PROLOGUE
"Nay, tingnan mo ang daming stars!" Tumuro ako sa langit. "Ang dami nila! Ang cute," tuwang-tuwang sabi ko habang nakatungtong sa upuan.
Nakangiti niya akong sinulyapan habang pagtitiklop siya ng damit sa kama kaya hindi pa ako makahiga. Hindi pa rin naman ako inaantok at hindi ako makakatulog nang wala sa tabi ko si nanay kaya hihintayin ko na lang siya matapos doon.
"Do you love stars?" tanong niya kaya tumango ako kaagad.
"Opo, I love stars! Gusto ko sila mahawakan. May nabibili po bang ganyan? Ibili mo 'ko nay! Kahit isa lang," hirit ko. Kumunot ang noo ko nang matawa siya.
"Hindi 'yan nabibili," tumatawang sabi ni nanay. "Sa totoo ay malalaki sila at maiinit. Maliit lang kung makita natin dahil malayo sila at mataas," dagdag niya pa kaya napasimangot ako.
Sumulyap ako muli sa itaas bago ko isinara ang bintana at hinawi ang kurtina dahil patapos na rin si nanay sa ginagawa niya. Dahan-dahan akong bumaba sa upuang tinutungtungan ko at ibinalik 'yon sa totoong pwesto. Humiga na ako sa kama habang nilalagay na ni nanay sa cabinet ang mga damit naming tiniklop niya.
"Ako may star." Nanlaki ang mata kong nilingon si nanay dahil sa sinabi niya. Humiga na rin siya sa tabi ko at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"Nasaan po?" Tumingala ako sa kanya.
"Ikaw."
Kumunot ang noo ko. "Ako po? Wala naman po ako sa langit para maging star, ah."
Dahil ba maliit ako? Ang sakit, ha.
Mas lumalim ang kunot sa noo ko nang matawa na naman si nanay.
Ako ang star niya? Hindi naman ako star kasi tao ako. Wala rin naman ako sa langit gaya ng nakikita kong mga star sa itaas.
"Ikaw ang star ko dahil nagbibigay ng liwanag ang mga bituin, at gaya ng mga stars, ikaw naman ang nagbibigay ng liwanag sa buhay kong madilim," makahulugang sabi niya.
"Ha, bakit po madilim ang buhay mo, Nay?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko siya makuha.
"Hay nako, Ellianna Ghale. Bata ka pa talaga. Matulog na lang tayo at may pasok ka pa bukas."
Napakamot ako sa ulo ko. Inayos niya 'yong pagkakakumot sa akin. Umayos na lang ako ng higa at niyakap si nanay.
"Good night po..." bulong ko bago ko ipinikit ang mata ko.
"Good night, Lia ko..."
Nagising ako na wala na sa tabi ko si nanay. Hindi na ako nagulat dahil paniguradong nasa kusina na siya at nagluluto kaya bumangon na rin ako at sinundan siya sa kusina. Naroon nga si nanay kaya napangiti ako.
"Good morning, nay!" maligayang bati ko kaya napalingon siya sa akin saglit.
"Good morning!" bati niya sa akin pabalik.
Nagpunta ako sa may lababo para magmumog. Hinila ko 'yung isa naming upuan para maabot ko ang lababo dahil masyado akong maliit. Saglit naman akong inalalayan ni nanay pero bumalik din siya kaagad sa niluluto. Umupo na lang muna ako pagkatapos habang hinihintay matapos si nanay.
BINABASA MO ANG
Amid the Endless Stars (Adopted Series #1)
RomantizmADOPTED SERIES #1 Shadler Trevor is an engineering student who places a high value on his education. Because of what happened to his parents, he doesn't believe in love, so he's more focused on graduating first. But everything changed when Ellianna...