"Hey! You're so slow, Xave! Hinihintay ka na nila Damon." Reklamo sa akin ni ate pagkababa ko ng hagdan bitbit na ang helmet na kulay itim.
Sinuklay ko ang buhok ko bago siya tingnan ng sarkastiko na ngayon ay naglalagay ng pang kulot sa buhok niya. "Pupunta ka bukas sa book signing nang ganiyan, ate? Palitan mo na 'yang highlights mong kulay pula, hindi bagay sa'yo." Pang-aasar ko dahilan para mabilis niya akong tingnan ng masama sabay hawak sa kaniyang buhok.
"Tumigil ka ah? Pasalamat ka nga at pagmumukha mo ang ginamit ko sa illustration ni Xavier." Mataray niyang sabi.
Suminghal ako. "Yeah right, kaya pati si Damon, Nathan, at Ervin napagdiskitahan mong isali sa story na ginawa mo." Iling ko pa sa kaniya bago tuluyang maglakad palabas ng bahay.
"Tse! At least mas sumikat sila dahil doon!" Sigaw niya ngunit kumaway lamang ako sa kaniya habang nakatalikod. "Bumalik ka kaagad! May pupuntahan tayong lamay! Isama mo rila Damon!" Dagdag niya bago ako tuluyang lumakad patungong garahe.
"Yes baby." Ngumisi ako bago tapikin ang upuan ng aking motor, isinuot ko na ang helmet ko bago sumakay roon. Agad ko na itong ini-start.
Nag-aya kasi bigla ang tropa na mag-rides ngayong gabi. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-ride kaya sasamantalahin ko na.
Agad ko itong pinaandar palabas, pinagbuksan ako ng gate ng guard namin bago ko 'to mabilis na pinaandar. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil wala pa ring kupas ang anak ko, matulin at swabe pa rin.
Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo papunta sa bahay nila Ervin dahil kanina pa sila naghihintay sa akin doon kaya nang makarating ako ay agad akong inasar ng tatlo.
"Napakatagal Mr. Wilson. Dapat sa'yo pinaghihintay rin eh." Iling ni Nathan bago sumakay sa kaniyang motor.
Nginisihan ko na lamang sila bago ibaba muli ang shield ng helmet. "Tara na, ang babagal." Pinatunog ko pa muna ang tambutsyo ng motor ko bago 'to mabilis na pinaandar.
Bahagya akong lumingon sa gawi nila kaya agad kong nakita ang mabilis nilang pagsunod.
"Tingnan natin 'yang yabang mo Wilson!" Sigaw ni Damon nang mahabol ako.
Muli ko siyang binalingan bago mapangisi sa ilalim ng aking helmet. "Huwag ka nang sumubok walang-wala 'yan sa anak ko!" Sigaw ko rin bago itodo ang pihit sa motor.
Mabilis lumikha ng ingay ang mga motor namin nang makapasok kami sa loob ng tunnel, bahagya akong natawa dahil sa sunod-sunod na pagbusina nila Ervin sa likuran.
Ito ang bonding namin.
Ilang oras naming nilibot ang lugar bago kami huminto sa tapat ng 7/11. Bumili muna kami ng makakain bago tumambay sa labas ng tindahan kung saan may mga lamesa at upuan.
"Who! Nakapag-exercise rin." Maganang usal ni Nathan bago lumagok sa root beer na binili niya.
"Bukas ulit, stress na ako dahil kay Prof Martinez." Pagod na komento ni Ervin.
"Sino ba kasing may sabing medicine ang kuhanin mong course? 'Yan tuloy ikaw ang nahihirapan." Iling ko naman sa kaniya.
Napatingin ako kay Damon nang bigla siyang sumingit. "Eh 'yun gusto ni Lira eh, gusto niya raw sa mga lalaking mag-dodoctor kaya sinunggaban ng kaibigan natin ang pagkakataon." Sabi niya dahilan para mapailing na lang din ako.
BINABASA MO ANG
Into the Other World (COMPLETED)
Roman d'amourThere is a world that is created by a person's mind, the world of fiction that is only made by an imagination. This is one where other things become possible, but is it also possible for this fiction to happen in the life of Athena Diaz? Athena, ha...