Chapter 1

6.8K 184 8
                                    

Athena's POV

"Athena!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko kaya panandalian kong naibaling sa kaniya ang paningin ko.

"Athena! Tara na! Malelate na tayo sa flight!" Tawag sa 'kin ni Mommy. Ngumiti naman ako nang bahagya sa kaniya bago isara ang librong binabasa.

Inilagay ko pa muna 'to sa loob ng bag ko at sinigurong hindi malulukot at madudungisan.

Isinukbit ko na matapos ang bag ko sa aking likuran bago magsimulang lumakad palapit kila Mommy. Inalalayan niya pa ako pasakay sa loob ng van, kung saan kasama ang iba ko pang mga pinsan na naghaharutan at nagkakatuwaan.

"Hi Athena!"

"Kumusta Athena?"

"I miss you, Athena!"

'Yan ang sumalubong sa 'kin pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng van.

"Hi.." Nahihiyang bati ko pabalik dahilan para gantihan nila ako ng ngiti bago muling magpatuloy sa kaninang ginagawa.

Binuksan ko ang bintana ng van para makalanghap ng hangin. Nasa labas lang ang paningin ko at nanatiling walang kibo. Kung minsan ay nakikinig ako sa usapan nila, kung saan ang kanilang mga pagpa-party sa bar, tungkol sa girlfriend at boyfriend na never ko naranasan at never ako nagkaroon.

Oo, isa akong simpleng babae na may limitasyon ang bawat galaw. Ako si Athena Diaz, isang babaeng may sakit sa puso.

Kaya nga naiinggit ako sa mga pinsan at mga kaibigan ko dahil nagagawa nila ang kanilang mga gusto, pero ako..hindi. Ang tanging pinagkakalibangan ko lang ay ang pagbabasa ng mga libro, libro kung saan maranasan kong maging bida, maranasan kong kiligin na never kong naramdaman sa ibang mga lalaki na nagkakagusto sa 'kin sa tuwing nagbibitaw sila ng matatamis na salita.

Sa libro ko natutunan mag-mahal. Mag-mahal ng isang lalaking hindi magiging akin kailanman dahil isa lang naman 'tong gawa-gawa at walang katotohanan. Pero kahit ganoon, natutuwa ako, na sa sobrang tuwa ko hinihiling kong sana magkaroon ng katulad niyang lalaki sa totoong mundo.

Oo, isang fictional character ang iniibig ko. Nakakabaliw 'di ba? Hayst, kailan kaya ako magkakaroon ng maayos na buhay, at magkakaroon ng lalaking gaya ni Damon?

"Athena, natapos mo na ba 'yung kwento na pinapabasa ko sa 'yo?" Naputol ang pag-iisip ko nang tumabi sa 'kin bigla si Farrah, pinsan ko rin na babae. Isa rin siya sa pinakamalapit kong pinsan.

"Hindi pa eh." Tumatawang sagot ko dahilan para mapanguso siya at pabiro akong binigyan ng nagtatampong tingin.

"Naku! Sinasabi ko na nga ba, inulit mo nanamang basahin yung favorite mong story 'no?" Sisi niya pa. Wala akong nagawa kung hindi ang mapangiti dahilan para malaman niya ang sagot sa kaniyang katanungan.

"Ikaw ha! Hindi ka ba nagsasawa sa binabasa mo? Ano ba meron diyan at parang ayaw mo nang hindi binabasa? Hindi ka ba nagsasawa?" Tanong niya pa.

Hindi, hinding-hindi ako magsasawang basahin ang librong 'yon kung nasaan nabubuhay ang lalaking mahal ko.

"Hindi, try mong basahin. Maganda, magandang maganda." Sagot ko sabay ngiti. "Basta, asawa ko si Damon." Dagdag ko dahilan para sabay kaming matawa.

Dito kami lalo nagkakasundo ni Farrah, pagdating sa romance story madami kaagad kaming nalalaman. Minsan pa nga ay nag-away kami dahil sa pag-aagawan ng bidang lalaki sa kwento.

Into the Other World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon