CHAPTER 20
I felt empty after he left.
I suddenly felt guilty for what I said, pero para naman 'yon sa kanya, e. Ayokong papabayaan niya para sa akin ang una niya pa lang na prayoridad bago ako dumating sa buhay niya. Graduating din siya at alam ko na kaya niyang kunin ang Summa Cum Laude kung mag-aayos lang siya at hindi ako palagi ang aalalahanin niya. Kaya ko pa naman ang sarili ko.
Dahan-dahan akong bumangon para kumain bago ko inumin ang gamot. Nagtingin ako sa stock niya kung may maluluto ba ako. May nakita akong cup noodles kaya nag-init na lang ako ng tubig. Habang hinihintay 'yon ay kinuha ko muna ang phone ko dahil kanina ko pa 'yon naririnig na tumutunog. Hindi na ako nagtaka na may flood message na naman sa akin si Jade.
From: Jade
HOY WER NA U
From: Jade
MAGSSTART NA CLASSSSS
From: Jade
GAGO BAT WALA KA ELLIANNA GHALE?!₤!!??
From: Jade
ISA KA PA NA PAWALAWALA AKALA MO BA NAKAKATUWA
From: Jade
HOY MAGREPLY KA GAGONG TO
From: Jade
SAN KA BA PUTANGINANG TO
Napakamot ako sa ulo ko nang mabasa ang messages niya. Marami pa 'yon pero puro mura na. Agad naman akong nagtipa para replyan siya.
To: Jade
may sakit ako
From: Jade
HA?!?? BAT KA NAGKASAKIT?!?
To: Jade
start na ang class cellphone ka pa rin nang cellphone
From: Jade
SERYOSO KASI NASAN KA?
To: Jade
condo ni shadler, pero ok lang naman ako. mag-aral ka nang mabuti jan gaga
Napalingon ako sa pinainit kong tubig nang kumukulo na 'yon. I put it in my cup noodles and waited for it to soften. Hindi na nag-reply si Jade kaya binitawan ko na ang cellphone ko. Nang lumambot na ang noodles ay bumalik ako sa kwarto para dito kainin. When I finished eating that, I took my medicine. I checked my phone again when it beeped.
From: Trevor <3
Babe, how's your feeling?
To: Trevor <3
ok lang ako. jan ka muna magfocus
From: Trevor <3
Yes. Don't forget to take your medicine and eat on time. I love you! See you later.
I can't help smiling. Nagtype ako ng I love you pero binura ko rin at hindi na lang nagreply dahil baka madistract pa siya. Tinext ko na lang si Tita Dane para makibalita sa lagay ni Andrae.
From: Tita Dane
Ganoon pa rin. Salamat sa concern, Lia.
To: Tita Dane
wala yon tita kaibigan ko po si andrae
To: Tita Dane
tita kung pupunta po ulit ako jan, pwede po ba isama yung iba pa naming kaibigan?
From: Tita Dane
Sure. Ilan ba kayo?
To: Tita Dane
apat lang po
BINABASA MO ANG
Amid the Endless Stars (Adopted Series #1)
RomanceADOPTED SERIES #1 Shadler Trevor is an engineering student who places a high value on his education. Because of what happened to his parents, he doesn't believe in love, so he's more focused on graduating first. But everything changed when Ellianna...