Chapter 16

1.7K 61 7
                                        

Athena's POV

"..dahil may isang tao nang nakakaalam kung ano ang tunay mong pagkatao.."

Mabilis kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.

P-paanong may nakaalam? Nagkulang ba ako sa pag-iingat?

"P-pero sino, nurse?"

"Hindi ko puwedeng sabihin sa 'yo." Sagot niya na nagpakunot sa noo ko.

Hindi puwede 'to. Dahil sa taong 'yon, mauudlot pa ang pag-uwi ko sa totoong mundo ko. Dahil sa taong 'yon, mananatili pa ako sa mundong 'to nang matagal.

"A-anong puwedeng gawin para..para makauwi ako? Hindi ba puwedeng..gamitin niyo 'yung powers mo, nurse? Diba n-nagawa mo na dati 'yon noon kay Lira?" Umaasang sabi ko sa kaniya pero tanging buntong hininga lang ulit ang naisagot niya bago tumayo dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Umuwi ka na," Ngumiti siya sa 'kin nang pilit. "'Wag kang mag-alala, Athena. Ako ang nagdala sa 'yo sa mundong 'to kaya ako rin ang mag-uuwi sa 'yo sa mundo mo. Mag-usap na lang ulit tayo sa susunod na araw." Dagdag niya bago lumakad palabas ng office at iwan ako.

Napasapo na lang ako sa sariling mukha dahil sa pagkadismaya. Ang takot din sa loob ko ay unti-unting nabubuhay dahil naalala ko lahat ng mga sinabi noon sa 'kin ni nurse.

Sino naman kaya ang nakakaalam sa tunay na pagkatao ko?

Hindi naman si Faith dahil malakas ang kutob kong wala siyang nalalaman. Hindi kaya si Lira? Hayst pero binura noon ni nurse fairy ang ala-ala niya noon tungkol sa nalaman sa 'kin, pero malaki ang chance na bumalik o nahalata niya ulit ako.

Saglit pa akong napaisip bago tumayo at lumakad na rin palabas. Ang isip ko ay masyadong naglalakbay kakaisip sa kung sino ang tinutukoy ni nurse fairy.

Saglit akong napahinto ng pumasok sa isip ko si Damon.

Hindi, malabo.

Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga bago tuluyang maglakad palabas ng hospital. Second floor lang naman kasi ang office ni nurse kaya hindi na kailangang mag-elevator.

Saktong pagkalabas ko sa loob ng hospital ay agad kong ginala ang paningin ko para maghanap ng taxi na masasakyan pauwi.

Hayst, may problema pa pala ako.

"Bakit ba naman kasi palala nang palala ang sakit sa ulo ng Xavier na 'yon." Nakabusangot kong bulong sa sarili.

"Dalia!" Mabilis kong inilibot ang paningin ko nang may marinig na tumawag sa pangalan ko pero wala naman akong nakita na kakilala kaya pinagpatuloy ko ang pag-aabang ng taxi.

Namamalik tenga lang ba ako?

"Dalia Sophien!" Muli kong inilingon ang paningin ko dahil nanaman sa narinig na tumawag sa pangalan ko.

"Kainis sino ba 'yon--oh?! Damon!" Gulat kong usal nang mamataan si Damon na kumakaway sa 'kin habang nasa tapat ng kotse niya.

Mabilis gumuhit ang ngiti sa labi ko bago tumakbo papalapit sa kaniya kaya humahangos akong tumigil nang tuluyang makaharap siya.

"B-bakit ka nandito?" Tikhim ko sabay iwas ng tingin dahil sa nakakatunaw niyang titig.

Into the Other World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon