Athena's POV
TOTOO BA 'TOOOOOOO?
Hindi ako makapaniwala na nakakasabay ko kumain ang mga character sa kwentong 'to. Mababaliw na yata ako sa pag-iilusyon dahil nakikita kong kung kumain ang mga fictional character na dapat ay nasa libro at nanahimik lang. Kailangan ko rin yata ng makakausap, 'yong makakarelate sa kung anong nararamdaman ko ngayon. Kung puwede lang na isama rito si Farrah, hiniling ko na.
"Dalia, kumain ka na." Napako ang paningin ko kay Faith na ngayon ay nakikipag tawanan ulit sa iba naming kasama rito sa mahabang mesa, kasalukuyan kasi kaming nasa cafeteria para maglunch.
Ang ganda niya. Tamang-tama sa description sa kaniya ng author. May mahabang pilik mata, glossy na labi at kulay hazel na mga mata. Matangkad din siya, may katawan na mala-model sa ganda.
"Hey, may problema ba?" Lumipat naman ang tingin ko kay Lira na isa rin sa mga kaibigan ni Dalia. Napalunok ako at napatango.
Kung maganda si Faith, may igaganda rin si Lira. Kulot at brown na mahabang buhok ang meron siya. Nakasuot siya ng salamin sa mata pero hindi siya magmumukha nerd dahil mukha siyang member ng mean girls, bagay rin sa kaniya ang uniform namin na hapit sa maganda niyang katawan.
"Hoy, Dalia Sophien ano bang nangyayari sa'yo?" Napatingin kaming lahat kay Xavier nang magsalita 'to. Hindi ko alam na kanina pa pala niya ako tinitingnan. Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil halos lahat ng kasama namin dito, na halos kasama sa kwento ay nakatingin na sa 'kin.
"A-ano bang s-sinasabi mo?" Maang-maangan kong sinabi dahilan para magbulungan ang mga katabi ko.
"Omg, totoo nga. So hindi na sya baliw kay Xavier?"
"I don't know, maybe? Ah! I'm so relieved na natauhan na ang tanga nating kaibigan."
"Wait, 'wag na muna nating sabihin 'yan dahil we all know na marupok siya!"
Napaismid agad ako sa mga narinig nilang bulungan pero pinili kong kumain na lang.
"Dalia, join ka mamaya? May paparty sa berlin mamaya. Ano, game?" Lumipat naman ang atensyon naming lahat sa lalaking nag-aya sa 'kin, hindi ko alam ang pangalan niya dahil hindi ko naman nakita ang illustration niya sa story.
"Ah.." Kamot pisngi kong usal. Sa buong buhay ko, ngayon lang may nag-aya sa 'kin para sumama sa party. Kahit nasa katauhan ako ni Dalia, hindi ko maiwasang matuwa.
Magsasalita na sana ako pero napatingin kami kay Damon nang pitikin niya sa noo ang lalaking nag-aya sa 'kin na siyang katabi niya lang din.
"Ano ka ba naman Jules, alam mong kagagaling lang sa hospital ni Dalia."
Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin kay Damon na ngayon ay muling nagpatuloy sa pagkain.
*Tugdug*tugdug*
Napalunok ako dahil sa nagkukumawalang dibdib ko. Ganito ba ang feeling kapag concern sa'yo ang fictional character na gusto mo? Ganito ba..maging concern ang mga katulad niyang character na mula sa libro?
Hay..ang puso ko. Ang saya sa pakiramdam na nasa katawan ako ni Dalia dahil hindi ko nararamdaman ang sakit ko, at mas lalong nagagawa ko ang mga bagay na matagal ko nang pinapangarap.
"Una na ako, may pupuntahan pa ako." Saad ni Xavier sabay tayo. Napangiwi pa ako dahil sa magulo niyang uniform. Bukas ang coat, maluwag na necktie at gusot na long sleeve na nagpadagdag lang sa kaniyang angas. Kahit pa ganoon, pupurihin mo pa rin siya sa taglay niyang kagwapuhan.
BINABASA MO ANG
Into the Other World (COMPLETED)
Storie d'amoreThere is a world that is created by a person's mind, the world of fiction that is only made by an imagination. This is one where other things become possible, but is it also possible for this fiction to happen in the life of Athena Diaz? Athena, ha...