Athena's POV
Wala pa rin akong gana kinaumagahan, matamlay akong kumain ng breakfast kasama sila Mrs. Diana na mabilis din napansin ang inaakto ko.
"Are you okay anak?" Nag-aalala niya pang tanong sa akin.
Pilit akong ngumiti sa kaniya bago tumango ng marahan. "Opo, ayos lang ako."
Kumain lamang ako ng tahimik kahit pa nag-uusap sila ni Mr. Martinez. Hindi ko mapigilang panoorin silang dalawa, nakakalungkot mang isipin na pareho lang din silang supporting character sa kwentong 'to.
"Pasok na po ako."
"Bye, take care anak." Paalam sa akin ni Mrs. Diana ngunit napatingin naman ako kay Mr. Martinez nang bigla siyang kumuha ng pera sa kaniyang wallet bago ilahad sa akin.
Ngumiti siya. "Idagdag mo sa allowance mo." Aniya pa, marahan naman akong lumapit sa kaniya bago tanggapin 'yon.
"T-thank you po, Daddy." Nakangiting sabi ko kaya mabilis niya akong tinanguan. Agad na akong naglakad palayo sa kanila bitbit na ang bag.
Grabe? 2000 talaga allowance ni Dalia?
Maingat ko pang inilagay ang pera sa wallet ko bago magpatuloy sa paglalakad palabas ng gate ng bahay ngunit sakto namang pagsara ko rito ay agad sumalubong sa akin ang pagmumukha ni Xavier.
Nangunot ang noo niya. "Tagal mo naman?"
Ang aga-aga ang sungit niya.
"Sino bang nagsabi sa 'yo na sunduin mo ako?" Mataray ko ring tanong sa kaniya dahilan para mapailing ang demuho.
Mabilis niya akong pinagbuksan ng pinto ng kaniyang kotse kaya agad na rin akong pumasok doon. Inilagay ko sa hita ko ang bag ko habang hinihintay rin siyang makapasok.
"Nakita mo na ulit si Damon?" Tanong ko sa kaniya pagka-upo niya sa driver seat.
Seryoso siyang nagsimulang magmaneho habang ang paningin niya ay diretsyo lamang sa daan.
"Not yet, hindi namin siya ma-contact ni Nathan. Sinubukan din namin siyang puntahan sa kanila pero wala siya roon kaya paniguradong nagtatago si Damon." Sagot niya dahilan para matigilan ako.
Hindi ko maiwasang malungkot para kay Damon, ang bait-bait ni Damon.. hindi ko aakalain na ganito ang mangyayari sa kaniya nang dahil sa akin.
Ibinaling ko naman ang paningin ko sa labas ng bintana ng kaniyang kotse ngunit mabilis kong narinig any pag-ring ng phone ko, phone ko na mabuti na lang at nahanap ni Xavier lalo pa at ang dami kong pictures dito na ipapakita ko kay Farrah sa oras na makalabas ako rito.
"Hello Lira?" Sagot ko sa kaniyang tawag ngunit ilang segundo siyang hindi lumikha ng ingay.
"H-hello--"
"Athena.." Mabilis akong natigilan nang marinig ang garalgal niyang boses na mabilis ding nasundan ng mga hikbi dahilan para magsimula akong makaramdam ng pag-aalala.
"A-anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya, hindi nakaligtas sa paningin ko ang naging pagsulyap sa akin ni Xavier.
"Athena..w-wala na si Ervin..wala na siya.." Lumakas ang kaniyang hagulgol ngunit mabilis binalot ng takot at kaba ang buong sistema ko dahil sa kaniyang sinabi.
Anong wala na si Ervin?
Tumikhim ako para pawiin ang nagbabarang lalamunan. "A-ano bang sinasabi mo Lira? Anong nangyari kay Ervin?" Hindi ko na ininda pa ang paglakas ng boses.
BINABASA MO ANG
Into the Other World (COMPLETED)
RomansThere is a world that is created by a person's mind, the world of fiction that is only made by an imagination. This is one where other things become possible, but is it also possible for this fiction to happen in the life of Athena Diaz? Athena, ha...