Athena's POV
Isang linggo ang nakalipas nang hindi ko pinapansin si Xavier. Natakot ako sa sinabi niya, pero hindi ko pa rin alam kung paano niya natatandaan ang totoong katauhan ko.
"Ako diyan." Natauhan ako sa pag-iisip nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Huli na nang makita kong nakatayo na si Lira paalis sa tabi ko na pinalitan ni Xavier na ngayon ay blanko ang mukhang nakatingin sa 'kin.
Kung kailan tuloy-tuloy na sana ang pag-iwas ko sa kaniya, siya naman itong lapit nang lapit. Hindi ko nabanggit na field trip namin ngayong araw.
Iginala ko ang paningin ko ngunit nakita kong nakaupo na si Lira sa tabi ni Faith kaya ibinaling ko na lang ang paningin sa labas ng bintana.
"Are you still avoiding me? Why?" Aniya ngunit hindi ako natinag.
May dahilan ba para 'di ka iwasan?
Matunog siyang bumuntong hininga. "Don't worry, I won't force you to answer my damn question." Dagdag niya dahilan para doon ako mapalingon sa kaniya. Agad nagtama ang paningin naming dalawa.
"'Wag ka na lang kasing magtanong.." Mahina kong naiusal bago muling mag-iwas ng tingin.
Siya lang ang tanging nakakaalam na naiiba ako sa kanilang lahat..
Lumipas ang ilang oras ay umandar na papaalis ang bus na sinasakyan namin. Maingay ang sinasakyan naming bus dahil na rin sa walang tigil na tawanan ng mga kaklase ko na siyang hinahayaan lang din ng adviser naming tahimik na nasa harapan.
"Oh, Dalia at Xavier tanong ko kung anong gagawin niyong dalawa pagkatapos ng kasal niyo?" Ayon ang nangingibabaw sa pandinig ko na sinundan ng halakhakan ng lahat.
"H-ha?" Lito kong tanong sa kanila sabay sulyap kay Xavier na nakangisi na ring nakatingin sa harapan.
"Uy, saan niyo balak mag-honey moon?" Tanong muli nila dahilan para muli silang matawa na siyang kinainit ng pisngi ko.
Paano nila nakakayang itanong sa 'min 'yon? Nakakahiya!
Narinig namin ang pagtikhim ng adviser namin dahilan para matahimik sila. "Class, ano ba 'yang sinasabi niyo? Wag nga kayong magtanong nang ganiyan kila Dalia at Xavier." Pananaway niya. "Masyado pa silang bata kaya wala pa sa isip nila ang bagay na iniisip niyo, hindi ba Dalia at Xavier?"
"Y-yes Ma'am." Sagot ko.
"Tsk." Ang sagot ni demuho.
Palihim ko pa siyang tiningnan nang masama hanggang sa ipikit niya ang dalawang mata niya at astang matutulog dahilan para lubayan na rin nila kami.
Nagpatuloy ang byahe, tansya ko pa'y halos tatlong oras ang naging byahe namin bago kami tuluyang makababa ng bus.
"Ang init naman!"
"Gosh, wala ba kayong pamaypay?"
Ilan 'yan sa mga reklamo ng mga babaeng kaklase namin. Panay rin ang pagpaypay ko sa sarili gamit ang palad pero kulang ang epekto no'n.
"Let's go class, dito tayo." Ani ng tour guide na lalaki sa 'min kaya mabilis din kaming sumunod sa kaniya dala ang mga gamit. Kasabay ko sa paglalakad sila Faith at Lira.
"Ano ba 'yan? Hindi ba tayo pupunta sa amusement park?" Napalingon ako kay Faith dahil sa itinanong niya, wala rin sa sarili kong naalala ang amusement park na pinuntahan namin ni Xavier last week.
BINABASA MO ANG
Into the Other World (COMPLETED)
Roman d'amourThere is a world that is created by a person's mind, the world of fiction that is only made by an imagination. This is one where other things become possible, but is it also possible for this fiction to happen in the life of Athena Diaz? Athena, ha...