Athena's POV
Ilang araw na ang nagdaan matapos nung nangyari sa 'kin. Nakakatakot talaga, akala ko pa naman matetegi na ako sa mundong 'to, ang nakakapagtaka lang paanong tumagos ang bala sa katawan ko.
Posible kayang immortal ako sa mundong 'to?
"Are you okay, Anak? Mukhang malalim ang iniisip mo ah." Natauhan ako dahil sa sinabi ni Mrs. Diana, kasalukuyan kasi kaming kumakain ng umagahan dito sa dining table.
"Is there any problem, Sophien?" Tanong naman ni Mr. Martinez kaya mabilis akong umiling sa kanila.
"Ayos lang ho ako."
Mabilis ko na lang na tinapos ang pagkain na nasa harapan ko. Sa ilang buwan kong pag-stay rito sa loob ng fictional world nasanay na rin ako sa mga araw-araw na ginagawa ko.
"Una na ho ako, salamat po sa masarap na pagkain!" Nagmamadali kong paalam sabay hablot sa bag na nakapatong sa cabinet na nandito sa dining area nang matapos kumain.
Pagkalabas, diretsyo na akong sumakay sa kotse na nakaparada sa labas kaya dali-dali na rin itong pinaandar ni Manong Lito na siyang nakasanayan ko na ring makita tuwing may pasok.
"Siguradong pagtatawanan ako ni Farrah kapag sinabi ko sa kaniya lahat ng 'to." Natatawang bulong ko habang nakatingin sa labas ng bintana. May ngiti sa labi ko pang binuksan ang bintana ng kotse dahilan para malanghap ko ang sariwang hangin.
Lalo akong nakaramdaman ng tuwa habang pinagmamasdan ang mga punong nadadaanan namin na nakahilera sa gilid.
Ang lawak pala talaga ng imahinasyon ng author ng kuwentong 'to, siguradong pagtatawanan niya rin ako sa oras na sabihin ko sa kaniyang nandito ako sa loob ng imahinasyon niya.
"Salamat po sa paghatid!" Masiglang usal ko bago lumabas ng kotse.
Ito nanaman ang mga estudyanteng nakakasalubong ko pagpasok ng campus. Hawak-hawak ko ang strap ng bag ko hanggang sa makarating sa tapat ng pintuan ng classroom.
Ngumiti ako sabay ayos sa sarili bago tuluyang pumasok sa loob dahilan para maabutan ko ang mga kaklase kong naghaharutan.
"Good morning, Dalia!" Masayang bati pa sa 'kin ng dalawa kong kaklaseng lalaki na naghaharutan.
"Good morning." Bati ko rin pabalik dahilan para lalo silang mapangiti, nag-iwas ako ng tingin bago bumaling sa upuan ni Damon. Ramdam ko ang pag-angat ng sulok ng labi ko nang makita si Damon na seryosong nagbabasa sa hawak niyang libro.
Akma ko na sana siyang babatiin ngunit mabilis siyang dumukdok sa lamesa niya dahilan para mapasimangot ako ng bahagya bago magpasyang lumakad papunta sa upuan ko.
"Good morning, Dali!" Bati sa 'kin ni Faith.
"Morning, Dalia." Ngiti ni Lira.
Hindi na ako natatakot na harapin sila dahil nabanggit sa 'kin ni nurse fairy na nabura na niya ang ala-ala nila Lira. Ewan ko ba kay nurse, nalingat lang ako saglit nawawala na agad kaya hindi humahaba ang usapan naming dalawa.
"Good morning sa inyo." Bati ko rin sa kanila.
Habang wala pang dumadating na teacher ay mabilis kong inilabas ang mga gamit ko. Naglabas lang ako ng isang notebook at dalawang ballpen, maging ang libro ko sa science ay inilabas ko rin dahil 'yon ang subject namin.
"May field trip daw next day ah?" Natigilan ako dahil sa narinig galing likuran. Tumikhim ako at nagkunwaring hindi nakikinig.
"Really?" Parang bored pang tanong ng demuho na tinawanan ni Nathan dahil siya ang nag-sabi. "Nate, alam mo namang halos lahat ng bansa napuntahan ko na kaya wala na akong hilig sa mga ganiyan." Mahangin niyang dagdag dahilan para mapaismid ako.
BINABASA MO ANG
Into the Other World (COMPLETED)
Roman d'amourThere is a world that is created by a person's mind, the world of fiction that is only made by an imagination. This is one where other things become possible, but is it also possible for this fiction to happen in the life of Athena Diaz? Athena, ha...