Athena's POV
Lumipas ang ilang araw, dumating ang araw ng practice para sa cotillion namin. By section ang nangyari, panghuli kami kaya hapon na kami nakarating sa likod ng school kung saan nakapwesto ang pinaka-venue ng prom. Kasing laki 'to ng gym ng school pero hindi ako mapaniwala na meron silang ganito na para lang talaga pag-ganapan ng prom.
Tahimik lang kami ni Xavier na nakatayo sa pwesto naming dalawa habang pinagmamasdan ko naman ang ibang mag partners na halatang nagkakatuwaan.
Nakita ko pang nag-uusap si Lira at Ervin na bakas ang ngiti sa labi.
"Hayst, kung alam lang nilang magkakaanak din sila sa huli." Iiling-iling na bulong ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Sinong magkakanak?" Mabilis akong napalingon kay Xavier nang bigla siyang magsalita.
Normal lang naman ang emosyon niya sa mukha at walang halong pang-iinis pero bakit ganoon? Kaagad kumukulo ang dugo ko sa kaniya.
"Sabi ko maaga kang magkakanak!" Inis na sagot ko sa kaniya bagay na ikinatawa niya pa.
Aba't nagawa niya pang matuwa? Palibhasa manyakis!
"Woah, don't tell me gusto mo agad na anakan kita?" Malakas siyang tumawa pagkasabi no'n dahilan para mapalingon sa 'min ang ilan.
Ramdam ko ang pagsalubong ng kilay ko dahil sa sinabi niya, gusto ko pang upakan ang mukha niya dahil doon.
"Anong sabi mo?!" Inis ko talagang tanong sa kaniya dahilan para unti-unti siyang huminto kakatawa sabay tikhim.
"Tsk, sungit."
Napairap na lang ako sa kawalan dahil laking pasasalamat kong napigilan ko pa ang sarili kong 'wag siyang masapak dahil kung hindi bulagta na siya sa kinatatayuan niya.
Binaling ko naman ang paningin ko kay Damon na ngayon ay todo na ang ngiti sa babaeng ka-partner na halos mangamatis na sa sobrang pula ang dalawang pisngi.
Hay..ako dapat ang pinagpupulahan ng pisngi dahil sa kaniya, eh! Ako dapat ang nasa harap niya ngayon..ako dapat ang kapartner niya!
Napabuntong hininga na lang ako at mabilis na iniwas sa kanila ang paningin ko dahil kanina pa ako kinakain ng selos sa kinatatayuan ko.
Ilang minuto pa ang lumipas, sa loob ng ilang minutong 'yon ay hindi kami nagpansinan dahil nakatanga lang kami sa ibang magpartners.
"Sorry I'm late class, hindi ko kasi nahagilap ang magtuturo sa inyo." Sabi ng adviser sa 'min pagkarating niya. Maya-maya pa ay may sumulpot na babaeng hindi katangkaran ang lumakad papunta sa harapan namin.
Nakapwesto kasi kami ni Xavier sa pinaka-gitna dahil magfianceè naman daw kami. Gusto ko pa nga silang sigawan sa inis dahil masyado na silang madaming nalalaman.
Pagkatapos ng mahabang pagpapakilala ay sinimulan nang i-play ni Ms. Cora ang tugtog sa speaker. Kasalukuyan na rin kaming magkaharapan ni Xavier pero nasa kung saan lang ang tingin ko.
"Alam niyo naman siguro or may idea naman kayo sa pagsasayaw sa prom, right?" Tanong niya kaya mabilis kaming nagsitanguan. "Okay good, now girls ilagay niyo sa balikat ng partners niyo ang dalawa niyong kamay."
Jusko, kaya ko ba 'to? Nakakainis! Nakakahiya nawawala ang pagiging suplada ko kay Xavier nito!
BINABASA MO ANG
Into the Other World (COMPLETED)
RomanceThere is a world that is created by a person's mind, the world of fiction that is only made by an imagination. This is one where other things become possible, but is it also possible for this fiction to happen in the life of Athena Diaz? Athena, ha...