Athena's POV
Habang patagal yata ako nang patagal dito ay mas lalo akong nauubusan ng lakas. Natatakot ako dahil may mawala nanaman ngayong araw.
"Tara! Dali at baka late na tayo sa game ng fiancè mo, Dalia!" Excited na anyaya sa akin ni Faith nang mag-uwian na.
Pilit lamang akong ngumiti bago magpatianod sa kaniyang hila. Hindi ko maiwasang tingnan siya habang naglalakad kami palabas ng building.
Hindi na rin niya maalala si Lira..
Agad akong nag-iwas nang maramdaman nanaman ang pagkirot ng dibdib ko, hindi ako sanay na wala na si Lira. Hindi ako sanay na kaming dalawa lang ni Faith ang palaging magkasama.
"Hey? Dalia?" Mabilis akong natauhan nang marinig ang pagtawag sa akin ni Faith. "A-are you crying?" Naguguluhan niya pang tanong dahilan para mabilis akong mag-iwas.
Agad akong napahawak sa aking pisngi, agad ko ring nakompirmang may luha nga roon.
"Are you alright? Tell me what's the matter.." Nag-aalala niyang tanong sa akin bago hawakan ang dalawang kamay ko.
Yumuko ako bago umiling nang bahagya. "W-wala, may pumasok lang bigla sa mata kong alikabok." Pagsisinungaling ko sa kaniya ngunit nabigo akong kombinsihin siya.
"You're lying to me, Dalia. Ano nga? May umaway ba sa 'yo? Inaway ka ba ni Xavier?" Nagbabanta na niyang tanong sa akin habang pilit hinuhuli ang paningin ko.
Tumawa ako nang bahagya bago siya tuluyang tingnan dahil paniguradong hindi siya titigil.
"I'm not lying, Faith. Don't worry, ayos lang talaga ako. Tsaka..ako? Tatangkain nilang awayin?" Umiling ako dahilan nang pagbuntong hininga niya. "Hindi rin ako inaway ni Xavier kaya tara na at baka nag-start na 'yung game." Ngumiti ako sa kaniya ng bahagya bago hatakin siya patungong gym.
"You're not telling me what's going on, Dalia. May namamagitan na ba sa inyo ni Xavier for real?"
Saglit akong natigilan sa tanong niyang 'yon.
Meron na nga ba? Hindi pa kami umaamin sa isa't-isa kahit halata rin naman nang gusto namin ang isa't-isa.
Marahan akong umiling. "Wala pa.."
"Wala..'pa'?" Nanunuya niyang tanong dahilan para bahagya akong matawa. Inilingan ko na lamang 'yon hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa gymnasium.
Sumalubong sa amin ang hindi mabilang na estudyante. Nakita rin namin na nag-uumpisa na ang laro kaya agad kaming sumiksik ni Faith sa grupo ng mga tao para makahanap ng upuan. Mabuti na lang talaga at malaki ang gymnasium kaya marami-rami pa ang bakanteng mga upuan.
"It's Xavier!" Turo ni Faith sa loob ng court nang makaupo na kami sa bench. Sakto lang ang lapit namin sa mismong court dahil nasa bandang itaas kami. Ang iba ay nasa gilid mismo ng court para makita nang maayos ang mga players na inaabangan.
Bahagya akong napangiti nang makita si Xavier na animo'y may hinahanap. Gusto ko pang kumaway sa kaniya ngunit impossibleng makita niya ako. Nakasuot na siya ng kulay pulang jercey, may suot din siyang headband para sa dulo ng kaniyang buhok na tumatama minsan sa kaniyang mata, nakita ko rin ang knee pad at arm pad na parehong puti na suot din niya.
"GO XAVIER!! GO NATHAN!!" Hindi ko inaasahan na isisigaw 'yon ni Faith, dahil nag-echo yata ang kaniyang boses ay mabilis napabaling sa amin sila Xavier na siyang kausap na ng coach.
BINABASA MO ANG
Into the Other World (COMPLETED)
RomanceThere is a world that is created by a person's mind, the world of fiction that is only made by an imagination. This is one where other things become possible, but is it also possible for this fiction to happen in the life of Athena Diaz? Athena, ha...