Chapter 7

2.4K 98 3
                                    

Athena's POV

"You're not Dalia."

Naestatwa ang katawan ko sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Lira galing sa likuran ko. Ramdam ko ang unti-unting pag-sibol ng kaba sa dibdib ko, maging ang bawat paghinga ko ay unti-unting lumalim.

"Who are you?" Kinagat ko ang labi ko at mariing napapikit.

Paano niya nahalata 'yon? Paano niya nalaman? Hindi puwedeng may makaalam..ano ang dapat kong gawin?

Pilit kong itinago ang nagkukumawalang kaba sa dibdib ko bago siya harapin pero ganoon na lang ang pagkabigla ko sa nakita.

"A-anong ginagawa mo rito.." Halos pabulong kong naitanong habang nakatingin sa nurse na ngayon ay nakatingin na kay Lira na animo'y estatwa na diretsyo na ang tingin sa 'kin, katulad sa nangyari kila Mrs. Diana noon sa hospital, ganoon din ang nangyari ngayon kay Lira.

"Hindi ka nagiging maingat." Buntong-hininga ng nurse sabay harap sa 'kin. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa kaniyang likuran.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong pakatitigan ang kaharap na ngayon ay nakatayo sa harapan ko. Itim na may highlight na pula ang kulay ng buhok niyang pino. Maputla ang kaniyang balat, sakto naman ang kaniyang height.

"Sa oras na may makaalam na hindi ikaw si Dalia, magiging komplikado ang sitwasyon dito sa mundong tinatapakan mo, Athena." Seryosong sinabi niya habang nakatingin sa 'kin.  "Maraming magbabago, at malaki ang tsansa na isa na roon ang mga character na makakaalam ng tunay na ikaw."

Naubusan ako ng salita, unti-unti ko namang inintidi kung ano ang gusto niyang sabihin pero kulang pa rin.

"A-anong ibig mong sabihin? Anong magbabago?" Naguguluhan kong tanong sabay hakbang ng isang beses papalapit sa kaniya.

Huminga siya nang malalim. "Magiging sakim, Athena. Sa oras na malaman nila na isa lang silang character na namumuhay sa kathang-isip na mundong ito, gagawin nila ang lahat makalabas lang sa lugar na ito. At sa oras na mangyari 'yon..maaaring hindi ka na makabalik sa mundo mo.." Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako. "..makukulong ka sa mundong 'to na unti-unti ring maglalaho."

Kumabog ng mabilis ang puso ko dahil sa takot. Iniisip ko pa lang na mangyayari 'yon natatakot na ako, natatakot akong hindi ko na ulit makikita sila Mommy, Kuya at Daddy..sila Farrah at ang mga kaibigan ko.

"K-kung ganoon..ibalik mo na ako! Ayoko na rito, kuntento na ako na nababasa ko lang sila sa libro..g-gusto ko nang bumalik.." Pakiusap ko sa kaniya pero mabilis siyang umiling. Napahilamos naman ako sa mukha ko. "Hindi ko alam kung--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil mabilis nang naglaho sa paningin ko si nurse fairy.

Hindi puwede! Kailangan ko siyang makita.

"N-nurse?" Tawag ko sabay lakad papasok ulit sa locker, binuksan ko ang tatlong cubicle na nandito pero wala akong nakitang tao. "Makukulong ako.."

Ano na lang ang gagawin ko sa oras na makulong ako rito? Hindi puwede mangyari 'yon, gusto ko pang makasama sila Mommy kahit pa palala pa nang palala ang sakit ko, kahit ganoon at least makakasama ko sila hanggang sa huling hininga ko.

Into the Other World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon