Chapter 10

2.5K 81 3
                                        

Athena's POV

Pagkarating sa school ay kaagad nahagip ng mata ko si Damon na ngayon ay pababa ng kotse niya. Naramdaman ko ang init na dumaloy sa pisngi ko habang pinipigilan ang nagkukumawalang ngiti sa labi.

Siguro naman hindi na niya matandaan 'yon ano?

Akma ko na sana siyang tatawagin pero huli na dahil nakita na niya ako. Gumuhit agad ang ngiti sa labi niya sabay takbo ng bahagya palapit sa 'kin.

Nakakakilig! Siya pa talaga ang unang lumapit sa 'kin.

Kumaway siya kahit pa nasa harapan ko na siya. "Good morning."

Talagang maganda ang morning ko lalo pa't ikaw ang unang bumangad sa 'kin 'no.

"G-good morning." Pigil ngiti kong bati. Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya pero hindi na siya umimik pa, panay tuloy ang naging pagsulyap ko sa kaniya, pansin ko ang ngiting hindi na yata mawala sa labi niya.

Grabe, sobrang bango niya pala talaga lalo na sa umaga. Ang ganda ng ayos niya at masasabi mong isa talaga siyang matino at disenteng estudyante ng paaralang 'to.

"Nakatulog ka ba nang maayos?" Tanong niya habang papasok pa lang kami sa campus. Napahinto naman ako nang huminto rin siya.

"Oo naman, ikaw ba?" Tanong ko sa kaniya, pinilit magtunog normal ang boses.

Unti-unting lumaki ang ngiti sa labi niya, nagbaba agad ang paningin ko sa kamay niyang nakahawak na ngayon sa kamay ko.

"Oo naman, lalo na dahil inamin mong gusto mo pala ako, Dalia."

Parang may matigas na bagay ang tumama sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Wala sa sariling napaatras ako sabay agaw ng bahagya sa kamay kong hawak niya na hindi niya ininda dahil mabilis niya 'tong hinabol at muling hinawakan.

Kumunot ang noo niya. "May..problema ba Dalia?" Kahit nagtataka ay bakas pa rin ang ngiti sa labi niya.

Mabilis naman akong napaisip. Paano niya naalala 'yon? Paano? 'Di ba dapat hindi na niya maaalala 'yon? Panong..panong ganito ang nangyari?

Tumingin ulit ako sa kaniya, ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita ay mabilis akong napa-ubo dahil sa nalanghap na usok, napabitaw rin sa 'kin si Damon habang winawasiwas ko naman sa ere ang kamay ko dahil sa kapal ng usok na ibinuga yata talaga sa mukha ko.

"What the?" Dinig kong ani ni Damon.

Napapaubo akong umatras, hindi naman nagtagal ay nawala na ang makapal na ako usok na ibinato sa 'kin.

Bwesit, gawin daw bang hangin ang mukha ko.

Mabilis kong hinanap ang may sala, hindi na nga ako nagtaka pa dahil nakita ko si Xavier na papaalis sa sakay niyang motor, nakita kong tinanggal niya ang helmet na suot sabay suklay sa nagulong buhok.

"Xavier!" Sigaw ko sabay lapit sa kaniya, napalingon naman siya sa 'kin dahilan para kumunot ang noo niya.

"Oh? Akala ko ba iiwasan na natin ang isa't-isa simula ngayon?" Ngumisi siya sabay lapag ng hawak na helmet sa nakaparadang motor niya. "Ganoon mo na ba talaga ako kagusto kaya hindi mo matiis na hindi ako lapitan?"

Nagsalubong lalo ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Totoo ba ang lahat nang nakikita ko? 'Di ba dapat masaya siya sa ginagawa kong paglayo sa kaniya? 'Di ba dapat..tinutulak niya ako palayo sa kaniya pero bakit ganito ang lahat ng mga kinikilos niya na kabaliktaran sa ginagawa niya sa libro?

Into the Other World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon