Athena's POV
Dahan-dahan kong iminulat ang dalawang mata ko nang may marinig na iilang kaluskos pero nang manumbalik sa 'kin ang lahat ng naalala ay mabilis akong napaupo.
"A-anong nangyari?!" Halos pasigaw kong tanong. Mabilis ko ring itinaas ang suot ko ng damit para tingnan kung may sugat dito ngunit ganon nalang ang paghagulgol ko dahil wala akong nakitang sugat dito.
"M-mommy!" Humagulgol kong iyak.
Akala ko mamatay na ako, mas may hindi pa pala ako inaasahang mangyayari sa 'kin sa mundong 'to, pati ang mabaril naranasan ko na rin.
"Gising ka na pala." Napunta ang paningin ko kay Xavier na kakalabas lang sa cr, doon ko lang din napag-tantong nandito ako sa kwarto ni Xavier.
"A-anong ginagawa ko rito?" Suminghap-singhap ko pang tanong sa kaniya habang bahagyang pinupunasan ang luha sa pisngi.
Kumuha siya ng upuan bago ipwesto sa gilid ko kaya mabilis siyang umupo roon.
"Are you okay?" Panimula niya dahilan para mabilis magsalubong ang dalawang kilay ko.
Baliw ba siya?! Siya kaya ang mabaril?!
"Sira ba ang ulo mo? Tinatanong mo kung okay ako eh nabaril nga ako!" Singhal ko pero nanatiling walang emosyon ang mukha niya.
Tumikhim siya. "Ngayong nakita namin na hindi ka tinablan ng bala, sabihin na nating hindi ka talaga ordinaryong tao." Mas lalong lumalim ang seryoso niyang tingin sa 'kin bagay na nagparamdam sa 'kin ng ilang. "..sabihin na lang natin na galing ka sa ibang mundo."
Mabilis nanlamig ang buong katawan ko dahil sa sinabi niya. Ang bibig ko ay kumibot-kibot ngunit walang lumabas na salita roon.
"Sa mundong hindi ko alam, sa anong klaseng mundo ka ba talaga nang-galing?" Tanong niyang muli dahilan para mapaiwas ako ng tingin.
Sa mundong hindi gawa sa imahinasyon hindi tulad ng mundo mo..
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo." Mabilis kong sinabi bago magtaklob ng kumot, mariin ko ring ipinikit ang mga mata habang nakahiga na sa kama. Akala ko kukulitin niya pa ako pero tanging pagbuntong hininga lang ang nagawa niya bago ako lubayan.
Muli kong iminulat ang dalawang mata, nagsisimula nanamang lumitaw ang takot sa dibdib ko.
Ilang minuto pa akong nag-isip bago ako hilahin ng antok para muli akong makatulog.
Lira's POV
"My God! Nakakaloka talaga!"
Malapit na akong marindi dahil sa kakasigaw ni Faith habang pabalik-balik ng lakad dito sa sala ng bahay nila Xavier.
"Shut up, Faith." Pananaway ko habang patuloy sa pag-iisip. Palaisipan pa rin sa 'kin kung anong nangyari kay Dalia.
Paano nangyaring tumagos sa katawan niya 'yung bala?
"Is she an alien? Not from the other space but from the other world?" Tanong pa ni Nathan na gaya ko, nag-isiisip din sa hindi kapani-paniwalang nangyari kay Dalia.
Napatingin kami nang biglang pumitik sa ere si Ervin na katabi ko lang din. "Or posibleng iba ang nasa katawan ni Dalia? Look dude, 'di ba kakaiba rin 'yung kinilos ni Dalia nung nagising siya sa hospital? What if kaluluwa lang 'yon na naligaw tapos kinuha niya yung katawan ni Dalia?"
BINABASA MO ANG
Into the Other World (COMPLETED)
Storie d'amoreThere is a world that is created by a person's mind, the world of fiction that is only made by an imagination. This is one where other things become possible, but is it also possible for this fiction to happen in the life of Athena Diaz? Athena, ha...