Athena's POV
"Oh Lord! Irereklamo ko talaga ang adviser niyong dalawa! Look the two of you! Basang-basa kayo! At baka magkasakit pa kayo!" Sigaw pa ni Mrs. Diana nang makarating kami sa bahay, kasama ko si Xavier na ngayon ay pinupunasan din ang sarili gaya ko.
"Manang! Padala nga rito ng hot chocolate, samahan mo na rin ng cookies!" Dagdag ni Mrs. Diana.
Hinubad ko ang sapatos ko sumunod ang medyas ko, hindi ko pa napigilan ang sarili kong pigain ang medyas kong basang basa.
"Yuck! Kadiri ka naman!" Nandidiri nanamang komento ni Xavier pero hindi ko siya pinakinggan hanggang sa itabi ko ang sapatos at medyas sa gilid habang ginagalaw-galaw ang mga daliri sa paa.
"Ang arte mo naman, fyi malinis paa ko 'no." Singhal ko sa kaniya pero ngingiwian niya lang ako habang tinatanggal naman niya ang suot niyang necktie.
Maya-maya pa ay muling lumapit sa 'min si Mrs. Diana na galing sa kung saan. "Xavier, dito ka na lang muna mag-stay, okay? Habang hindi pa tumitila ang ulan."
"Okay, Tita."
Sakto namang dumating na si Manang na ngayon ay inilalapag na ang tray na may lamang dalawang tasa ng hot chocolate at isang baunan ng cookies na mabilis kong sinunggaban.
"Anak, magbihis na muna kayo ni Xavier at baka magkasakit kayo. Mamaya na 'yan." Pananaway ni Mrs. Diana. Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nag-aalalang nakatingin pa sa 'kin.
Hays, sige na nga. Kaya ko pa namang tiisin ang gutom ko, oo gutom na gutom ako dahil halos kalahating oras akong--kaming tumayo ni Xavier sa gitna ng ulan.
"Sige po."
Ngumunguya-nguya pa akong tumayo sabay pag-pag sa kamay na may bahid ng durog na cookies.
Dumiretsyo na ako paakyat sa hagdan papunta sa kwarto, pinunasan ko na muna ang sarili ko bago magbihis ng pambahay, pagkatapos no'n ay agad akong nag-ayos ng sarili pero mabilis akong natigilan.
"Bakit nga ba ako nag-aayos?" Nalilito ko pang tanong bago padarag na binaba ang hawak na hair brush. Ginulo-gulo ko ng kaunti ang buhok bago tuluyang bumaba muli.
"Hoy, puwede ka nang magbihis." Tawag atensyon ko sa demuho na ngayon ay busy sa kakadutdot sa kaniyang phone. Saglit niya akong binalingan habang papaupo naman ulit ako sa sofa para makakain na rin ng cookies.
"Later, 'di pa dumadating yung inorder ni Tita sa 'kin na damit."
Wow, order? Napaka-special naman pala niya.
Hindi na lang ako nagsalita dahil wala rin naman akong ibang masasabi kaya napuno ng katahimikan sa buong pagitan namin hanggang sa siya na ang unang bumasag no'n.
"Bakit mo nga pala inako ang kasalanan ni Ms. Centino?"
Napasulyap ako sa kaniya ng bahagya. "Dahil gusto ko..wala namang masama roon hindi ba." Sagot ko na nagpasinghal sa kaniya.
"Ang sabihin mo nagmamatapang ka lang, ang dami mong alam iiyak ka rin pala." Sarkastikong untag niya na nagpasalubong ang kilay ko.
"Nahiya naman ako sa 'yo 'no, ikaw nga diyan may nalalaman pang pababa-baba." Singhal ko rin na ikinangiwi niya sabay iling bago higupin ang natitirang hot chocolate na nasa tasa niya.
BINABASA MO ANG
Into the Other World (COMPLETED)
Roman d'amourThere is a world that is created by a person's mind, the world of fiction that is only made by an imagination. This is one where other things become possible, but is it also possible for this fiction to happen in the life of Athena Diaz? Athena, ha...