Athena's POV
Halos mabaliw na ako kung paano ko isisink-in sa utak ko lahat ng narinig. Ibinuka ko ang sariling bibig ngunit walang lumabas na kahit anong salita rito. Ramdam ko ang pagkatuyo ng lalamunan ko dahil sa sinabi ni Damon.
Unti-unti kong inangat ang paningin ko kay Xavier na ngayon ay walang emosyon na nakatingin din sa 'kin.
"Tss, stupid." Singhal niya bago lumakad paalis doon. Napayuko na lang ako dahil sa pagkapahiya, naramdaman ko rin na sumunod na sila Damon papalabas. Maging ang lalaking nakaluhod kanina ay mabilis tumakbo paalis.
"Dalia.." Tinig ni Lira ang narinig ko.
Ganito ko na ba talaga ka-ayaw kay Xavier? Na sa sobrang inis ko sa character niya na dapat sa libro lang nababasa, nadadala ko rin sa harapan niya?
"It's okay, baka stress ka lang Dalia. Let's go, let's get some water." Nagpatianod na lang ako sa pagkakahatak sa 'kin ni Faith kahit pa lutang din ang isip ko.
Pagkatapos talaga ng lahat ng 'to, lalayuan ko na siya para hindi ko na maibuntong lahat ng inis ko sa character niya.
Lumipas ang oras ay nanatili akong walang imik hanggang sa matapos ang klase hanggang hapon, kahit pa punong-puno ako ng kahihiyan sa buong katawan dahil nasa likod ko lang si Xavier, pilit ko 'yong nilabanan.
"There you are, Anak. Magbihis ka na para sa dinner natin with Xavier's family." Ani Mrs. Diana nang sumapit ang gabi. Tumango na lang ako bilang tugon kaya kahit labag sa loob ay sumunod na lang din ako.
Kumuha lang ako ng isang kulay pink na sleeveless dress sa closet ni Dalia. Iniwan ko lang na bagsak ang buhok ko at naglagay lang ng light make-up sa mukha.
Hays, paano ko ba siya haharapin mamaya dahil sa nangyari kanina. Paniguradong galit siya sa 'kin at mas lalong sumama ang tingin niya kay Dalia.
"Ang tanga mo talaga!" Hilamos ko sa sariling mukha dala ng inis dahil sa ginawa. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng katok na nagmumula sa pinto ng kwarto ko kaya mabilis akong napatingin dito.
"Loser! Labas na!" Pagalit pang isinigaw ni Denise sabay iwan ng pagdabog sa pinto na nagpaikot sa mata ko.
Nakakainis talaga ang babaeng 'yon, bukod sa character ni Xavier inis din ako sa character niya.
Bumuntong hininga pa muna ako bago ayusin ang sarili, nang mapagtantong ayos na ang lahat ay mabilis na akong lumakad palabas sa kwarto, tanging shoulder bag lang ang tangi kong dala, sa loob no'n ang importante kong mga gamit katulad ng cellphone.
"Let's go, nandoon na raw sila." Dinig kong saad ni Mr. Martinez sa kaniyang asawa pagkababa ko.
Hinawakan ako ni Mrs. Diana sa braso, habang nasa unahan naman sila Mr. Martinez at Denise na kekembot-kembot pa.
Ang arte talaga.
Ilang saglit pa ang lumipas ay nakasakay na kami sa loob ng kotse na siyang mina-maneho ni Mr. Martinez papunta sa kung saan. Parehong nasa labas lang ng bintana ang paningin namin ni Denise, may malaking espasyo sa gitna namin na para bang ikakamatay niya kung madidikit sa 'kin.
"Siya nga pala Dalia, pinapatanong ng Tita Xyla mo kung kamusta ang performance ni Xavier sa school." Tanong ni Mrs. Diana kaya napatingin ako sa harapan.
Kumusta? Tsk, bukod sa pasaway at tamad siyang estudyante, nakakaasar din siya.
Tumikhim ako. "A-ayos naman po Mom." Pagsisinungaling ko sa kaniya, hindi ko makita kung ano ang naging reaksyon niya dahil nakaupo siya sa passenger seat kung saan nasa harap ko.
BINABASA MO ANG
Into the Other World (COMPLETED)
Roman d'amourThere is a world that is created by a person's mind, the world of fiction that is only made by an imagination. This is one where other things become possible, but is it also possible for this fiction to happen in the life of Athena Diaz? Athena, ha...