CHAPTER 30

91.5K 2K 107
                                    

Ilibre niyo na ko, kahit kape lang🤪 thank you in advance!


"Calm down pare, Amara will be okay.." nakangiting sabi ni Bullet sa kaibigan, gusto niyang pagaanin ang loob nito. Nasa Ospital sila ngayon at ngayong araw nga ang operasyon ni Amara. Nasa tapat sila ng operating room at pareho naghihintay ng resulta. Bawal talaga sila dito pero dahil sa pera ni Marcus bumili ito agad ng share sa nasabing Ospital kaya ang nangyari isa na ngayon si Marcus sa may-ari ng isa sa leading hospital sa buong Maynila.

"I can't help it, hopefully her operation will be okay." Kinakabahan pa din na sabi ko, lalo pa at iba ang pahiwatig ng mga salita ni Amara ng huli kaming mag-usap. Para bang namamaalam na ito, pero magka-ubusan man ng pera gagawin ko lahat mabuhay lang siya.

"Hindi ka hahayaan ni Amara tumanda na binata, mark my word she'll be okay." Nakuha pang magbiro ni Bullet sa kabila ng nerbyos na nakikita kay Marcus. Alam niya na kahit matikas tingnan ang kaibigan dahil sa itsura nito at dami pa ng tattoo sa katawan ay nahanap na nito ang katapat niya sa buhay. At yun ay si Amara.

Halos dalawang oras na silang naghihintay sa tapat ng operating room, at ito na yata ang pinaka-matagal na dalawang oras sa buhay ni Marcus. He can't help it but to walk back and forth to ease his nervous. Pero nagulat sila ni Bullet ng may lumabas na doktor mula sa silid.

"Call doctor Perez, nag flat line ang pasyente." Malakas na sabi nito, nasa tabi lang kase ng operating room ang nurse station sa floor na yun.


"Doc what's happening? A-anong nag flat line? Kamusta na si Amara?" Sunod-sunod kong tanong, hindi maaaring mawala si Amara, hindi!

"Nag flat line po ang pasyente, but we're doing our best to save her." Paliwanag ng doktor na lalaki, may isa pang doktor na kasunod ng isang nurse na humahangos papasok sa loob ng operating room. Ito na yata ang doktor na hinahanap nito kanina.

Napasuntok ako ng malakas sa pader, please not my Amara lord. Please not her..
Hindi ko kaya, hindi ko makakaya kung si Amara ay mawawala.

Marcus is wearing a hospital suite when he visit Amara on her room, gabi na at pagod na din siya mula pa kanina. Successful ang operasyon nito at nailipat na sa pribadong kuwarto na kinuha niya. Akala niya ay mawawala na ito kanina lalo pa at nagkagulo sa loob ng operating room dahil nag flat line nga ito.

"The patient is stable now, successful ang kidney transplant niya." Masayang sabi ng doktor kay Marcus matapos nitong muling i-check ang dalaga.

"Thank you doc, I thought I'm gonna lose her." Sabi ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Amara, I am scared now seeing her like this. Nakakatakot, nakakakaba, lalo pa at at may nakakabit na naman na kung anong apparatus sa katawan nito but knowing her operation was successful parang nabunutan na din ako ng tinik sa aking dibdib. I thought my Amara will not gonna make it but I keep praying hard on the hospital chapel awhile ago. Literal na kahit anong sama mo mapapadasal ka pala talaga para sa taong gusto mo and I promised myself if Amara will be okay after this I will marry her and live with good with her.

"Pero hindi ibig sabihin nito na mawawala na ang lupus sa katawan niya, meroon pa din do's and don't para sa pasyente." Bilin pa ng doktor.

"I know doc, nakausap ko na din yung isang doktor kahapon and he really explained to me very well what lupus is. So she will have a strict diet after this." Sabi ko dahil hindi pala biro ang sakit na lupus, this is a lifetime sickness at natural na lalabas ang mga epekto nito sa katawan ng isang tao. Personal kong inalam ang mga side effect ng sakit niya para maging aware ako at para maipaliwanag ko sa mga tao sa bahay ang bawal sa kanya.

"That's good to hear, kailangan talaga mabantayan ng maayos ang tulad niya na may sakit na ganito, specially on her food. Lalo pa at naoperahan na siya." Dagdag pa ng doktor.

"Sige doc maraming salamat." Sabi ko pa ulit at kinamayan pa siya.



Inabot pa ng bente kuwatro oras bago tuluyang magising si Amara, at si Marcus na yata talaga ang pinakamasayang tao sa lahat ng magka-Malay ito. Pinalagyan niya ng mga balloons ang kuwarto ni Amara sa ospital, at halos bilihin na naman niya ang isang buong flower shop para sa mga bulaklak na ibibigay niya kay Amara, napaka bango tuloy ng buong kuwarto ngayon.

"You don't know how happy I am now Amara.." inayos ko ang buhok na napunta sa mga mata niya. Sabi ng doctor kanina ay kailangan pa niyang mag-stay dito ng ilang araw para ma-monitor siya ng mas maayos.

"Thank you Marcus, thank you sayo." Mahinang sabi ni Amara, alam niyang kung hindi dahil sa tulong ng poging haggard na lalaki sa harap niya ay hindi siya maooperahan agad at talagang hindi siya nito iniwan gaya ng pangako nito sa kanya bago siya maoperahan.

"May bayad to Amara akala mo? Halos magkasakit na kaya ako sa puso kakahintay sa labas ng operating room kahapon tapos nag flat line ka pa."

"Pero atleast naging successful naman ang operation ko, pero anong b-bayad ang sinasabi mo?"

"Yes you need to repay me, you need to marry me Amara, and this is for real. Pakakasalan talaga kita paglabas mo dito sa Ospital at bawal ang tumanggi." Seryosong sabi ko sa kanya, at kinuha ko ang isang singsing mula sa aking bulsa. "You will marry me Amara.." I will not asked her anymore to marry me because i will not accept a NO from her.

Napangiti si Amara, salbahe pa din talaga ang Marcus na ito, parang mali ang sinabi niya. Diba dapat will you marry me? "Sobrang kampante ka na papayag ako magpakasal sayo.."

"I am." At kinuha ko ang kanyang kamay para isuot ang singsing sa kanyang daliri na pinasadya ko pa. It's a 24 carat blue diamond. Tinanggal na ni Amara ang singsing na binigay ko sa kanya noong nagpakasal kami at hindi ko alam kung tinapon ba nito yun o tinago. "I love you Amara and I want to be with you for the rest of my life.." buong puso ko na sabi at yumuko ako para hagkan ang kanyang mga labi. Now I will not let you to run again away from me..


Libre niyo na ko..
#maribelatentastories

M.a Series #1: Marcus Delgado Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon