Athena's POV
Halos ilang minuto na yata akong sumisigaw habang nakiki-pagsabayan ng sayaw sa mga taong hindi ko kilala. Panay rin ang paglagok ko ng alak dahilan para lalo akong makaramdam ng hilo, ang paningin ko ay nagsisimula nang umalon.
"OoOoOyyY ano bA!" Pasinok-sinok kong reklamo nang may malakas na humigit sa 'kin palayo roon..palayo sa pwestong gustong-gusto ko. "Bwetawen mo nga ko!"
Nang huminto ay unti-unti kong minulat ang mata ko habang pagewang-gewang nang tayo sa kinatatayuan.
Muli akong napasinok bago ituro ang mukha ng lalaking nasa harapan ko.
"D-damoOon?" Tumatawang sabi ko sabay ngisi. Napapahagikgik akong pumikit habang pilit nilalabanan ang sariling kahinaan na 'wag bumagsak sa lapag.
Hehehehe...kaharap ko si Damon...
"Umuwi na tayo, Dalia." Sabi sa 'kin ni Damon kaya muli akong tumawa sa kaniya.
Minulat ko ang mga mata ko bago muling tumingin sa kaniya. "Uuwi--" Muli akong napasinok. "..n-na tayo?"
"Yeah, kaya pumasok ka na sa loob ng kotse para maihatid na kita." Sagot pa ni Damon. Mabilis kong naramdaman ang paghawak niya sa kamay ko pero mabilis ko 'tong kinuha sabay iling nang ilang beses, habang ang kamay ko naman ay sumesenyas ng hindi sa hangin.
Uuwi na kami? Hehehe sasama..ba siya sa 'kin sa real world hehehe.
"Dalia, let's go."
"Ayuku! Hin...hindi rito ang bahay ko!!" Sagot ko sabay tawa. Mabilis kong pinunasan ang basa kong ilong gamit ang braso ko. "Kaya mo ba akong iuwi sa 'min? Na.." Muli akong napasinok. "--namimiss k-ko..na kasi siilaaa mami!"
Naramdaman ko ang pag-alon muli ng paningin ko dahilan para muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko pero mabuti na lang ay mabilis akong nasalo ni Damon sa mga bisig niya.
Suminghap ako bago tumawa.
Hihihihi..ang bango-bango niya!
"Let's go."
Hindi na ako tumanggi pa kasi iuuwi na niya ako sa 'min. Sinandal ko ang ulo ko sa upuan habang nakapikit ang dalawang mata.
Naramdaman ko na lang na umaandar na ang kotse kaya muli kong minulat ang mata ko, tumama ang paningin ko sa labas pero hindi ko alam kung bakit may tumulong basa sa pisngi ko.
"Hmm? Umaambon ba?" Inaantok kong tanong sabay tingala pero muli akong napapikit dahil bubong ng kotse ang nakita ko bago ko kapain ang pisngi ko.
Ganoon na lang ang pagkibot ng labi ko nang maramdaman ang pagsunod sunod na pagpatak ng mga tubig galing sa mata ko bago kumawala ang malakas na hikbi mula sa bibig ko.
"M-mommy.." Umiiyak kong sabi habang nakatingin sa labas ng bintana, ang kamay ko ay nakahawak sa tapat ng dibdib ko dahil ramdam ko ang nag-uumapaw na lungkot mula rito.
"D-dalia? What's wrong?" Tanong sa 'kin ni Damon pero lalo lang akong napahikbi.
Ang sakit ng puso ko..ang sakit-sakit..
Suminghap ako bago lingunin si Damon na ngayon ay nakatingin na sa 'kin gamit ang nag-aalalang mga mata. Ngayon ko lang din na-realize na nakahinto na ang kotse. Mariin akong pumikit-pikit dahil nagiging dalawa na ang ulo ni Damon.
BINABASA MO ANG
Into the Other World (COMPLETED)
RomanceThere is a world that is created by a person's mind, the world of fiction that is only made by an imagination. This is one where other things become possible, but is it also possible for this fiction to happen in the life of Athena Diaz? Athena, ha...