Chapter 29

969 39 0
                                    

Athena's POV

Makalipas ang linggo ay umayos na rin naman ang paa ko. Bumalik na ulit sa dati pero masyado akong takot sa presensya ni Damon! Kahit pa minsan na lang siya pumasok ay hindi pa rin ako mapalagay pero kahit ganoon, hindi ko maiwasang malungkot dahil para sa akin, ako ang sumira sa pagkakaibigan ng apat. Mabuti na lang at napigilan ko si Xavier na isiwalat kila Nathan ang ginawa ni Damon sa takot na baka lumala ang sitwasyon.

"Hintayin mo ako, ako ang maghahatid sa 'yo mamayang uwian." Bilin pa sa akin ni Xavier nang dumating ang recess bago sumama sa mga kaibigan niyang hinihintay siya sa labas ng room para maglaro ng basketball.

Napailing na lamang ako bago ibalik sa loob ng bag ang nagamit, habang sila Lira at Faith naman ay lumapit sa akin.

Tumikhim si Faith. "So..you like him again?" Nanunuya niya pang tanong dahilan para matigilan ako.

Hindi ko na rin naman itatanggi na wala akong gusto kay Xavier, dahil sa bawat ginagawa niyang kabutihan sa akin ay mas lalong nagpapalala sa nararamdaman ko para sa kaniya na hindi ko inaasahang impossible pala!

"I knew it, gosh! Ang rupok mo talaga. Wala ka talagang isang salita, Dalia." Nang-aasar ding sabi ni Lira na nakaupo sa desk ko.

Kinagat ko ang labi ko bago tumayo, tapos ko na ring ibalik sa loob ng bag ko ang mga gamit.

"Let's go, nagugutom na ako." Buntong hininga ko bago magpauna sa paglalakad palabas ng classroom. Agad din naman silang nakahabol bago isukbit ang kanilang kamay sa magkabila kong braso dahil napapagitnaan na nila ako.

"I'm not sure kung pinaglalaruan ka lang ni Xavier, but how I wish he's serious this time." Ani lira ngunit ang paningin ko ay nasa harapan.

Palihim akong napangiti nang maalala kung paano niya ako alagaan noong time na naligaw kami, at kung paano rin siya mag-alala sa akin.

"Ano kayang nangyari kay Damon? Hindi ko na siya nakikitang pumasok, ah? Hindi na rin siya kasama nung tatlo." Muntik pa akong masamid sa binuksang topic ni Lira nang tuluyan kaming makabili ng pagkain at makapwesto rito sa cafeteria.

Napayuko ako bago kumuha ng fries sa harapan.

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang naging pagtango ni Faith. "I agree, baka naman nag-away sila? Gosh, poor Damon." Aniya pa sabay buntong hininga.

"Hindi ka ba nag-aalala kay Damon, Dalia? I thought you like him?" Mabilis akong nag-angat kay Lira na bahagyang inaayos ang suot na salamin sa mata. "I mean, dati." Dagdag niya pa.

Dati..hindi ako makapaniwalang nagustuhan ko siya dati!

Pilit akong ngumiti. "Nag-aalala rin naman ako..p-pero baka nagpapalamig lang kung sakaling nag-away sila nila Xavier." Pilit ko ring sagot dahilan para mapatango siya.

Nagpatuloy kami sa pagkain ngunit nang matapos ay nagpasya kaming manood sa gymnasium dahil malayo pa naman ang time.

Mabilis hinahanap ng paningin ko si Xavier na ngayon ay pawisan na habang pilit inaagaw ang bola ngunit mabilis akong napangiti nang palihim nang mabilis niya 'tong maagaw bago mabilis na tumakbo palapit sa ring, matapos no'n ay mabilis siyang nag-dunk. Tumatakbo pa siyang lumapit sa mga kakampi para makipag-apir.

"POGI MO XAVIER!"

"I LOVE YOU XAVIER!"

Ilan 'yan sa mga hiyawan ng mga babae na nanonood din.

Into the Other World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon