. "Teka, oh baka hindi niyo din sinamahan si Amara?"
"Eh Sir ayaw ho magpasama ni Ma'am, sila lang po ni Elaine ang nagpunta sa grocery tsaka si Albert." Paliwanag ni Bobby habang nakayuko.
"Putangina talaga! Hintayin niyo ako at mag-uusap tayo!" Dali-daling akong pumasok sa loob ng bahay.
Maaga pa naman ako umuwi ng Tagaytay ngayon dahil wala akong balak sumama kay Bullet mag-bar mamaya tapos heto pa ang madadatnan ko? Pagbukas ko ng pintuan ng kuwarto namin ay nakita kong may hawak si Amara na ice pack at nakaupo sa couch doon.
"What happened?""M-Marcus.. " naibaba ni Amara ang hawak at napatingin sa kakapasok lang na asawa.
"Nabangga pala kayo tapos hindi man lang kayo tumawag sa akin? Nasaan si Elaine?" Sinuri ko ang noo ni Amara at mayroon nga itong bukol doon. "Ito lang ba ang natamo mo? Sugat meron?" I checked her body and im thankful na wala itong galos sa katawan. Tinawagan ko si Elaine using the intercom on my room, pinakuha ko ang CCTV footage ng kotse ko para malaman ko kung ano ang nangyari kanina.
"I'm okay Marcus, no need to worry." Simpleng sagot ni Amara.
"Anong no need to worry? Tingnan mo nga may bukol ka! Come on pupunta tayo ng Ospital magpapa-xtray ka." Hinawakan ko pa ang kamay ni Amara para tumayo na ito, I dont know but I'm so damn worried about her.
"Ospital? Ano ka ba tumigil ka nga." Saway ni Amara. "Pawala na nga ang bukol oh tsaka okay naman ako, and about doon sa sasakyan mo ako na ang magpapagawa wag mo ng pagalitan si Mang Albert dahil wala naman siya kasalanan."
"Huwag mong isipin ang kotse ko Amara I can buy hundreds of that. Come on Punta tayo ng Ospital at baka magka-internal hemorrhage ka."
"W-what? Anong internal hemorrhage? Umayos ka. Bukol nga lang ito okay. Tumama lang ako sa likod ng upuan kaya ganito."
Nang bigla naman pumasok si Elaine sa loob din ng silid. "S-sir heto na po.."
Agad kinuha ni Marcus ang laptop na inabot ni Elaine. "Mag-uusap din tayo mamaya Elaine!"
Pinlay agad ni Marcus ang video, lahat kase ng kotse niya ay mayroong CCTV video sa harapan man ng sasakyan o sa likod na bahagi. Pero nanggalaiti siya ng napanuod ang halos dalawang minuto na video at sa sobrang galit ay naibato nita sa dingding ang laptop! "Tangina nitong hayop na ito ah!" Yun lang at lumabas si Marcus ng silid.
Naiwang walang imik sina Amara at Elaine, siguradong nakita ni Marcus ng tutukan ng driver ng nakabangga sa kanila kanina si Mang Albert at mismong si Amara.
Kasama ang anim na bodyguard pinuntahan namin ang bahay ng nakabangga kanina kila Amara na narito lang din sa loob ng subdivision, sa labas pa lang nakita ko na ang sasakyan, tulad ng fortuner ko ay mayroon din itong bangga pero sa unahan naman ng BMW 740Li, at wala akong pakialam kung high-end car din ito. Binunot ko ang dala kong baril mula sa aking beywang at pinaulanan ito ng bala.
Ilang sandali pa lumabas mula sa bahay si Lexter Hernandez, ang may-ari ng sasakyan. "What the hell? What did you do on my car?" Galit na sabi nito kay Marcus, butas lahat ng gulong
at puro tama ng baril ang sasakyan niya."Gago! Sino ka bang hayop ka para magyabang at tutukan ng baril ang asawa ko?" Galit na sabi ni Marcus sa lalaking lumabas.
"T-tinutukan?" Para namang narecall ang nangyari kaninang insidente sa entrance ng subdivision nila. And Lexter remembered this guy with gun on his hand and with his bodyguard. Ito si Marcus Delgado!
"Wag kang magtanga-tangahang animal ka at baka patayin kita ngayon. Ang kapal ng mukha mo na tutukan ng baril ang asawa ko!" Singhal pa din ni Marcus. Hindi pa din maiwasang kumulo ng dugo niya hanggang ngayon. Alam niya ang mga ganoong galawan at maaari nitong iputok kanina ang baril, at kung nangyari yun at si Amara ang nabaril ay siguradong mapapatay niya ang lalaking ito sa harap niya ora mismo.
"That's not my fault! Tanga lang talaga ang driver mo dahil ang bagal magmaneho!" Hindi din papaawat na sabi ni Lexter.
Para namang nagpanting ang tenga ni Marcus sa sinabi nito, ito na nga ang nakabangga ito pa ang maninisi. Isa pa, 40 lang ang minimum speed sa loob ng subdivision nila at lahat ng nakatira doon ay alam yun! "Ahhh tanga pala ha? Sige tingnan natin." At binaril ni Marcus ang lalaki sa hita nito bago umalis at sumakay ulit sa kanyang sasakyan.
Salamat sa magpapakape, saktong sakto yan bed weather today!😆
#maribelatentastories
BINABASA MO ANG
M.a Series #1: Marcus Delgado
RomanceMarcus Delgado and Amara Salazar story🖤 ⚠️ R18 story Available on self pub book, already completed but I deleted some chapter to avoid the soft copying of my story. Start: December 31, 2021 Finished: January 22, 2022