Athena's POV
Hindi ko pa rin alam kung paano isisink-in lahat sa isip ko ang lahat ng mga nalaman. Pagkagising ko, naging tulala na lang ako dahil hindi ko malaman kung anong gagawin ko.
Nasa loob talaga ako ng..libro.
Pinakatitigan ko naman ang nanay ni Dalia na ngayon ay busy sa pag-asikaso ng pagkain para sa 'kin.
Si Mrs. Diana Ross Martinez. Mahal na mahal niya si Dalia kahit pa saksakan ang anak niya ng pagkamataray at pagkabugnutin. Galing din sa mayamang pamilya si Mrs. Diana, at pagmamay-ari niya rin ang halos twelve na branches ng boutique sa buong pilipinas.
Kaya hindi nakakapagtaka na ang gaganda ng mga suot niya.
Bumaling naman ako kay Mr. Lorenzo Martinez, ang daddy ni Dalia. Isang CEO ng kompanya na pagmamay-ari rin niya na siyang pinag-aagawang kompanya rin ng dalawang babaeng anak niya. Siya rin ang dahilan kung bakit natali sa arrange marriage ang anak niyang si..Dalia.
Huminga ako nang malalim dahil hindi talaga ako makapaniwala na nasa harap ko ngayon ang dalawang magulang ng bidang si Dalia rito sa loob ng libro kung saan ako napadpad.
Hinawakan at kinurot ko ng bahagya ang dalawang pisngi ko. "Hindi kaya na-comatose lang ako dahil sa pagkakalunod kaya nandito ako sa loob ng panaginip ko?"
Muntik pa akong mapasigaw dahil sa pagdiin ko ng kurot sa dalawang pisngi ko dahilan para mabilis ko 'tong haplos-haplusin.
Sakit.
"Anak, kumain ka na muna." Maya maya'y ani ni Mrs. Diana sabay lapit ng hospital bed dining table kung saan may nakapatong ng pagkain.
"Salamat po..Mrs. Diana--este M-mommy." Bahagyang sagot ko dahilan para muling lumitaw sa mukha niya ang gulat na ekspreyon. Nagkatinginan pa sila ni Mr. Lorenzo na ngayon ay malaki na ang ngiti sa labi habang nakatingin sa 'kin.
Kilala nga pala nila si Dalia na isang spoiled brat at hindi marunong magpasalamat dahil sa taas ng pride niya.
"Go, eat your food."
Sumunod din naman ako sa sinabi niya dahil ramdam ko na rin ang gutom na ngayon ko lang naramdaman nang makita ang pagkain na inihanda ni Mrs. Diana.
Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay napatingin kami sa pinto nang biglang bumukas 'to. Pumasok ang ate ni Dalia kasunod ang dalawang lalaki na si--
Mabilis akong nabulunan dahil sa kinakain dahilan para mabilis din akong abutan ni Mrs. Diana ng tubig na kaagad kong ininom.
Humahangos akong napatingin sa dalawang lalaki na si Ervin at Nathan na siyang kaibigan ni Damon at ng--argh epal na si Xavier!
"Are you okay, Dalia?" Nag-aalalang tanong ni Mr. Lorenzo sa 'kin pero napako ang paningin ko kila Nathan at Ervin habang nakaawang pa ang bibig dahil sa gulat at pagkamangha.
Jusko..t-totoo ba ang lahat ng 'to?!
"Uh, tita? What's happening to her?" Naguguluhang tanong ni nathan kay Mrs. Diaz habang nagtatakang nakatingin sa 'kin, ganoon din ang reaksyon ni Ervin.
Nathan Valdez, pinakamatalino sa kanilang apat at isang school heartthrob sa Gordon High Campus. Student athlete at malapit din kay Dalia.
Isa rin siya sa mga crush ko!
Ervin Lloyd Flores, mabait pero masungit. Isa rin siyang cold hearted guy sa kanilang apat pero mapagkakatiwalaan din naman. Katulad ni Nathan, isa rin siyang school athlete at isa rin sa matalinong estudyante sa batch nila.
BINABASA MO ANG
Into the Other World (COMPLETED)
RomantizmThere is a world that is created by a person's mind, the world of fiction that is only made by an imagination. This is one where other things become possible, but is it also possible for this fiction to happen in the life of Athena Diaz? Athena, ha...