Athena's POV
"A-ako si..A-Athena.." Pabulong kong sinagot habang mariing nakapikit, minulat ko lang ang dalawang mata ko nang maramdamang unti-unti na niyang tinatanggal ang pagkakahawak niya sa panga ko.
Nakita ko ang pagkurap niya. Ang bibig niya ay bahagyang nakaawang indikasyon na siya ay nagtataka sa sinabi ko. Bahagya akong umatras habang pinupunasan ang iilang butil na ng luha na natira sa pisngi ko.
"W-who's Athena?" Nagbabanta pa rin ang boses niya. "Fuck! I can't understand!" Naiinis niyang dagdag dahilan para matapang ko siyang tingnan.
Wala na akong kawala pa, siguro tatanggapin ko na lang kung ano ang kahihinatnan ko sa mundong 'to dahil sa una pa lang, ako ang may gusto nito.
"Ako si Athena!" Sigaw ko dahilan para mapasabunot siya sa sariling buhok. Magsasalita na sana ako ngunit napapikit ako ng ilang segundo sa liwanag na bumalot sa mata ko, unti-unti ko na ring naririnig ang tugtog na kanina ay bumabalot sa buong lugar.
Saktong pagmulat ko ay tumama ito kay Xavier na ngayon ay hinuhubad na ang sariling coat.
"Dalia--" Hindi ko na narinig ang sunod na sasabihin ng kung sino sa likod nang biglang italukbong sa 'kin ni Xavier ang coat na hinubad niya bago ako hilahin palabas.
"Walang dapat makakita sa 'yo." Seryosong bulong niya, hindi na ako tumanggi pa dahil posibleng iba ang nakikita niya sa mukha ko ngayon..na posibleng totoong ako ang nakikita niya ngayon.
Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan na kaming nakalabas sa loob ng campus, tumigil na rin kami sa paglalakad dahilan para tanggalin na rin niya ang coat na nakatakip sa uluhan ko.
Suminghap ako bago siya tingnan na ngayon ay kunot nanaman ang noo sa 'kin.
"I-ikaw na ulit si Dalia.." Aniya. Dahan-dahan kong hinawakan ang mukha ko gamit ang sariling kamay bago mag-iwas ng tingin.
Ngayon alam niya na..magiging sakim na ba siya tulad ng sinabi ni nurse fairy sa 'kin?
Pumikit ako. "U-uuwi na ako--"
"Stay here." Putol niya sa sasabihin ko bago pa ako makaalis. Hawak na niya ang braso ko dahilan para hindi ako makakilos. "Hindi ka makakauwi hanggat hindi mo sinasabi sa 'kin ang lahat. Sabihin mo sa 'kin kung anong nangyayari?" Dagdag niya.
Kailangan ko ba talagang sabihin sa kaniya ang lahat?
Tanging kuliglig lang ang naririnig ko sa madilim na parking lot ng campus. Ang katawan ko ay nagsisimula nang lamigin dahil sa malamig na gabi bagay na napansin ni Xavier dahil mabilis niyang ipinatong ang sariling coat sa balikat ko.
Akma na sana akong magsasalita pero muli niyang hinawakan ang pulsuhan ko at mabilis na hinatak papasok sa loob ng kotse niya na siyang nakaparada lang pala sa harapan namin.
Inalalayan niya ako papasok, nang makapasok ako ay patakbo naman siyang pumasok sa driver seat bago bago ako harapin ng seryoso.
"Puwede mo na bang sabihin sa 'kin lahat?!" Naiinis niyang tanong dahilan para mag-iwas akong muli.
Paano ko sasabihin sa kaniya na ang mundong 'to ay gawa-gawa lamang ng isang tao? Na ang mundong tinitirhan niya ay isa lamang imahinasyon? Paano ko rin sasabihin sa kaniya na isa siyang main character sa mundong 'to na siyang kinababaliwan ng maraming kababaihan sa totoong mundo?
BINABASA MO ANG
Into the Other World (COMPLETED)
RomanceThere is a world that is created by a person's mind, the world of fiction that is only made by an imagination. This is one where other things become possible, but is it also possible for this fiction to happen in the life of Athena Diaz? Athena, ha...