●●●●●●●

72.6K 1.4K 35
                                    

Hindi to update, commercial lang🙃



Since 2016 nagbabasa na ako ng wattpad at ang dami-dami ko na talagang nabasa na wattpad story aside pa sa mga  pocketbook pero never akong nag-comment tapos sasabihin kong..
-bitin
-update ka naman author
- next!!
-ang tagal mo author mag-update!
-nag pm sa author kase manghihingi ng update

Never ko talaga ginawa yan, ivovote ko yung mga chapters ng story at i follow yung author pero never akong mag-cocomment ng bitin lalo pa at alam kong on going pa ang story. Bakit? Kase si wattpad nga hindi minamadali mag-update ang mga author eh, ikaw pa kayang readers na nag-aabang lang din ng libreng story. Tsaka hindi sa wattpad "lang" umiikot ang mundo ng authors. May sariling buhay din yan sa labas ni wattpad but still may matitigas ang ulo na nag-cocomment pa din ng hindi maganda.

Tapos idagdag pa ang mga gumagawa ng soft copies, libre na ngang sinusulat, libre  ngang nababasa, mamadaliin pa ng readers yung writer. Nasaan naman ang hustisya doon?

Instead mas okay kung mag-papasalamat na lang sa author, kung ayaw mo magbasa ng on going story then go hanap ng ibang completed ganon lang yun.

Ang dami ko ng nablock na account specially yung pagbukas ko pa lang ng wattpad ang mababasa ko agad na comment ay puro about sa updates. Pag minamadali ko kase yung isang story tapos binasa ko ulit laging nasasabi ko na may kulang pa, na kaya ko pang habaan itong story na ito. Binablock ko din yung nag-aadd lang ng story ko sa reading list nila tapos hindi man lang makuhang mag follow, tapos sila pa ang malalakas manghingi ng updates.😆

Wala lang, share ko lang🤣

M.a Series #1: Marcus Delgado Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon