CHAPTER 20

107K 2.1K 161
                                    

Dahil walang nagpakape ngayon hindi ako papayag na matulog kayo ng masaya😈😂

Masayang pumasok si Amara sa kanilang bahay, nakauwi na dalawang araw ang nakakalipas ang kanyang ama at pinapapunta siya nito sa bahay nila sa Quezon city. Naeexcite tuloy siyang makita ang daddy niya. Nagpaalam siya kanina kay Marcus na pupunta siya ngayong araw sa bahay nila pero gaya ng inaasahan wala syempre itong imik.

"Dad.." agad na sabi ni Amara ng makita ang ama sa office nito sa bahay din nila.

"Mabuti naman at dumating ka na, sit down Amara. "

"Kamusta po? Ang tagal niyo sa Greece ah." Bati ni Amara.

Ngumiti lang ng tipid si Mr. Salazar. "How are you iha? Kamusta kayo ni Marcus?"

"A-ayos naman dad, wala naman po kaming problema." Masayang sagot ni Amara.

"I see, but I have something to tell you and this is very important Amara."

"Tungkol saan po?"

"About our company and about Marcus."

"Ano pong tungkol d-doon?"

"Makinig kang mabuti Amara, two months na akong nakabalik mula sa Greece." Panimula ni Mr. Salazar.

"Po? Eh bakit ngayon lang niyo ako kinontak kung nandito lang pala kayo?"
Takang tanong ni Amara sa daddy niya.

"Because I want to make sure first, gusto ko muna makasigurado sa hinala ko." Dagdag ni Mr. Salazar.

"About saan dad?"

"Hindi totoong ibinalik ni Marcus ang kompanya sa akin."

"W-what? Akala ko po ba okay na? Akala ko nakapangalan na sa inyo ulit?" Gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Amara.

"Akala ko din, pero nagpa-imbestiga ako Amara. Tingnan mo." Inabot ni Mr. Salazar ang isang folder kay Amara, naglalaman ito ng totoong papeles kung kanino nga ba nakapangalan ang Salazar company ngayon at hindi sa kanya yun walang iba kung hindi kay Marcus.

Binasa ni Amara ng maigi ang nakalagay sa loob ng folder. At hindi siya makapaniwala, kay Marcus nga nakapangalan ang kompanya nila at hindi sa daddy niya.

"Hindi pa diyan nagtatapos Amara, ang kasal niyo ni Marcus ay peke." At marriage certificate naman ang inabot ni Mr. Salazar kay Amara, may isa pang certificate galing sa NSO ang cenomar na nagpapatunay na dalaga pa din si Amara at Salazar pa din ang apilido nito hanggang ngayon. Kung mayroon mang seremonya ng kasal ang namagitan kay Amara at Marcus ay hanggang doon lang yun. "Marcus fool us Amara, tama nga ang hinala ko noong una pa lang na gumaganti lang siya sa akin at ginamit ka niya para gantihan ako." Dagdag pa ni Mr. Salazar.

"N-no dad, baka nagkakamali ka lang. May pinakita sa akin na marriage certificate si Marcus at sabi niya naka register na daw ang kasal namin kaya paano ito mangyayari?" Tanong pa ni Amara.

"I don't know too Amara, kaya nga pinatawag kita at pinapunta dito para sabihin ko sayo ang totoo at ang mga nalaman ko."

"Dad.." nabitawan ni Amara ang mga papel na hawak niya. She can't believe it, akala niya ay ayos na sila ni Marcus, akala niya may chance ang kasal nila pero hindi pala. Niloloko lang pala siya nito mula umpisa! And about their company, paano na?

"I'm going to sell this house Amara at sa kapatid ko muna ako sa Greece titira." Sabi ulit ni Mr. Salazar. "But don't worry I can give you atleast have of the money of this house pag nabenta ko."

Gulo ang isip na umuwi si Amara, gusto niyang makausap si Marcus. Tinawagan niya ito kanina pero hindi ito sumasagot at tanging text message lang ang reply, nasa meeting daw ito at mamaya ay uuwi din sa bahay nila sa Tagaytay. Ang dami niyang gustong itanong, ang daming gumugulo sa isip niya simula pa kanina.

Dumaan muna ako sa isang kilalang flower shop sa Tagaytay para bilhan ng bulaklak si Amara. Pasado alas syete na ng gabi at alam kong nauna ng naghapunan si Amara kaysa sa akin.
Pagdating ng bahay ay naabutan ko si Amara sa aming kuwarto at mukhang hinihintay ang pagdating ko. Hey good evening wife, flowers for you." At inabot ko kay Amara ang bulaklak na binili ko para sa kanya.

Mapakla namang napangiti si Amara at blangkong tiningnan si Marcus. Hanggang kailan mo kaya ako paiikutin sa mga kasinungalingan mo? "Totoo ba ito Marcus?" Wala ng paligoy-ligoy na tanong ni Amara at inabot ang folder kay Marcus na binigay sa kanya ng daddy niya kanina.

Agad namang kinuha ni Marcus ang folder at tiningnan. "A-amara.."

"So ano? totoo nga? Totoo ba Marcus?" Ulit na tanong ni Amara.

Namutla ako at hindi agad nakapagsalita, saan galing ang mga papeles na ito? And even a copy of Amara's cenomar is inside of the folder. "L-let me explain Amara."

Nilapitan ni Amara si Marcus at malakas na sinampal. "I-I trusted you Marcus! I trusted you!"

"It's n-not what you think Amara, magpapaliwanag muna ako." Hindi ko ininda ang sampal niya sa akin. I need to explain to her!

"Magpapaliwanag? Para ano? Para bilugin ang utak ko? A-akala ko okay na, akala ko binalik mo na talaga kay daddy ang kompanya pero hindi pala!" Garalgal ang boses na sabi ni Amara, masyado siyang nagtiwala. Masyado siyang naniwala.

"I-I lied okay, alam ko nagkamali ako pero ibibigay ko naman talaga ulit ang kompanya ng daddy mo sa kanya." Paliwanag ni Marcus.

"Really? Oh wala ka talaga balak? Kase kung noon pa lang sana ginawa mo na wala sana tayong problema! And how about our marriage? Hindi din pala totoo yun! H-hindi kita asawa, at hindi mo din ako asawa Marcus.."

"N-no please wag ka magalit sa akin Amara." Pakiusap ko sa kanya.

"Paniwalang-paniwala ako sayo, pero lahat lang pala ng pinakita mo ay puro kasinungalingan!" Umiiyak ng sabi ni Amara.

Akmang lalapitan ko si Amara pero tinulak lang siya nito.

"Hulog na hulog na ako, gusto na nga kita eh. Pero peke lang pala pinakita mo sa akin. The bad thing is pati ako dinamay mo sa away niyo ni daddy!" Galit at umiiyak na sabi ni Amara, "Sinunod ko naman ang gusto mo ah? You asked marriage so that you can return to my dad our company, kahit hindi kita kilala pumayag ako pero heto lang pala ang gagawin mo sa akin!" Ng biglang napahawak siya sa kanyang tiyan.

"It's not like that Amara, kung nagsinungaling man ako sayo ay may dahilan ako." Pilit ko pa ding paliwanag sa kanya.

Napahawak naman si Amara sa lamesa na nasa tabi niya ng sumikdo ulit ng sobrang sakit ang kanyang puson. "Aaaahhh!" Malakas niyang sigaw ng may kung anong lumabas mula sa kanyang pagkababae pero nasindak siya ng makita ang tumutulong dugo sa kanyang binti. "M-Marcus.. "

Napatingin ako kung saan nakatingin si Amara, and to my horror I saw a blood running on her legs! "Tangina!" Agad niyang nilapitan si Amara na namimilipit sa sakit. At isa lang ang alam ko kapag ganito, buntis si Amara!

"Marcus.." yun lang ang nasabi ni Amara bago nawalan ng malay sa mga bisig ni Marcus.






Goodnight na!
#maribelatentastories

M.a Series #1: Marcus Delgado Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon