Chapter 38

1.6K 48 3
                                    

Athena's POV

Ilang buwan na ang nakakalipas pero sariwa pa rin ang lahat ng ala-ala sa aking isipan. Mas nararamdaman ko ang paglala ng sakit ko dahil bawat paglipas ng araw, mas nagiging mahirap sa akin ang mabuhay.

"Nagback-out daw 'yong heart donor ni Athena! What should we do, Dad?! Pangalawang beses na 'to!" Bahagya akong napasandal sa gilid ng pintuan ng kwarto nila Mommy dahil sa narinig.

Unti-unti akong napahawak sa tapat ng puso, ni hindi ko na maramdaman pa ang tibok nito..

Walang buhay akong bumalik ulit papunta sa kwarto ko. Umupo ako sa harap ng study table ko bago magbaba ng tingin sa librong nakapatong dito.

"Kumusta ka na kaya diyan?" Mapait akong napangiti bago haplusin ang hawak ng libro.

Nagsisimula nanamang manubig ang dalawang mata ko, pilit ko 'tong pinigilan ngunit sa huli..bigo nanaman ako.

Sa bawat paglipas ng buwan ni hindi ko binuklat ang librong 'to, dahil natatakot ako na baka mas lalo lamang akong mangulila kay Xavier. Mabilis kong niyakap ang libro nang magsimula nang kumawala ang hikbi sa aking bibig.

Pakiramdam ko paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko sa tuwing naaalala ko ang kalagayan ni Xavier bago ko siya iwan mag-isa roon. Nasasaktan ako dahil kahit gusto kong bumalik doon, sa huli bigo pa rin ako..kahit pa ilubog ko nang paulit-ulit ang sarili sa dagat, wala pa ring himalang nangyayari para bumalik ako.

Kagat labi at lakas loob kong binuklat ang libro, hindi alintana ang sunod-sunod na pagpatak ng aking mga luha.

Xavier Luis Wilson..

Matamis akong napangiti nang mabasa ang una niyang pangalan sa unahang pahina ng libro. May illustration niya rin doon kung saan nakalagay sa itaas ng kaniyang pangalan. Muli akong napahikbi habang pinagmamasdan ang kaniyang itsyura, suot ang magulong uniform, magulong neck tie at magulong buhok habang nakasandal sa kulay itim niyang motor na minsan ko na ring nasakyan.

"Sayang dahil hindi ko man lang nadala dito 'yung kwintas na binigay mo..tuloy wala akong ala-alang nadala sa 'yo.." Bahagya akong natawa bago punasan ang luha sa aking pisngi.

Sinubukan kong iangat ang libro ngunit natigilan ako nang may nahulog doong papel. Dali-dali ko 'tong pinulot dala na rin ng pagtataka.

Ibinaba ko na muna ang libro bago dahan-dahang buklatin ang papel na animo'y matagal nang naka-ipit sa loob ng libro.

Kanino 'to? Bakit hindi ko alam na may papel na naka-ipit sa libro ko?

Tumayo ako bago umupo sa kama. Napalunok ako nang tuluyan ko na 'tong buksan hanggang sa tuluyan ko na ring makita ang isang magandang sulat kamay.

Dear, Athena.

Una sa lahat, gusto kong humingi ng kapatawaran dahil sa hirap na dinanas mo sa loob ng libro. Hindi ko intensyon na bigyan ka ng isang regalong akala ko ay makakabuti sa 'yo, pero nagkamali ako. Patawad din dahil hindi na kita nagabayan pa sa kalagitnaan ng krisis na kinaharap mo dahil sa isang character na nais lumabas sa loob ng libro, sinubukan ko siyang pigilin dahil sa oras na nakalabas siya..hindi ka na makakabalik pa sa totoong mundo mo. Nais kong kalimutan ang bangungot na naranasan mo sa loob ng libro na siyang kasalanan ko, umaasa ako na magiging masaya ka sa huli at munti kong regalo na nakalagay sa pinakahuling pahina ng 'yong libro. Mabuhay ka pa sana nang matagal, Athena.

Into the Other World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon